briana point of view
tinanggal ko ang nakakabit sa mga mata kong piring ng tumunog ng paulit ulit amg alarm, inaantok pa 'ko.
kinuha ko ang unan at balak batuhin ang alarm clock para tumigil ngunit, may umagaw sa unan kaya mabilis akong napabalikwas.
suot na ni paolo ang puting labcoat habang basa padin ang buhok na nakatayo sa harapan ng kama ko.
"get up, its already 6am"
"kung papasok ka sa hospital, mauna kana magpapahatid nalang ako kay mang estong"inaantok kong sabi ngunit napatili ako ng hatakin niya ko sa paa pababa ng kama.
"PAOLO WTF ARE YOU DOING?!!"
"get up bilis, gusto ko lang makasigurado na makakapasok ka sa school"
pinagbabato ko siya ng unan na maagap nyang sinalag isa isa at binalik saakin, paulit ulit akong tinamaan sa muka at sobrang nakakaasar.
"pwedi ba! puyat ako at gusto ko pang matulog..ikaw kaya ang alas tres na matulog?!"sarkastiko ko na sabi.
"i don't fvcking care, ginusto mong manuod ng kdrama at matulog ng alas tres ..its not my fault"napairap ako.
"kakauwi ko lang galing duty at wala pa 'kong tulog dahil sa magdamag na trabago...bumangon kana o gusto mong paliguan pa kita?"
"eh anong pakialam ko kung wala kapang tulog? ginusto mong mag doctor di ba binabalik ko lang sayo ang sinasabi mo..its not my fault too"
"i will count one"
itinaas niya ang kamay at umastang nagbibilang.
"siguro gusto mong ako mismo ang magpaligo saiyo kaya ka umaarte...two"
nanlaki ang mga mata ko at agad na napatayo, bwisit akong nagdadabog papunta sa cr.
"lumayas kana sa kwarto bwisit ka!"
"the breakfast already done, aantayin kita sa baba"
NAKAKAINIS ANG PAKIALAMERO!
mabilis kong tinapos ang paliligo at agad na bumaba ng makabihis nako ng uniforme.
"ayokong kumain, im on a diet"
"okay"
kinuha niya ang suitcase at naglakad na palabas ng mansyon, sumakay na 'ko sakanyang kotse dahil sumasabay ako sakanya sa pagpasok, sinabi ko na kila mommy na kumuha ng sarili kong service ngunit siya ang ayaw.
bida bidang lalaki.
"don mo 'ko sa overpast ihinto, pagod na 'kong pagtakpan ka at sabihin ikaw ang kuya ko kahit hindi naman"
"okay"
"siguro hindi ka masaya sa buhay no?"sarkastiko kong tanong kaya saglit syang napatingin saakin.
"uhm, yeah"
"anong pakiramdam ng wala kana sa calendaryo? ang boring siguro ng buhay mo noh? ang tanda mo na pero wala kapading asawa at mga anak"
"hindi naman boring"
"nayayamot ako sa pagmumuka mo, pwedi bang takpan mo ang muka mo?"
"edi pumikit ka"
"masyado kong gwapo para itago ko ang muka ko"
"kilala mo ba ang enhypen at bts? sila ang totoong mga gw—"
"wala akong paki sakanila"
natawa ako ng sarkastiko at gusto ko ng tanggalin ang sapatos ko upang sapatusin siya sa muka, bakit kasi sa dinami dami ng mapipili ng mga magulang ko dito pa sa gurang na ito.
pwedi naman sa kaedad ko, hindi ung 8years ang tanda saakin, pwedi ko nanga siya maging tito eh gaganahan pa sana akong mabuhay kung pogi at kaedad ko ang mapapangasawa ko.
"tipo mo pala ang mga lalaking naka make up?"matunog syang natawa kaya lalong nadagdagan ang asar ko.
"excuse me, nagcoconcert sila kaya—"
"bts..biot"
naglalagablab ang mga mata kong tinanggal ang sapatos at tangkang ipupukpok sakaniya ng halos masubsob ako ng bigla syang tumigil.
"baba na, we're here..mag aral kang mabuti at wag kang nangongopya sa katabi sayang ang tuition fee mo kung puro ka lang baon"
magsasalita pa sana ako ng makita ko sila kim at candy, hindi ko na muna siya papatulan dahil naiistress ang beauty ko kay aga aga.
padabog kong sinara ang pinto ng magara nyang kotse at naglakad palayo.
ang akala ko ay aalis nasiya pagkayari niya kong ihatid ngunit direkta syang pumasok ng gate ng school.
don din pala ang punta hindi pa pinasok sa loob ang gulo talaga ng mga matatanda.
"si doc paolo ba iyon?"
"nandon sa faculty ang mga nurse at doctor! ang popogi nila"
"anong meron?"
"idk! pero sa pagkakaalam ko pinadala sila ng DOH para magkaroon ng program achuchu"napairap na lamang ako dahil hindi naman ako intresado kay paolo.
"hi kiefer"
mabilis kong bati ng makita kong naglalakad si kiefer carson, grade 8 highschool palang ito pero sobrang pogi. hindi naman nagkakalayo ang edad namin kaya pasado siya sa taste ko.
sulyap lamang ang ginawa nito at nagpatuloy sa paglalakad.
psh snobero.
nakapasok na kami nila kim at candy sa room at gaya ng normal na araw nakakaboring, hindi ko alam ang gusto ko sa buhay kaya nag educ nalang ako..
pagiging teacher lang naman ang tingin kong kaya ko, total i love kids so i choose educ.
mabilis na natapos ang nakakatamad na oras, break time at lunch lang naman ang inaantay ko.
bumaba na kami bitbit ang bag ko.
nakita namin ang dagsang tao sa faculty kaya hinila ako nila kim para maki isyoso sa kung anong meron don.
nakita ko ang grupo nila chloe kaya alam kong nakakita nanaman ito ng mahaharot.
"ang pogi nong doctor sa loob mygod! crush ko na siya!"napatingin ako sa loob ng faculty at nakita ko si paolo, siya lang ang binatang doctor na nadon dahil ang kasama nito ay mga senior cetizen na kaya alam kong si paolo ang tinutukoy nila.
nilapitan ko ang ilang studyante para sabihin, asawa ko ang pinagpapantasyahan nila.
"he's paolo guys, and kasal nadin siya"napatingin ang grupo ni chloe saamin nila kim.
napatingin ang lahat saakin, kaya napangisi ako.
"he's my husband actully, watch me tatawagin ko siyang hubby."kinilig sila kim at candy sa sinabi ko dahil sila ang nakakaalam ng totoo.
dumaan ang doctor matapos ang meeting sa faculty.
"hey hubby! sabihin mo sakanilang ako ang asawa mo paolo!"
"excuse me?"
nilagpasan niya ko kaya gulat ang mga mata ko, nagtawanan sila kaya napahiya ako..kasama na sa nagtawanan ang grupo nila chloe na kaaway namin ni kim simula ng highschool palang.
dumaan sila sa harap namin at sarkastikong natawa.
"ambisyosang frog"
hinawakan ni candy at kim ang magkabilaan kong braso upang pigilan..
"tamana bri, bakit mo naman kasi sinabi iyon..ayan tuloy"
"bilib na bilib na 'ko sa confidence mo girl, mukhang ginagantihan ka ni doc matapos mo syang pagmukhain kuya mo noon"
"paolo!!!"
matapos ang klase ay inantay ako nito sa overpast kung saan niya ko binaba para sabay na makauwi ngunit pagpasok ko palang ay pinagsusuntok ko nasiya sa dibdib at braso.
"nakakabwisit ka bakit mo 'ko pinahiya sa mga studyanteng nandon!!"
"ikaw ang may sabing hwag kong sabihin na kasal kana at ako ang asawa mo"
parang matigas na bagay ang kanyang dibdib at braso dahil sa tigas at di manlang ito nasasaktan kaya tumigil nako dahil pagod nako.
"oo ngat sinabi ko yun, pero nakikita mo bang pinagkakaguluhan ka nila? sinabi ko yun para inggitin sila chloe pero hindi ka manlang sumakay bwisit ka talaga!"
"ano bang alam ko sa away mga bata"
"pagtatawanan nila ako bukas dahil sa ginawa mo! nakakainis ka"pinahid ko ang luha dahil sa sama ng loob, natameme siya at napatingin saakin ngunit umiwas ako para tumingin sa bintana pero hindi ko mapigilan mapaiyak.
"gusto mo ba ng icecream?"
"he tumigil ka, pinahiya mo 'ko wala nakong mukang maihaharap bukas ayoko ng pumasok sa school gusto ko ng magdrop out"
"iyon ba talaga ang rason o tinatamad ka ng mag aral?"sinamaan ko siya ng tingin at pinahid ang mga luha.
"babalik pa naman kami bukas"inirapan ko siya at walang balak na kausapin.