paolo point of view
pagkayari ng team namin sa school nila briana bumalik na kami sa hospital, dahil dagsa ang pasyente ngayon kaya kinailangan bumalik ng team kaagad.
araw ng bierness kaya kinabukasan ay wala naman pasok bukas.
tinawagan ko si bri na baka hindi ako makauwi ngayon gabi at baka ipasundo ko nalang siya sa driver pauwi ng bahay dahil masyadong hectic ang oras ko ngayon.
nagbabadya pa naman ang pag ulan.
hawak ko ang biniling kape ng mapadaan ako sa pediatric section, abala sa pagronda sa bawat kwarto si clarra dahil sa mga pasyente nito.
alam kong wala pa syang pahinga at tulog, grabe ang pagmamahal nito sa trabaho to the point na nakakalimutan niya na ang pagpapahinga.
ni minsan ay hindi ko pinagsisihan ang propesyon na pinili ko para makasama si clarra, ang totoo ay nag eenjoy din ako sa pagiging doctor.
si clarra ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon, hindi ibig sabihin na tinanggihan niya ko ng paulit ulit ay iiwan ko nasiya. not now ngayon pa't kailangan niya ng kaibigan at masasandalan para sa mga kambal.
sobrang mahalaga si clarra saakin.
gusto ko pa syang samahan sa hamon ng buhay ngunit alam kong hindi gusto ni clarra na habang buhay akong mag antay sakaniya. ayaw ni clarra na habang buhay akong umasa.
napaka swerte lang ni wallace dahil siya ang unang itinibok ng puso ni clarra.
saglit na oras lang sila ngunit ang pag aantay ni clarra ay apat na taon, umaasang babalik si wallace at mabubuo sila.
kahit hindi nito sabihin ay alam kong mahal na mahal niya padin si wallace.
nagmatured man ito sa tagal ng panahon, nawala man ang dating clarra na nakilala ko noon dahil sa pait ng kahapon. ang mahalaga ay nakikita ko padin syang maayos at masaya kasama ang kambal.
ngumiti ako at inabot sakaniya ang kape na binili ko sa labas, tinanggap niya ito at ngumiti.
ibinulsa niya ang kamay sa labcoat habang pinagmamasdan ang mga batang pinapakain ng kanilang mga magulang.
"kamusta ang kambal"
"okay lang, malalaki na sila pero nahihirapan akong minsan iwan sila kay rose dahil nagkakapalit kami ng schedul..at isa pa hindi nadin matagalan ni inay ang pag aalaga lalo pat makulit ang mga kambal"
"bakit hindi ka kumuha ng baby sitter nila?"humimga siya ng malalim.
"mahirap ng iasa ang mga bata sa ibang tao paolo ih, lalo na kapag madami ang pasyente inaabot ako ng 2days sa hospital"
bigla kong naisip si briana na talaga naman mahilig din sa bata, pero kasi ay every weekends ay babad ito sa panunuod ng kdrama.
alas syete na ng hapon, mabuti naman at nabawasan ang mga pasyenteng dumadating..kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si briana pero nakailan misscalls ako ay hindi padin ito sumasagot.
where the fvck are u bri.
baka nag sleep over ito sa mga kaibigan o kaya man ay gumala ah..hindi ko talaga siya pweding basta pabayaan.
tinawagan ko si mang teddy para itanong kung nasundo niya si briana sa school ngunit nagtataka ito na wala syang natanggap na mensahe galing saakin..at nakita kong hindi nga pala nagsend ang text ko dahil naubusan ako ng load.
nagmamadali akong inayos ang mga gamit ko upang umuwi ng bahay, lumalakas ang pag kulog at kidlat sabayan pa ng malakas na ulan.
tinawagan ko si kim, ang isa sa mga kaibigan ni bri ngunit hindi daw sila magkakasama.
nagkaroon ako ng pag aalala.
kahit papaano ay mahalaga saakin si briana dahil para ko nasyang nakakababatang kapatid na babae.
nagdrive ako pauwi ng bahay, nakapatay ang ilaw sa loob ng buong bahay dahil siguro sa malakas na pag ulan at kidlat kaya nawalan ng kuryente.
ginamit kong pang flashlight ang cellphone ko upang makapasok ako ng bahay ng di nakakasagi ng ano mang bahay dahil sa dilim.
kumalat ang liwanag sa buong bahay ng bumalik ang kuryente, agad akong umakyat sa taas upang hanapin si bri, ngunit wala ito sa kwarto niya.
nasaan si bri??
naihilamos ko ang palad sa muka ko, tinungo ko ang kwarto upang magpalit ng damit para hanapin siya. pero.
nadatnan ko siya sa ibabaw ng malaki kong kama, dahan dahan ko syang nilapitan at don ko nakumpirmang umiiyak ito.
fvck! bakit siya umiiyak.
"bri"
umangat ang kanyang tingin habang maga ang mga mata, tumayo siya upang.
yakapin ako.
"paolo ang lakas ng ulan! nawalan ng kuryenteee saan kaba nagpunta natatakot ako!"humihikbe niya na sabi kaya dahan dahan kong inilapag ang aking palad sakanyang likod upang siya'y patahanin..
"sshhhh, nandito na ko"
dahil sa mahigpit nyang pagyakap saakin ay nakumpirma kong sobrang init niya.
kinalas ko siya sa pagkakayakap at inupo sa kama ko.
hinipo ko ang kanyang nuo na may bangs.
"nilalagnat ka"
kinuha ko ang emergency kit sa cabinet para kunin ang thermometer para tignan ang kanyang temperature, kinagat niya ang thermometer at don ko napag alaman na nag 40 ang taas ng kanyang lagnat, mapungay ang kanyang mga mata at tila ba walang lakas.
"nabasa kaba ng ulan kanina?"
tumango lamang ito kaya napamura ako sa isip ko ng ilan ulit dahil hindi ito nasundo ni mang teddy kaya napilitan itong mag antay ng matagal at magcommute.
nabasa siguro siya ng ulan.
"ibabalik nakita sa kwarto mo, magluluto ako ng pagkain para makainom kana ng gamot, iknow hindi kapa nagdidinner"
ngunit hinatak niya ang laylayan ng labcoat ko.
"natatakot ako sa kwarto baka mawalan nanaman ng kuryente, hwag mokong iwan p-paolo"
paano ako magluluto nito kung hindi ko siya maiwan? para syang 8years old na umiiyak dahil sa takot at kailangan ng magulang sa tabi.
"kaya mo bang maglakad?"tanong ko pero hindi siya nakasagot.
"pumasan ka sa likod ko, bababa tayo ng kusina"tumayo ako at tumalikod at yumuko ng konti.
pinasan ko siya sa aking likod habang nakapulupot ang kanyang mga braso saaking lieg.
ng makababa sa kusina ay inupo ko siya sa mesa, kinuha ko muna ang cool fever sa emergency kit sa ibabaw ng ref..
saan sulok ng bahay ay may emergency kit dahil isa akong doctor.
hinawi ko ang kanyang bangs upang ilapat maigi ang cool fever, nakapikit ang kanyang mga mata suot ang ternong pajama na kulay pink.
natawa ako ng makita ang kabuuan niya.
para syang bata.
paolo, bata pa talaga siya.
hinubad ko ang labcoat at sinimulan ang pagluluto, mabilis naman iyon na naluto habang malakas padin ang pag ulan.
"kumain kana, iinom kapa ng gamot"utos ko kaya bumaba siya ng mesa at umupo..inilagay ko sakanyang harap ang mangkok ng sopas.
mabagal syang kumain habang pinapanuod ko lamang siya, nakasandal ako sa lababo at nakapamulsa.
"bakit kaba kasi dumiretso dito, pwedi mo naman akong antayin sa hospital para sabay na tayong uuwi"
"nabasa kapa tuloy"
gumalaw ang kanyang balikat at humihikbeng pinunas ang mga mata.
"namimiss ko na sila mommy at daddy"
(authors note : medyo naiyak ako slight dito hahahahhaha)
"kailan ba kasi sila uuwi"
napahinga ako ng malalim.
"kahit naman umuwi sila, dito ka padin mag sstay dahil may asawa kana at ako yun"
lumapit ako at ginulo ang kanyang buhok.
"nandito naman si kuya paolo, hindi kita pababayaan"
"hindi naman kita kuya"
natawa ako ng matunog.
"matanda ako saiyo kaya kuya mo padin ako, at asawa na din"
"ang bata ko pa para magkaroon ng asawa"umiiyak niya na sabi.
"pero hindi naman kita pinipigilan sa mga gusto mo, mag enjoy ka padin naman pero limit lang dahil nag aaral kapa"
"isa pa"
napatigil siya at tumingin saakin, ngumiti ako ng malapad.
"kapag dumating ang araw na, matured kana, tapos kana sa pag aaral at hindi kana isip bata...nahanap mo na ang lalaking mamahalin mo handa naman kitang palayain"suminghap siya dahil sa sinabi ko.
"palalayain mo 'ko?"
tumango lamang ako.
"hindi bat ganyan din ang sinabi mo kay clarra"
"ang papel ko lang ata sa mundo ay ang mag alaga ng baby na ibon at pakawalan kapag kaya na nitong lumipad"natatawa ko na sabi.
"paano kung"
"wala pa kong nagugustuhan nyan?"
"kapag matured na 'ko, at wala padin akong boyfriend"
"edi, liligawan kita hanggang sa magustuhan mo 'ko"
napaawang ang labi niya sa sinagot ko kaya muli akong natawa, ginulo ko ulit ang buhok niya dahil ang cute ni briana.
kinuha ko ang gamot at kumuha ng baso ng tubig, inabot ko sakanya dahil tapos na syang kumain.
"magiging teacher ka someday, kaya mag aral ka ng mabuti..ako ang aakyat sayo sa stage para palakpakan ka at sabihin "congrats briana"
natawa siya.
yumuko ako upang ipasan siya muli saaking likod.
"matulog na tayo"
"tayo?"
"uhuh, papayag akong matulog ka sa kwarto ko. don nako sa sofa"
hindi na siya nakasagot.