paolo point of view
pagkahatid ko kay briana sa school ay kaagad nakong dumiretso sa hospital dahil tumawag ang head doctor na dagsa ang pasyente ngayon.
naging abala ako ng kalahating araw dahil nagkaroon ako ng magkabilaang operasyon at alam kong si clarra din.
halos hindi na namin napansin pati ang tanghali dahil sa pagkabusy, mahirap talaga ang trabaho ng pagiging doctor pero dahil kay clarra ay naeenjoy ko din.
magkasabay kaming naupo sa bakal na bleachers ng emergency room matapos ng operasyon, tinanggal niya ang rubber gloves sakanyang kamay at isinuot ang singsing.
lagi kong nakikita ang singsing na palagi nyang sinusuot pagkayari ng operasyon, hindi ko alam kung kanino nanggaling yon pero sigurado akong sobrang halaga non para kay clarra.
tinitigan ko lamang siyang napasandal at ipinikit ang mga mata.
malaki nadin talaga ang pinagbago ni clarra, ang dating palangiti noon...ngayon ay seryoso na
idinilat niya ang mga mata kaya nahuli niya kong nakatingin sakaniya.
"kamusta naman kayo ng wife mo?"tanong niya kaya sumandal din ako sa pagkakaupo.
kamusta nga ba kami ni briana?
sumagi sa isip ko ang kapilyahan niya kanina kaya kami nalate pareho at nahuli ng mommy, natawa ako habang iniisip ko iyon.
"hindi halatang masaya ang buhay may asawa mo pikulo"nawala ang ngiti ko at napabalik ang tingin kay clarra.
ngayon niya lamang ako ulit tinawag na pikulo, tumikhim ako at tumingin sakaniya ng seryoso.
"well, masakit ang ulo ko araw araw..hindi madali makapag asawa ng mas bata sa edad ko"kwento ko lalo na ng maalala ko kung paano niya ko asarin..
ginagawa niya lamang biro ang ganoon bagay.
alam ni clarra ang lahat, ngunit hindi ito nakapunta sa kasal ko dahil nagkaroon ng sakit si manang lolit noon..naiintindihan ko naman
"she's lucky to have you"
"aalis din siya sa buhay ko kapag natupad niya na ang pangarap niya at nahanap niya na ung lalaking mamahalin niya, bata pa si briana madami pa syang pagdadaanan sa buhay"
mahina kong sagot.
"i-im sorry—
"wag kang magsorry, choice kong mahalin ka noon ng walang hinihinging kapalit clarra. at gaya mo handa ko din syang palayain"ngumiti ako ngunit nanatili lang nakatitig saakin si clarra.
ni minsan ay hindi ako nagustuhan ni clarra dahil kaibigan lamang ang tingin nito saakin.
"hopefuly someday bumalik si wallace at maging masaya kayong pamilya nila spade at alas"
malalim na hininga ang pinakawalan niya.
"tinanggap ko na ang kapalaran namin ni wallace, na hanggang don nalang paolo...aalagaan at mamahalin ko nalang ang kambal dahil"
muli syang nagpakawala ng hininga at tumingala habang nakangiti.
alam kong hanggang ngayon ay apektado padin ito sa pag alis ni wallace, saksi ako sa paghihirap noon ni clarra sa kambal.
"dahil sila nalang ang meron ako, kahit wala si wallace lagi ko syang nakikita sa kambal"garalgal ang kanyang boses ng sabihin iyon ngunit pinilit ngumiti.
"kung hanggang ngayon ay hindi pa 'ko kasal ay baka hanggang ngayon inaantay padin kita at nagpakaama sa kambal" biro ko, natawa siya at hinampas ako sa braso.
"mag move on kana oyy tyaka bakit kapa magpapakaama sa mga anak ko kung pwedi ka naman gumawa"
nawala ang nakangiti kong muka ng mag init ang pisnge ko, mapang asar padin si clarra.
"bata pa si bri at wala pa sa isip namin ang ganoon bagay"
kahit ang totoo ay araw araw na sumasakit ang puson ko dahil sa pag pipigil, ako si paolo pero natetempt din ako.
lalaki ako.
pero sadyang bata pa talaga si briana kaya kailangan ko ng mahabang pasensya...
"clarraaa"
"doc paolo!"
sabay kaming napatayo kay rose at doc carlos na tumatakbo habang pawis.
"nasaan ang mga bata?"tanong ni clarra.
"dala mo ang kambal?"tumingin siya saakin at napatango.
"may sakit ang inay paolo"
"h-hindi ko kasi mahanap ang kambal, bigla nalang nawala sa tabi ko ng may nagtanong saaking pasyente" alanganin na sabi ni rose kaya nataranta kaming apat.
"tawagan mo ang security guard at itanong mo kung may napansin silang bata sa ibaba"utos ko kay rose at agad niya naman itong sinunod.
"maghiwa-hiwalay tayo clarra"suhestyon ni doc carlos at tumango lamang ako kay clarra at sinimulan maghanap sa hospital.
malaki ang hospital at malikot ang dalawang kambal.
lakad takbo ang ginagawa ko para daanan ang bawat hallway ng hospital, sa kakatakbo ko ay may nakabangga pa kong lalaki na lakad takbo din ang ginagawa na parang may hinahanap din.
huminto ako dahil sa magkaibang direksyon ng hallway, ang nakabangga kong lalaki kanina ay nakatayo sa harap ng nursery room katabi ng lalaking nakatulalang lumuluha sa harap ng salamin na bintana ng hospital.
"umuwi na tayo cameron"
halos kaladkadin niya ito paalis ng nursery room na tulala at parang wala sa sarili.
nagring ang cellphone ko at si clarra yon, sinabi nitong nahanap na niya ang kambal at ngayo'y magkasama na.
saglit akong napasilip sa loob ng nursery room para pawiin ang pagod ko, nakakawala kasi ng stress ang mga baby...sana kung magkakababy kami ni briana ay kambal din.
wtf? ano bang iniisip mo paolo.
hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagkaabala sa trabaho, ni hindi na kami nakapag tanghalian. wala naman ng pasyente kaya free na ang oras namin ni clarra.
mahilig sa icecream ang kambal kaya inaya ko ito sa icecream parlor kasama si alas at spade, balak kong dalhin dito si bri dahil mahilig din iyon sa icecream.
pumunta kami sa counter habang karga ko si spade habang karga naman ni clarra si alas.
ngumiti ang babae saamin kaya napilitan akong ngumiti.
"ang cucute naman ng mga anak niyo doc, parehas pa kayong doctor ng wife mo"naiilang akong napangiti.
"anong flavor ang gusto mo bri?"tanong ng lalaki saaking tabi, napailing ako at sumagi sa isip ko ang tanong niya.
vanilla o strawberry ang gustong flavor ni bri, sagot ko sa isip ko kaya natawa ako pero agad din napakunot ang kilay ng mapagtanto kong pamilyar ang pangalan kaya tumingin ako sa katabi kong lalaki na kasabayan namin sa counter.
muntik nakong atakihin ng makita ko ang muka ni bri na nakabusangot.
anong ginagawa niya dito?
sinilip ko ang relo, alas tress palang pero bakit siya nandito? kinuha ko ang cellphone ko at diko nabasa ang chat ng kanyang teacher na maaga itong nagpauwi dahil may meeting.
tinaasan ko siya ng kilay ngunit inirapan lang ako nito.
"psst huy anong gusto mong flavor?"pinisil ng lalaking kaharap niya ang isang pisnge, tumingin siya dito bago sumagot munit naunahan ko.
"strawberry ang flavor na gusto niya" napatingin ang lalaking katabi ko na kaharap ni bri.
"chocolate ang gusto ko joseoh"sagot ni bri kaya natawa ako ng may kasamang yamot...sa pagkakaalam ko ay vanila o strawberry ang favorite niya.
"o kayo pala joseoh
"hello briana, you're so cuteee always iha"inilapag ng may edad na babae ang tray ng order namin ni clarra at ngumiti kay briana, lumapit ito upang bumeso.
"hi tita thankyouuu po"
"bigla tuloy akong nagcrave sa anak na babae ang kaso may edad na 'ko kaya sa girlfriend at apo nalang ako aasa...ehem baka naman joseoh"
"she's married"mahina kong sabi kaya gulat ang mga matang napatingin si bri saakin.
binitbit ko na ang tray ng icecream sa pwestong uupuan namin nila clarra, sumulyap pako kay bri ng makaupo kami ngunit umirap lamang ito.
hindi kalayuan ang inuupuan namin sa pwesto nila bri, at hindi lang sila solo dahil may dalawa din silang magjowang magkasama.
double date? tsk pang millenial
"anong ginagawa mo paolo?"napatingin ako kay clarra na nakatingin sa anak nyang si spade na sinusubuan ko ng icecream sa pisnge.
nagulat ako at maagap na kinuha ang piraso ng tissue.
'i-im sorry"
"paano kung manuod tayo ng cine after nito?"tanong ng lalaking katabi niya, nagkatingin silang apat.
"sige maaga pa naman"sagot ni bri kaya dumiin ang pagkakahawak ko sa kutsara.
"ang kalat mo talagang kumain ng icecream"natatawang sabi ng lalaking kanyang kaharap bago dumampot ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ni briana.
hanggang sa public ay dala dala niya ang pagiging isip bata, kinuha ko ang cellphone at nagtipa.
'instead gumala gala ka, bakit hindi mo subukan magreview o magsagot ng home work?'
tumunog ang kanyang cellphone kaya nagkatinginan kami.
'wag mo 'kong pakialamanan, enjoy date with crushie cake daddy paolo'
napasinghal ako habang nanlalaki ang butas ng ilong na nagtipa.
'saakin ka hahanapin ng parents mo dahil ako ang responsible sayo'
'manahimik ka'
"siya nga pala, aantayin nalang namin si rose dito dahil ihahatid kami ni carlo sa condo kaya hindi na kami makakasama ng mga bata pabalik sa hospital"
"sure sure clarra, ingat kayo"
tumayo si briana papunta sa restroom kaya maagap akong tumayo, maagap ko syang hinila sa mens restroom at.
"magpaalam kana dahil uuwi na tayo"
"ayoko nga! ngayon lang ako nag eenjoy gumala sa labas no bat di ka umuwi mag isa kasama ng asawat mga anak mo!"
nakipagtagisan siya saakin ng titig, ngunit may boses ng mga lalaki sa labas kaya maagap ko syang hinila papasok ng cubicle.
at dahil maliit lamang ang espasyo ng cubicle ay halos dumikit na ang kanyang muka saaking dibdib.
"tanginamo lee hindi bagay sayo yang pag didisguise mo!"
"lalo naman kay bright na nerdy indisguise hahahaha"
"hanggang saan ba natin sila susundan? hirap naman nito baka nakakahalata nasi bobita na nakasunod tayo"
"sisihin mo si duke kaya di tayo nakapasok ng room at ngayon nagkaroon si ruki ng pagkakataon solohin si bobita!"
"teka nga natatae pa 'ko!"
"ilabas mo na 'yan kaya pala ambaho kanina kapa utot ng utot kinakabag ka ata kiko"
may tumulak sa pinto kaya muntik nakong masubsob ngunit maagap kong naitukod ang braso ko sa pader.
"may tao ba?"
"bakit di mo silipin ng bumulaga si sadako sa ilalim" napapikit ako dahil sa kaba.
"may pares ng sapatos pambabae at panlalaki mga pre"dinig kong bulong nila, nagkatinginan kami ni briana.
"ang mga kabataan talaga"
natawa si bri kaya alam kong may naiisip syang kalokohan.
"u-uhm p-paolo"
maagap kong naitakip ang palad ko sakanyang labi dahil sa gulat.
nagtatawanan na lumabas ang mga kalalakihan sa mens restroom kaya inis kong binitawan ang bibig ni bri na tumatawa din.
mabilis na kumilos ang mga kamay ko at binuhat siya sa mga hita pasandal sa pader, gulat ang kanyang mga mata niya dahil sa ginawa ko.