Chapter 11 - Sinigang

2395 Words
"Good morning." Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata habang kinakapa si James sa gilid ko nang marinig ko ang pagbati niya sa akin pero hindi siya mahagip ng mga kamay ko. "Aaah." mahinang ungol ko sabay inat ng aking mga braso. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama. "Kumain na tayo." nakangiting saad niya. "Hi baby. Gising ka na pala." dagdag nito sabay haplos ng aking pagkalalaki na nasa ilalim ng kumot at nakatutok paitaas. Buhay na buhay. Napangiti nalang ako nang makita ko ito. Biglang parang naging isang tent ang kumot na nakabalot sa aking ibabang katawan. "Ang aga mo yata nagising? Naligo ka na?" "Oo. Tapos na kaya maligo ka na rin. Nag-order na rin pala ako. Halika na baka lumamig pa ang pagkain." sabi niya sabay tayo. Bumangon na ako sa kama at isinuot ko ang boxer shorts at damit na itinapon ko sa gilid kagabi. Nagtungo na ako sa mesa at umupo sa upuan sa harap niya. "Fastfood na naman? Hindi ka ba nagsasawa?" "Sarap kaya nito." sabi niya tsaka kumagat sa fried chicken. "Masarap nga pero mamamatay naman tayo nito nang maaga. Parang inaraw-araw mo na yata ito eh." reklamo ko "Hayaan mo na. Bibili nalang ako sa supermarket ng mga noodles at de lata mamaya." sabi niya at pagtango nalang ang naging tugon ko. Wala na akong magagawa. Nandito na ang pagkain. Kumain na kami at tumayo na ako sa kinauupuan ko nang matapos na kaming dalawang kumain. Niligpit ko ang mga pinagkainan namin at itinapon ito sa basura. "Maliligo lang ako." sabi ko at tumango lang siya. Nagtungo na ako banyo at bago ko pa man buksan ang pintuan nito, lumingon muna ako sa kaniya. "James." "Oh?" "Magbihis ka." "Ha?" "Basta. Lalabas tayo." sabi ko at tuluyan nang pumasok sa banyo. Isinara ko na ang pintuan at nang mapalingon ako sa gilid ko ay nakita ko ang aking repleksyon sa malaking salamin. Lumapit ako at nakipagtitigan sa kaniya. Huminga ako nang malalim. "Poprotektahan mo si James kahit ano pang mangyari." nakangiting tugon ko sa lalaking nakita ko sa salamin. Hinubad ko na ang aking mga saplot sa katawan at naligo na. Pagkatapos ay nagtapis na ako ng tuwalya at lumabas na ng banyo. "Bakit hindi ka pa nagbihis?" pagtataka kong tanong. Naabutan ko nalang siya sa kama na nakahiga habang nagbabasa ng libro. Nagtungo ako sa drawer para kumuha ng boxer briefs, pantalon at tshirt. "Saan ba kasi tayo pupunta?" "Lalabas nga tayo. Halika na. Magbihis ka na at baka maabutan pa tayo ng hapon." saad ko sabay tanggal ng tuwalya. "Magtapis ka nga." sita niya nang makarating na siya sa drawer at nasa likuran ko na. Natawa nalang ako. "Wala naman akong maitatago sa iyo di ba? Nakita mo na lahat kagabi." saad ko sabay suot ng mga damit. Tumalikod ako at naabutan ko nalang din siyang naghubad ng kaniyang mga damit. Lumapit ako sa kaniya. Niyakap ko siya mula sa likod at ipinatong ang aking ulo sa kaniyang balikat. Nakikita ko ngayon ang nakangiti niyang mukha sa repleksyon ng salamin sa drawer. "Magbibihis muna ako." sabi niya at sinunod ko naman ito. Pinagmasdan ko lang siyang nagpantalon at nagsuot ng gray tshirt. Pagkatapos naming magbihis dalawa ay sumakay na kami sa kotse niya, siya ang nagda-drive samantalang nasa front seat naman ako. "Hindi mo pa ako sinasagot kung saan tayo pupunta ngayon." aniya "Maggu-grocery tayo." "Okay. Magwi-withdra ..." Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nilagay ko ang aking hintuturo sa kaniyang bibig para hindi makapagsalita at nagkatitigan kami. "Di ba sabi ko nu'ng isang araw na ako na ang magbabayad ng grocery?" "Pero ..." "Sssh. Magdrive ka nalang. Okay?" "Okay." "Good." nakangiting saad ko at sinimulan na niyang paandarin ang kotse. Nang makarating na kami sa supermarket ay pinark na namin ang sasakyan sa parking lot at pumasok na sa loob. "Ano naman ang bibilhin natin?" "Hindi ka pa ba nakapag-grocery?" tanong ko at umiling lang ito. Napabuntong hininga nalang ako. Kungsabagay, paniguradong may katulong ito nu'ng bata sa Cebu kaya hindi alam kung paano bumili o magluto. "Alam mo minsan, napapaisip ako. Paano mo kaya nakakayanang mabuhay mag-isa sa condo?" "Anong akala mo sa akin bata? Kaya kong mabuhay mag-isa at ... dahil lang ba sa hindi ako naggu-grocery kaya mo naisip iyon?" "Oo." Napangiti nalang ako sa naging reaksiyon niya sa tanong ko. Sinimulan ko nang itulak ang pushcart at napansin ko naman ang pagsunod niya sa akin sa gilid ko. Huminto ako sa may gulayan at pinulot ang pechay, alugbate, sayote, at iba pa. "Bilhin na rin natin ito." saad niya sabay lapag ng hotdog sa cart. Napatingin naman ako sa kaniya at napangiti. "Sigurado kang iyan ang hotdog na gusto mong kainin?" mapanuksong sabi ko sa kaniya at natawa naman ako sa naging reaksiyon niya. "Loko ka. Umayos ka nga. Nasa labas tayo." seryosong saad niya sabay talikod sa akin at naglibut-libot ulit pero ramdam ko naman na nagpipigil lang itong ngumiti o tumawa. Sumunod na naman ako sa kaniya hanggang sa nakarating na kami sa  may karnehan. Pumili na ako sa mga karne ng baboy at manok at nilagay ito sa cart. Naglagay na rin siya ng noodles, canton, sliced bread, nutella, at iba pa. "Sigurado ka bang hindi ka naggu-grocery o sadyang tamad ka lang?" sabi ko "Baka nga siguro tamad? Ewan ko. Bakit?" "Para mo na kasing bibilhin lahat ng mga mabibili mo rito eh." "Huwag kang mag-alala. Ako na ang magbabayad." saad niya. Pinagmasdan ko lang siyang naglakad papunta sa cashier. Napansin niya sigurong hindi ako nakasunod sa kaniya kaya napalingon ito sa akin at tinaasan ko lang siya nang kilay ko. "Anong akala ng lalaking ito? Hindi ko kayang magbayad?" bulong ko sa aking sarili. "Sigurado ka bang hindi mo siya pineperahan?" Bigla ko tuloy naalala ang sinabi sa akin ni Rex nu'ng huling engkwentro namin sa condo ni James. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagkainis. Kailanman, hindi ko pineperahan si James at kahit alam kong mahal niya ako ay hindi ko rin iyon gagamitin para lang makahuthot sa kaniya. "Mark. Okay ka lang?" "H-Ha?" Nabalik nalang ako sa wisyo ko nang hinawakan ako ni James sa aking balikat. "Kanina pa kita tinatawag. Tayo na ang susunod." Napatingin ako sa cashier at wala na ngang nakapila kaya agad ko itong itinulak papunta du'n. Iniling-iling ko ang aking ulo para mawala si Rex sa isipan ko. Napabuntong hininga nalang ako nang makarating na sa cashier. "Sigurado kang okay ka lang?" "Oo. Okay lang ako." nakangiting sagot ko. "Kanina ka pa kasi parang may iniisip eh. Huwag mong sabihing dahil ito sa mga bini ..." "Okay lang ako." Binigyan ko siya ng isang ngiting abot tainga nang hawakan ko ang maumbok na pwet niya. Agad niyang tinabig ang aking kamay hanggang sa natawa nalang ako nang makita ko ang naging reaksiyon nitong parang nakakita nang multo. "Hi Sir. 2,567 po lahat." sabi ng cashier. Agad ko naman kinuha ang pera sa pitaka na nasa bulsa ko at ibinigay ito sa kaniya. Nagkatitigan kami ni James at mas diininan ko pa ang aking tingin sa kaniya. Competitive. Pero wala na siyang nagawa. Hindi namang pwedeng hindi ako maglalabas ng pera. Sumweldo na ako kaya may extra ako na pera ngayon. Wala naman akong upang inaalala ngayon. Nang mabayaran at makuha na namin ang aming mga pinamili ay nagtungo na kami sa kotse. "May pera ka pa ba?" biglaang tanong nito nang makaupo na ako sa passenger's seat. "Oo." Tumingin ako sa kaniya at napabuntong hininga. "Hindi ba sabi ko sa'yo na maggu-grocery tayo at ako ang magbabayad kapag sumweldo na ako? Kaya ito." saad ko sabay kabit ng seatbelt "Sige. Basta kung kailangan mo ng tu ..." "Tayo na. Hindi ka na naman nakikinig sa akin. Kaya ko naman ang sarili ko." seryosong saad ko. "Hindi mo na kailangang maglabas pa ng pera para sa akin." "Okay." tanging tugon niya Napabuntong hininga nalang ako at napasandal sa headboard ng aking kinauupuan at sinimulan na niyang paandarin ang kotse. Tahimik lang kami sa buong byahe hanggang sa makarating na kami sa condo niya. Naiinis kasi ako kapag pinag-uusapan namin ang pera lalung-lalo na kung maglalabas siya dahil maiisip ko na naman ang sinabi ni Rex sa akin. Tinulungan ko na siyang ilagay ang mga pinamili namin sa ref at sa cabinet. "Anong lulutuin natin? Hindi ako marunong magluto eh." "Alam ko naman iyon eh." natatawang saad ko. "Bakit? Marunong ka ba?" "Hindi rin. Ikaw nalang kaya kainin ko?" mapanuksong saad ko at kinindatan siya. Natawa naman ito o mas mainam na sabihin kong ... kinilig ito. "Namumula ka yata." nakangiting sabi ko "Sige. Isa pa. Sipain kita." seryosong saad nito sabay irap ng kaniyang mata at talikod sa akin. Sa tingin ko, kinilig talaga ito. Nagmamadaling umiwas sa akin eh. "Magbihis ka na. Kakainin na kita ... este kakain na tayo pagkatapos." natatawang saad ko pero hindi naman ako nito sinagot. Hinubad ko na rin ang aking damit at pantalon at tanging boxer brief nalang ang aking suot para komportable akong makagalaw sa kusina. Kami lang namang dalawa nakatira rito. Kumuha na ako ng kutsilyo, mga isda at iba pang mga sangkap at mga gamit para sa lulutuin kong sinigang na isda. "Bro! Tikman mo nga ito kung sakto na ang pagkaasim nito sa'yo." tawag ko sa kaniya sabay higop ng sabaw ng sinigang. Hmmm ... sarap! Pinagmasdan ko lang siyang nagtungo palapit sa akin at agad naman niyang iniwas ang kaniyang mga tingin sa tuwing mag-abot ang aming mga mata na siyang nagpatawa sa akin. Pa-cute din itong kaibigan ko eh. "Ito. Dahan-dahan lang. Mainit pa ito." Hinipan ko muna ang sabaw tsaka inilapit sa kaniyang bibig ang kutsara. Tinikman niya ito at natawa nalang ako sa naging reaksiyon ng kaniyang mukha. "Masyado bang maasim?" "Ano ba ito ?" "Sinigang. Hindi ka pa nakakain nito? Arte mo ha." "Nakakain naman pero ... ang asim talaga nito eh. Ilang kamyas o sampalok ba ang nilagay mo rito at ang asim." sabi niya habang bakas na bakas pa rin sa kaniyang mukha ang asim ng kaniyang natikman. Tinaasan ko lang siya ng kilay ko. "Bakit?" pagtataka niyang tanong "Umaarte ka lang yata eh." "Hindi nga. Ang asim talaga." sabi nito at nilagpasan lang ako para uminom ng tubig. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya mula sa kaniyang likuran habang nakapatong ang aking baba sa kaniyang balikat. "Alisin mo iyang matigas na bagay sa ibaba mo." saway niya sabay inom ng tubig at lapag ng baso sa mesa. Napakasensitibo naman kasi ng alaga ko ngayong mga nakaraang araw. Makalapit lang sa kaniya, tumitigas na. Baka naman kasi dahil siya ang nakauna nito. "Uhmmm..." mahinang ungol ko sa kaniya at humarap ito sa akin. Inikot ko ang aking mga kamay sa kaniyang beywang para hindi siya makagalaw at nararamdaman ko ang dalawang ahas sa ibaba na para ring nagyayakapan. "Alam mo kung anong mas mabisang pantanggal ng asim?" "Ano?" pagtataka niyang tanong at agad ko namang idinampi ang aking mga labi sa kaniyang mga labi. Pagkalapat nito ay agad naman niya itong tinugunan hanggang sa sumama na ang aming mga dila na nagsasandatahan. Hinawakan ko ang kaniyang kamay habang patuloy ang aming mainit na paghahalikan at ipinasok ko ito sa loob ng tanging suot na boxer brief ko. Gusto kong umungol nang dumampi ang kaniyang mainit na palad sa balat ng aking pagkalalaki pero hindi ko magawa dahil kinandado ang aking bibig ng kaniyang mga bibig. Dahan-dahan niya itong sinasalsal at mariing pinisil-pisil na mas lalong nagpatigas nito. Humiwalay siya sa aming paghahalikan at pinaulanan ako ng mga halik sa aking leeg at hinahaplos-haplos ng mga kamay nito ang aking buong dibdib. Mas lalong tumigas ang aking mga utong nang ang mga dulo nito'y kaniyang dinilaan. "Aaaah!" mahinang ungol ko Nagpatuloy siya sa paghalik sa aking katawan, sa aking tiyan hanggang sa pumantay na siya sa sandata ko. Mariin niya itong kinagat-kagat kahit nasa loob pa ito ng aking boxer brief pero hindi na ako nakapagpigil pa, agad ko nang hinubad ito at hinawakan ang bilog sa ilalim nito. Mahinang hinampas-hampas at ipinahid-pahid ko ang matigas na katawan nito sa bibig niya at mas lalo naman uminit ang aking buong katawan nang mariin siyang napapikit ng kaniyang mga mata na para bang isang batang hinahayaan lang akong gawin ang bagay na ito sa kaniya. Hinawakan niya ulit ang aking sandata. Dinilaan niya ang kabuuan at kahabaan nito hanggang sa maliit na butas ng pagkalalaki ko at hanggang sa tuluyan na niyang ipasok ito sa mainit niyang bibig. Dahan-dahan at paulit-ulit niyang isinusubo ito sa kaniyang bibig hanggang sa isubo niya ito nang buo . Isinagad at hinayaan niya lang manatili ang paglalaki ko sa loob ng kaniyang bibig nang ilang segundo hanggang sa hinugot niya ito dahil nabilaukan siya. "Aaah!" Napabuntong-hininga nalang ako nang hugutin niya ang aking sandata. Sinabunutan ko siya at dahan-dahan ipinasok ang aking alaga sa kaniyang bibig at sinimulan ko nang bayuhin ito. Dahan-dahan hanggang sa unti-unti ko nang binilisan ang aking pagbayo. Sinalubong niya ang aking pagbayo hanggang sa naramdaman ko na muntikan na akong labasan. Hinugot ko ito at inangat-baba ang aking sandata ng aking kamay habang siya ay parang si Juan Tamad na naghihintay na mahulugan ng bayabas. Mas binilisan ko pa ang pagsalsal sa aking pagkalalaki hanggang sa napansin ko nalang ang nga puting likido ko na pumutok at sumabog sa kaniyang mukha. "Aaah! Uhmmm..." mahinang ungol ko. Pakiramdam ko yata para akong tumatakbo dahil sa bilis ng t***k ng aking puso. Dahan-dahan siyang tumayo at hinalikan ako. "Nawala na ba ang asim?" nakangiting saad ko "Ang bastos mo ... Mark Vasquez!" nakangiting sabi niya. Isinuot ko na ulit ang aking boxer brief at naghanda na ng aming hapunan. Hindi ko alam kung nagsisinungaling lang ba siya kanina sa sinabing maasim ang sinigang ko o sadyang umepekto lang ang ginawa ko para matanggal ang asim nito? Umupo na siya sa mesa at  pinagsilbihan ko. Nagsimula na rin kaming kumain. "Nabusog ka?" "Oo. Salamat. Sa kauna-unahang pagkakataon, may nagluto para sa akin." nakangiting sabi niya at nakangiti ko ring inayos at hinaplos-haplos ang kaniyang buhok. "Masaya ako, Mark. Masayang masaya at sana hindi ito magtapos at mawala nalang isang araw." Hindi ko alam, sa totoo lang. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung libog lang ba ang lahat ng ito. Sinusubukan ko pa ring hanapin ang mga sagot. "Hindi kita iiwan. Hinding-hindi." tanging tugon ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD