briana point of view
"sigurado kana ba talagang ayaw mong gawin ung nasa panaginip ko paolo?"pangungulit kong tanong ng huminto ang kotse sa overpast ng school.
"pumasok kana at mag aral ng mabuti, wag mo nadin gagawin ang pag iino—
"halikan mo muna ako"nakangisi kong sabi, napahinto siya sa pagsasalita at napatitig saakin, halata sa reaksyon niya ang pagpipigil ng ngiti.
"pumasok kana"
"grabe naman pati ba naman iyon paolo ipagdadamot mo! edi kung ayaw mong ipa experience saakin sa iba ko nalang ipagagawa"tinanggal ko ang naka kabit na seatbelt para bumaba na ng kanyang kotse, pero maagap niya kong hinawakan sa braso at hinila palapit sakanya.
nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng tumama ang ilong namin pareho dahil sa lapit ng muka namin sa isat isa.
gagawin niya naba?
"bakit ba ang tigas tigas ng ulo mo?"halos pabulong niya na tanong.
"dahil madamot ka paolo, smack lang naman ang hinihiling ko"sagot ko.
umangat ang kanyang kamay saaking batok pababa saaking lieg kaya napapikit ako dahil sa kiliti.
tumigil ang mundo ko ng maramdaman ko ang malambot nyang labi saakin, hindi ako makahinga ng mga sandaling iyon kaya hindi ko mapigilan idilat ang mga mata dahil hindi ako makapaniwalang.
napaawang ang labi ko ng kagatin niya ang ibabang labi ko.
bakit ganito ang bilis ng t***k ng puso ko, gusto ko na syang itulak para habulin ang sariling hininga pero di ko magawa dahil
dumaan ang pagkakahawak niya gilid ng aking lieg upang mas idiin.
ginalugad ng kanyang dila ang loob ng aking bibig, grabe nga yon!
masunurin din pala si paolo, smack lang ang hiniling ko pero pinalasap ba naman ako ng torid kiss ganito pala ang pakiramdam ng nilaplap ang labi.
kumalas siya at ilan minutong magkadikit ang aming nuo.
"i want more"nakangisi kong sabi dahilan para siya'y lumayo.
"pumasok kana sa school, lagi nalang napagbibigyan ang gusto mo kaya sana ayusin mo na ang pag aaral mo"
nakagat ko ang ibabang labi habang nakatitig sakaniya.
"baba na briana, malalate kana"
"thankyouuuuuu paolo babye!!"binuksan ko ang pinto ng kotse pero bago ako tuluyan makababa ay.
"hindi ka nanaginip, pang 3x na 'to"nakangisi nyang sabi, siya na mismo ang naghila ng pinto kaya napaatras ako sa gulat.
hindi kaagad nag sink in sa utak ko ang sinabi niya.
anong 3x? ninanakawan niya ba ko ng halik ng hindi ko alam? pero ang sarap ng halik na ginawa niya ngayon.
pumasok na 'ko sa school pero bago makapasok ay.
"briana!"
napahinto ako ng may tumawag saakin, lumapit ang lalaking may katangkaran saakin..gwapo naman ito kaya papayagan ko syang makipag usap saakin.
teka naalala ko siya ah.
"ako ung kasama niyo sa bar kagabi"nakamot niya ang batok at mukang nahihiya.
tama siya ung kaibigan nila kimmy na kapatid ung bar owner.
"o ikaw pala, ano nga ulit ang pangalan mo?"tanong ko, inilahad niya ang kamay saakin.
"i'm joseoh martinez, and ikaw si briana marie nakwento kana ni kim saakin"tinanggap ko ang kanyang kamay ngunit hindi niya agad binitawan.
"ihahatid na kita saan ba ang room mo?"tanong niya kaya naiilang akong sinabi kung saan.
"sasama kaba sa practise?"nadaanan namin ang grupo ng mga basketballista na naka jersey at dinidribol ang bola sa sahig.
"kayo nalang muna pareng ruki"tumango lamang ito, he's a cute guy also kahit na hindi maputi.
"may tanong ako"
napatingin ako sakaniya habang naglalakad kami sa hallway.
"boyfriend kana?"napaisip ako.
"wala, pero asawa meron"nahihiya syang natawa.
"fix married"dagdag ko.
napatango tango lang siya at hindi nakapagsalita, hanggang sa humantong kami sa room namin.
nakita ko nanaman ang pagmumuka ni chloe na sumisira sa araw araw ko, ang grupo nilang mga haliparot.
umupo na 'ko sa bandang dulo dahil ayoko sa harap, pero sa dulong upuan ay may lovebirds naman.
hindi ko alam kung mag jowa ba sila o hindi, pero hindi sila bagay..masyadong pogi ung guy at mukang katulong ung babae.
"hi"
"magjowa ba kayo? sana naman hindi"tanong ko, pasok siya sa standard ko dahil muka syang kpop..pero mas kamuka niya si dylan wang infairness.
"ano bang pakialam mo maganda kaba?!"nagulat ako sa sagot niya.
"i-im just aking lang naman e"grabe ang pogi sana kaso mukang mayabang at pinaglihi sa sama ng loob.
"hindi ako tanungan!"
kinalbit tuloy ako ng katabi kong si ivon dahil wala pa sila kim, sila kim at siya lang ang medyo close ko dahil lahat sila ay mga maarteng mga palaka na.
isinuksok niya ang earphone sakanyang tenga at natulog, wala pa naman teacher kaya nag open muna ako ng f*******: dahil sa kahihiyan natanggap ko sa lalaking ito.
nakita ko ang pangalan ni joseoh sa friend request kaya maagap ko syang inaccept, basketball player pala ang isang to.
pogi din.
nag notif saakin ang myday ni paolo, so friends pala kami..sa picture na ito laging kasama si clarra.
puro clarra.
"B-BRIGHT!"
napatingin ako sakanilang dalawa, kapag sa iba ang sungit pero kapag sa yaya niya nakangiti..ano yun ang pangit ng taste.
ekis ayoko na sa mayabang na walang taste sa babae.
dumating ang teacher at lahat kami nadamay sa introduce yourself eme dahil sa dalawang to.
mabilis na natapos ang maghapon, at dahil vacant ang subject namin ay.
"brianaaaa"
siya nanaman? bakit ang aga ng uwian nila?
"free kaba ngayon?"napaisip agad ako, alas tress palang ng hapon at alas singko pa ang alam na oras ni paolo ng uwi ko..wala din ang mga friends ko kaya.
"uhmm, 5pm pa ang uwi ko"
"pwedi ba kitang ayain sa icecream shop ng mommy ko?"nakangiti nyang sabi, ang puputi ng ngipin at pantay pantay.
"sige basta libre mo"
"oo naman"
sa totoo lang ay ngayon lang may nag aya saakin ng ganito dahil dati ay isnobera ako at bahay at panunuod lang ang hilig, kung lalabas man ako para kumain sa labas ay kasama ko sila kim.
pero ngayon dahil absent sila at maaga pa napilitan akong sumama kay joseoh total ay icecream parlor naman ang pupuntahan.
maganda at malaki ang shop ng mommy niya siguro ay masarap ang mga nasa menu nila dito.
"mom!"
maganda ang mommy niya at mukang bata pa, nakangiti syang tumimgin saakin kaya nahihiya akong napangiti.
"sino naman ang maganda at cute na cute na batang 'to?"tanong niya kay joseoh kaya hindi ko maiwasan pamulahan ng muka.
cute na cute po talaga ako.
"she's bri mom, my friends"
"hello po"
mas lalong lumapad ang ngiti niya at bumeso saakin.
"ikaw ang kauna-unahang friends ni joseoh na dinala niya dito, you're luckyy briana sana mapasyal kadin sa bahay namin kapag free ka"napangiti naman ako sa bait ng mommy ni joseoh.
hindi gaya ng mommy ni paolo na sobrang strikto at mukang masungit.
"piliin mo ang gusto mong kainin bri, free lahat 'yan okay!"paalam niya kaya naghanap na kami ng mauupuan ni joseoh.
"nakakatuwa naman ung mommy mo, ang bait at palangiti"
napangiti din siya kaya nasilayan ko nanaman ang mapuputi nyang ngipin.
"yes! mabait ang mommy kapag gusto mo ay pwedi kang pumunta dito with friends bibigyan ka ni mommy ng discount at free"
binigay niya ang menu at namili naman ako, andaming pagpipilian at lahat mukang masarap nakakatuwa naman.
ng makapili ay agad din na dinala ang order, at syempre agad ko din nilantakan.
"dahan dahan lang, kung kulang ay pwedi pa naman kitang kuhanan" natatawa nyang sabi kaya natulala nanaman ako sa kapogian ni joseoh.
"teka may icecream sa gilid ng labi mo"kumuha siya ng tissue at magaan na pinunasan ang gilid ng labi ko.
"bakit firstime mong magdala ng babae dito? hindi mo nadadala ang girlfriend mo dito?"diko maiwasan tanong kaya natawa syang muli.
"wala akong girlfriend at hindi pa 'ko nagkakaroon ng ganon"
"talaga? edi NGSB ka pala, same sameee hindi padin ako nagkaka boyfriend"
"gusto mong maging firstime ang isat isa?"
bigla akong nasamid kaya inabutan niya ko ng tubig.
"nagbibiro lang ako"
nagring ang cellphone ko kaya maagap ko na kinuha.
"where are you?"tanong ni paolo kaya nanlaki ang mga mata ko.
"n-nasa school?"sagot ko
"really? nagtext ang teacher mo saakin na exact 3pm labasan niyo na"
kinabahan nanaman ako.
"b-bakit nag uupdate saiyo ung teacher namin? siguro may crush sayo si ms—
"you're lying again briana marie"
"n-nasa school panga ako, 3;20 palang paolo at hindi pa 'ko nakakalabas..im with kim"sagot ko.
"restroom lang ako bri"paalam ni joseoh kaya maagap kong inend ang call.
pero nagring ulit.
"h-hello?"
"i will pick you up now, antayin mo 'ko i will be there 15min"
"wala kabang pasyente ngayo—
"wala"
"sige ingat ka paolo"
ng ibaba ko ang tawag at kadadating palang ni joseoh ay.
"tatapusin ko lang to at babalik na 'ko sa school huh?"sabi ko kaya napilitan na lamang syang tumango.
pero ngayon pa 'ko tinawag ng kalikasan kaya.
natagalan ako sa pagbabanyo dahil aalingasaw ang amoy kapag agad kong binuksan ang pinto, nakakahiya naman kung kakalat ang amoy ng poop habang kumakain ng icecream ang mga custumer nakakahiya.
"balik na ko sa school joseoh thankyouuuu sa threat!"nagmamadali kong paalam pero hinawakan niya ko sa braso.
"ihahatid na kita, tirik pa ang araw o mainit" tatanggi pa sana ako pero totoo naman na mainit, may ilan layo din ang icecream parlor ng mommy niya sa school kaya.
pagbaba ko ng kotse sa overfast ay sinilip ko muna ang paligid pero mukang wala pa naman si paolo, buti naman.
sinenyasan ko syang umalis na ng makababa ako, sinilip ko ang relo at halos 15mins na pero wala pa si paolo.
nag ring ang phone ko kaya maagap kong sinagot.
"nasaan kana ang akala ko 15mins lang nandito kana—
"13mins lang nandito nako sa kabilang daan"maagap akong tumingin sa kabilang daan at nandon nga siya nakatayo at nakasandal sa harap ng kanyang kotse.
im dead.
umakyat muna ko sa overfast patawid, walang imek syang sumakay sa kotsr kaya di nafin ako umimek, at hanggang sa makauwi.
ng makababa ng kotse niya ay nagring ang messenger ko ng tumawag si joseoh.
bumaba ang tingin ni paolo sa hawak kong cellphone.