briana point of view
walang gana akong pumasok ng kwarto matapos ang nakakapagod na buong araw sa school, nakakapanghina din talaga ang mapahiya.
kasalanan talaga 'to ni paolo.
malamang ay tuwang tuwa siya na napahiya ako kanina sa faculty room, masaya syang nakikitang miserable ang maganda kong pagmumuka.
napaka immature!
inihatid lang ako nito sa bahay at umalis din pag uwi, siguro ay pupuntahan niya si clarra.
kaya siguro ayaw ni clarra kay paolo dahil masama ang ugali nito, kahit ako ay tatanggihan ko din si paolo.
nakakainis siya.
nagkulong lang ako sa kwarto at nanuod ng kdrama, wala akong balak lumabas para mag dinner. at ayoko din pumasok bukas kaya magpupuyat ako ng bonggang bongga. idodoble lock ko din ang pinto para di makapasok si paolo bukas.
kakaswipe ko sa viu ay napadpad ako sa cdrama, kung saan bata pa ang babae at matanda na ang lalaki, hidden love ang tittle.
bata palang pero crush na nito ung lalaking kaibigan ng kuya niya.
sino ba naman hindi e ang pogi nong bidang lalaki kumpara kay paolo, gentleman pa unlike paolo na pakialamero at mapang asar!
dinukot ko ang cabinet sa ilalim ng kama ko para kumuha ng malaking chichirya, may mga stock ako ng foods sa ilalim ng kama ko para hindi ko na kailangan pang lumabas ng kwarto kapag nanunuod ako ng kdrama at gusto kong kumain.
nakaramdam ako ng kiliti sa pinapanuod dahil sa kilig, hindi ko maiwasan matawa mag isa.
kung sana ay ganyan si paolo ay malamang..tekaaaa bakit ko ba nababanggit at nakukumpara ang hindot na iyon.
naramdaman ko ang kanyang kotse na pumarada sa garahe kaya napairap ako.
dahil sakaniya hindi ako nakakaalis ng bahay para mag night out kasama sila kim at candy, sobra syang nakakainis. daig niya pa sila mommy. wala nga akong ate o kuya meron naman akong asawa na pakialamero.
kahit anong mangyari ay hindi ko bubuksan ang pinto.
tatlong katok ang nadinig ko mula sa labas ng pinto, sabi nanga ba at mang didistorbo nanaman ito.
bahala ka dyan.
"briana"
"ayokong makita ang pagmumuka mo, ayokong kumain"
"hindi ka gutom?"tanong niya kaya napairap ako, makipag usap ka sa pinto bahala ka dyan!
"namili pa naman ako ng, kimchi, bibimbap bulgogi at tteokbokki...sayang naman dahil hindi naman ako kumakain ng korean food. sige kung ayaw mo—
tinakbo ko ang pinto at.
"hindi ka pala kumakain bakit ka nag aksayang bumili nyan? inuuto mo ba ko paolo?"tinaasan ko siya ng kilay.
"peace offering"
napairap ako at umiwas ng tingin.
"at saan mo naman nakuha ang idea na 'yan paano mo nalaman na gusto ko ang korean food?"
"nagsearch ako sa internet"
lihim na nakiliti ang tyan ko dahil sa sagot niya, pero hindi ako kinikilig huh? hindi ako kikiligin sa gurang na si paolo.
pangit lang talaga taste ng mga stupident sa school kaya nila crush si paolo, im different to them at hindi ko tipo ang kagaya ni paolo.
"ilagay mo nalang sa kusina, kakain ako kapag tapos mong kumain"
"okay"
paalis na sana siya ng makita ko ang kahon na bitbit niya.
"teka ano 'yan?"napatingin siya sa kahon bago tumingin saakin.
"pet"
"for? for me?"tanong ko.
"no, for clarra pero naalala kong meron syang asthma"sagot niya.
"ano nga 'yan? sabihin mo na wag mo akong gawin manghuhula paolo!"
"cat"
nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, inagaw ko ang box ngunit itinago niya.
"gusto kong makita patingin na!"
"sabayan mo 'kong kumain"
"ayoko"
"edi don't, bye"
naglakad na ito pababa ng kusina bitbit amg box kaya tumakbo ako para habulin siya at mauna sakaniya sa kusina.
"sasabay kang kumain?"
"wala akong choice"
huminga siya ng malalalim at inilapag ang box sa mesa, binuksan niya ang box na may ilan butas at.
"WOW SO CUTE!!"
puting persian cat iyon na sobrang balbon, kuting pa lamang pero masasabi kong sobrang cute.
may ginagawa din pala syang mabuti gaya nito, sobrang paborito ko ang pusa pero ayaw ni mommy. dahil gusto nyang magfocus ako sa study pero hindi niya alam na nagbababad naman ako sa panunuod ng kdrama.
"i named her kepu!"
"her named is bri, meron na syang pangalan"
"ako na ang bagong owner kaya ako na ang magpapangalan paolo, pinapatawad nakita kaya wag mong painitin ang ulo ko!"
"okay"
"pumasok ka bukas"
"oo na, kahit na malala ang ginawa mong pagpapahiya saakin kanina!" irap ko.
naalala kong may assignment nga pala kami sa first subject ng 7am, at sure akong busy sila kim at candy sa panunuod ng kdrama kaya.
"hindi pa pala kita pinapatawad"
napatingin siya saakin habang naka cross arms, tinaasan niya ko ng kilay.
"tulungan mo ko sa assignment ko, 7am ang pason ko kaya kailangan kong gawin..ang terror pa naman ng first subject"
"after dinner"
umupo na 'ko at pinanuod syang maghanda ng pagkain, sinangkalan ko ang baba ko sa dalawa kong palad habang nag hahanda siya ng pagkain.
hindi pa ito nakakapag palit ng pambahay at nakapang doctor padin ito, gulo ang kanyang buhok habang malalim ang kanyng mga mata.
puyat nga pala ito, at wala pang tulog.
"bakit ka inayawan ni clarra?"hindi ko maiwasang itanong, saglit siya na sumulyap saakin.
"dahil hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo"
maikli nyang sagot kaya napanguso ako.
"inistalk ko ang f*******: niya, meron na syang mga anak. at ang cucute!"chismosamg person din ako kaya ko inistalk.
maganda din naman si clarra, mukha syang mahinhin at di makabasag pinggan. ganon ang mga tipo ni paolo at hindi gaya ko. same lang naman kami hindi ko din naman type si paolo.
ayoko sa mga lalaking old fashion.
"meron na syang ibang gusto"
"kawawa ka naman, i heard na mula pagkabata gusto mo na siya.. ang kaso—
"kumain kana, gagawa kapa ng assignment ang daldal mo"
"psh bitter!"
nilagyan ko ng pagkain sa mesa si kepu pero ayaw nito.
"hindi naman kpoper ang pusa kaya hindi siya kakain nyan"
"sshhhh manahimik ka"
at ng matapos kaming magdinner ay umakyat nako sakanyang kwarto para don gawin ang homework ko.
malaki ang kanyang kwarto at simple lang, ayoko ngang gawin sa kwarto ko dahil aasarin niya lang ako sa mga picture ng mga bias ko don sa kwarto.
nakaputing tshirt na ito at pajama, suot ang eyeglasses ay umupo ito sa center table.
inilapag ko ang mga assignment ko at isa isa nyang binuklat.
"ang dali dali lang ng mga 'to"
"edi ikaw na gumawa madali pala ih, kaya ka nga naging doctor dahil mataas ang IQ mo unlike saakin na ginagapang nalang ang pag aaral dahil iyon ang gusto nila mommy"
"wala naman akong ibang pangarap kundi magkaroon ng mga anak sa mga bias kong kpop"nakangisi kong sabi, napapikit ako sa sakit ng hampasin niya ng notebook ang nuo ko.
"mag aral ka ng mabuti"
sinimulan niya na ang pagtuturo saakin, pero tila sarado ang utak ko sa mga paliwanag na sinasabi niya, mukhang kaya niya naman gawin ng walang kahirap hirap edi siya na ang gumawa
isa pa, inaantok nadin ako.
umaga na ng magising ako, hindi ko na maaala ang nangyari kagabi basta ang alam ko ay nakatulog ako habang nakaupo, at pag gising ko nandito nako sa kwarto ko.
kung ganoon ay binuhat niya ko.
naligo na ako at nagbihis dahil pakiramdam ko ay nasa mood ako, hindi ko alam kung bakit pero.
nagulat siya ng bumaba ako ng hagdan habang nag hahanda ito ng agahan, dumampot lang ako ng slice ng tinapay at kinagat. ininom ko din ang tinimpla nyang gatas at.
"tara na, 7am ang pasok ko malalate ako"
tumaas ang sulok ng kanyang labi.
"pwedi ko bang isama si kepu sa sc—"
"no"
"okay"
kumain lang ito saglit at nagdrive na papuntang school, gaya ng dating gawi ay ibinaba niya ko sa overpast tanaw ang malaking gate ng school.
walang sumasalubong saakin dahil baka absent ang mga ito, hilig na namin ang magpuyat sa kdrama at wag pumasok..ang kaso nagbago iyon ng ikasal kami ni paolo.
mabilis na tumakbo ang oras at.
napangiti ako ng mapangisi si prof. amante sa pinasa kong assignment, ang akala niya ata ay wala akong gawa.
sunod na pumasok ang prof namin na lagi akong pinag iinitan at gagawa at gagawa ng butas para ipahiya ako.
sabik nakong mabira siya.
napairap ako ng patayuin niya ko para iexplain ang mga bagay na hindi ko maipaliwanag..nagtawanan ang buong klase including chloe and her dogs.
palibhasa pangit at walang nagkakagusto sa teacher nato kaya sobrang bitter sa kagaya ko. pasalamat ka at ipinanganak akong bobo.
ganda lang ang meron ako, pero pwedi na yon kesa naman matalino nga pangit naman.
hehe.
"anong tinatawa tawa mo ms. briana sattlefield?"nakagat ko ang ibabang labi.
"nadinig ko sa mga studyante na tinawag mong hubby ang doctor! wala ka talagang delikadesang bata ka pati si doc paolo hinaharot harot mo!"sermon nito saakin.
"totoo naman na asawa ko si paolo"
nagtawanan ang buong klase, kasama ang pangit na teacher na ito.
"wala nangang laman ang utak mo ambisyosa kapa"natawa ako ng sarkastiko..legit muka syang pwet. nakakaasar!
"uhm, excuse me"
napatingin ang lahat sa lalaking nagsalita sa harap ng pinto, napaawang ang labi ko ng makita ko si paolo.
kahit sila chloe ay nanlaki ang mga mata na makita ang doctor.
"yes doc, paolo. may kailangan ka?"malanding tanong ni prof amante.
hindi siya pumapatol sa mukang ulikba, sorry ka nalang.
"gusto ko lang iabot tong lunch na binili ko"napatingin siya saakin kaya tinambol ng kaba ang dibdib ko, sinundan nila ang tingin ni paolo at kumpirmadong saakin ito nakatingin.
"wifey"
napuno ng sigawan ang buong room ng mapangiti ito, inalog ng katabi ko ang buong katawan ko.
"mrs.briana sattlefield ramirez"
"KYAAAHHHHHHHH OMG! ITS TRUE!"
"NO WAY! PAKI GISING AKO GORLS!"
"parang kahapon lang dineny niya sa buong school si briana huhuhu"
tumikhim si prof amante at sumenyas na lumabas ako kaya nginitian ko siya ng sarkastiko bago irapan at lapitan si paolo.
kainin ka ng kahihiyan mo.
tinanggap ko sa kamay ko ang lunch na binili niya at bumulong.
"nice acting"natawa nalang ito at nagpaalam ng aalis na.