paolo point of view
gulat ang mga mata nyang titig saakin, sinubukan nyang bumaba pero hindi ko siya hahayaan para madala siya sa pang aasar niya saakin.
"p-paolo ibaba mo 'ko"
"bakit hindi mo maulit ung sinabi mo kanina?"nakangisi kong sabi.
"para ka namang just now saakin! ng aasar lang naman ak—
inilapit ko ang labi sakanyang lieg at magaan syang hinalikan.
"p-paolo ano baaa wag dito"mahinat paungol niya na sabi.
"saan mo gusto wifey?"bulong ko din at malamlam syang tinitigan, namumula ang kanyang pisnge hababg titig saaakin.
"ibaba mo na ko please inaantay nako ni joseoh sa labas"
napatingin kami pareho ng bumukas ang pinto ng rest room at yabag ng paa ng mga pumasok sa loob.
"kamusta naman kayo ni liezel tol?"dinig kong tanong ng lalaki na pamilyar saakin.
"si joseoh"bulong ni bri
"ang totoo hindi ko siya gusto, hindi naman siya kagandahan hahaha tinitignan ko lang kung effective ba kay watson"
naghugas sila ng kamay sa sink.
"mukang effective naman tol dahil parang may gusto si watson don sa babae"
"nakita ko nga kanina si bright nandito, gusto kong makita kung anong gagawin niya kapag nagselos, nga pala asan ung kadate mong bata? hahahah mabuti pa iyon cute"nagkatinginan kami ni bri.
"yes tol! sobrang cute ni briana i like her"kahit di ko nakikita ang muka ng yosong na genggeng alam kong nakangiti siya.
napaiwas ako ng tingin habang ramdam ko ang hininga ni bri na tumatama sa lieg ko.
"anong plano mo?"
"gusto ko syang ligawan, pero hindi pa siguro ngayon"
napabalik ako ng tingin kay bri na kinikilig, pigil ang kanyang pag ngiti kaya ako naman ang nakaisip ng kalokohan.
"u-uhmm fvck baby y-you're so good"mahina kong ungol ngunit sapat na para madinig sa labas ng cubicle.
nanahimik ang dalawang genggeng sa labas ng cubicle.
napaawang ang labi ni briana sa gulat.
ng marinig namin ang katok sa labas ng cubicle.
"hwag niyo naman babuyin ang store ng mommy ko"dinig kong sabi ni yosong.
napapikit si briana dahil sa kaba, pinandilatan niya ko ng mga mata at mukang stress sa ginawa ko.
deserved!
"paano kung makita nila tayo?! hindi ka talaga nag iisip paolo!"mahinang bulong niya kaya bumulong din ako pabalik.
"binabalik ko lang saiyo ang pang aasar na ginawa mo"
kinatok muli ang cubicle kaya lalo syang nataranta, kinuha niya ang cellphone at nagtipa.
tumunog ang phone ng lalaki sa labas ng cubicle kaya nanatili kaming nakikinig.
"wait tol nagtext saakin si briana nasa womens restroom, nagpapabili ng sanitary napkin at gamot"nawala ang attensyon nila saamin at nadinig nalang namin ang pagbukas sarado ng pinto ng restroom kaya pabagsak ko syang binitawan.
ang bigat kasi.
"kakatapos lang ng monthly period mo week ago?"tinaasan ko siya ng kilay.
"wala kang paki, dyan ka nanga"
naiwan akong nakatingin sa nakabukas na cubicle kaya lumabas nadin ako ng mens restroom, naghahanda na si clarra dahil tapos na itong kumain.
"ang tagal mo? isang drum ata ang inilabas mo paolo"
nakamot ko ang batok at naiilang na natawa, napatingin ako kay briana na tapos nadin kumain at mukang paalis nadin.
hindi ko na pala kailangan dalhin si bri sa icecream parlor na ito dahil nauna na siya saakin dito at mukhang anak pa ng owner niya ang nanliligaw sakaniya.
ang plano kong pagpapatayo ng hospital ay mauudlot dahil gusto ko ng magpatayo ng chocolate factory.
nasa labas na nag aantay ang doctor nasi carlos at ang nurse na si rose, mga kaibigan ni clarra kaya hinatid ko na lamang sila sa tapat ng store at nagpaalam.
nauna ng makaalis ang kotse nila briana, kaya ng makaalis ang kotseng sinasakyan nila clarra ay halos takbuhin ko ang kotse ko para habulin sila.
ayoko lang na kung saan niya dalhin si bri dahil saakin siya ipinagkatiwala ng mga magulang niya, at hindi ko naman siya pweding pigilan dahil mag asawa lamang kami sa papel.
malayo nanga sila saakin kinailangan ko pang huminto dahil nag pula ang stop light, nangunot ang kilay ko dahil sa bilis ng itim na lamborgini na dumaan kahit nakapula ang stop light.
may richkid na naman na iiyak sa mga magulang para lang mawala ang violation, ang mga kabataan talaga.
ng mag green ay pinaandar ko na ng mabilis ang kotse ko pero hindi ko na sila mahanap, kaya inasa ko nalang sa gps tracker.
nasa mall sila gaya ng nadinig ko kanina, manunuod sila ng cine.
ipinark ko ang kotse ko sa tabi at agad na lumabas, pero napahinto ng makita ko ang black lamborgini na nakaparada sa tabi ng kotse ko.
nagkataon lang ba 'to?
pumila nako para makakuha ng ticker, horror ang pinapanuod nila..mga baduy
bumili nadin ako ng popcorn bago hanapin kung saan sila banda nakaupo sa loob ng sinehan, madilim ngunit pinilit kong hanapin si bri.
"alam mo bang true story 'yang the ring"napatingin ako sa ibaba ng madinig ko ang boses ni bri.
dito na 'ko uupo sa taas nila, umupo na ko at napatingin sa lalaking katabi ko na tahimik lang na nanunuod katabi ng tatlong lalaking magugulo.
"uuwi na ko hindi ko talaga kaya!!"
"para kang bading lee, sabi nga ni kuya boloy face your fear!"
sila nanaman?hindi bat nandon din sila sa icecream parlor.
"may curse ung video tape at ang mga makakapanuod ay susundan at papatayin..and its urband legend"nakangising sabi ng lalaking katabi nila.
"ay hayup ka duke may sayad ka sa ulo uuwi na kami!"
isinandal ko nalang ang ulo ko at inantay na magstart ang pinanunuod.
sa kalagitnaan ay
"GRABEEE NAKAKATAKOT!"
"pero ikaw naman ang pumili ng papanuodin bri"natatawang sabi ni yosong.
dinakot ko ang popcorn at sinubo lahat habang pinapanuod silang magkatabi sa harapan ko.
napanuod ko na ang ganitong eksena sa tv, na horror ang papanuodin sa cine para mapapayakap ung babae sa lalaki kapag natatakot.
hindi ko alam na ginagamit padin ang lumang style na 'to, pero si bri ang nag isip ng pinapanuod paolo hindi ang totoy na to.
napatayo ang lalaki sa tabi ko kaya napatingin ako sakaniya, mukang gusto nyang manuntok dahil sa pangungunot ng kilay niya.
sinundan ko ang kanyang tinitignan.
okay mukhang parehas kaming may sinusundan, i feel you bro.
"nawala lang ako saglit nakipag date na ha!!"bulong niya.
umakbay ang lalaki sa babae sa kalagitnaan ng pinapanuod, patuloy lang ako sa pagkain ngunit napahinto ng umakbay din si yosong kay briana.
magkatropa nga sila, pareho ng galawan.
"HOY BOBITA GUMAGABI NA KAYA UMUWI NA TAYO!"lahat ng tao sa sinehan ay napatingin saamin ng tumayo ang katabi ko.
"bright?!"
tumayo ito upang humakbang sa harap na upuan, hinawakan niya sa kamay ang babaeng kasama nila bri at hinila patayo.
sana mayroon akong lakas na gawin 'yan.
"anong ginagawa mo watson?"
"tumabi ka baluga, hindi ko gusto ang paglapit mo kay liezel para gamitin saakin"hinila niya ang babae palabas ng sinehan at ng makalabas sila ay biglang tumawa ung lalaking kasama nila bri.
pinagpatuloy nila ang panunuod.
hanggang matapos ay nanatili akong tahimik,kinuha ko ang cellphone ko upang itext si briana na antayin ako dahil sabay na kaming uuwi.
at sumagot naman ito sa reply ko at sinabing oo.
sumandal ako sa pinto ng kotse ko habang nakatanaw sakanila na mukang nagpapaalam na sa isat isa.
sinilip ko saglit ang relo at napagtantong alas siyete na pala ng gabi at pagbalik ko ng paningin sakanila ay.
mabilis nyang hinalikan si bri sa labi.
napaiwas ako ng tingin at mabilis na pumasok ng kotse ko, tulala kong pinagmasdan ang manibela at isinandal ang ulo bago matawa ng sarkastiko.
hindi ko alam ang irereact kaya natawa nalang ako.
huminto nalang ako sa kahibangan ng katukin ni bri ang pinto ng kotse ko, inunlock ko ang pinto ng kotse para mabuksan niya.
"kanina kapa dito paolo?"tanong niya kaya tinignan ko siya saglit bago iistart ang makina ng kotse.
"yes"
"nagugutom ako, magluto ka pag uwi ng kare kare nagke crave ako sa kare kare"lihim akong napamura dahil sa normal nyang pakikipag usap saakin.
pero ang totoo ay kinikilig 'to.
"pagod ako, mamili nalang tayo sa fast food"pinaandar ko na ang kotse, magsasalita pa sana siya ng buksan ko ang stereo para magplay ng malakas na kanta.
hindi ko na nadinig ang boses nyang magsalita hanggang sa makauwi kami ng bahay.
umuulan nanaman kaya inaasahan ko ng sa kwarto syang muli matutulog.
naligo lang ako saglit at humiga na sa sofa at ipinikit ang mga mata, nadinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya alam kong nandyan na siya.
tama nga ako, dito sa ulit makikitulog.
"hoy paolo ayaw mo nabang tumabi sakin sa pagtulog?"
hindi ako umimek at nagtulog tulugan, hindi ko man siya nakikita ay alam kong nasa harapan ko lang siya para pagmasdan akong matulog.
pero wala ako ngayon sa mood para patulan ang pang aasar niya.
"kiniss ako ni joseoh kanina paolo"
bulong niya kaya lumikot ako upang talikuran siya at hinila ko ang kumot.
may ibinubulong pa siya pero sinadya kong hindi na pakinggan.