briana point of view
nagising ako sa sinag ng liwanag ng sikat ng araw sa kwarto ni paolo, mataas na ang araw at kataka takang hindi manlang ako nito ginising.
bumangon ako muli wala na siya sa buong kwarto, dapat ganitong oras ay ginigising nako nito para sabihin bumangon dahil may pasok pa sa school.
bumaba ako ng malaki nyang kama at sinuot ang tsinelas ko, nakaligpit nadin ang kanyang kwarto..kalalaking tao ay malinis sa kwarto at hindi niya din inaasa sa katulong namin na weekly naglalaba at naglilinis ng bahay.
pagbaba sa kusina at sala ay malinis nadin.
may tray ng pagkain sa kusina at mukang kaluluto lang dahil medyo mainit pa.
"naghanda ako ng breakfast"
nakalagay sa notes, tinyempo talaga ni paolo ang gising ko ah...may gatas na nakatimpla sa baso at mainit init padin.
bakit kaya panay gatas ang tinitimpla ni paolo, ano kayang lasa ng kape..dapat sa edad na to nagkakape na 'ko ih.
pagkayari kong kumain ng niluto niya ay hinugasan ko, sa unang pagkakataon ay nakahawak ako ng plato para hugasan.
sunod kong ginawa ay ang maligo para maghanda papunta sa school, pagbaba ko suot ang uniforme ay nandon na ang driver namin.
kahit iniwan ako ni paolo ay minake sure nito na my breakfast ako at may maghahatid sa school...habang nasa biyahe ay natanggap ko ang chat ni joseoh.
"i saw him"
anong nakita niya? ung kagandahan ko? sobrang unexpected ang kiss na yon kagabi.
"the who?"
"your husband"
nanlaki ang mga mata kong inilapit ang mga mata sa screen ng cellphone para ulitin basahin.
"wtf"
"not really sure but i saw him waiting for you infront of his car bago kita hinalikan..and i really really sorry bri"
"its okay"
naisagot ko pero ang totoo ay kinakabahan ako..naisip ko ang pagiging ilap nito kagabi..kung ganon he really saw it!
mygod nakakahiya!
todo hingi ako ng kiss kay paolo tapos nagpapakiss ako sa ibang lalaki, pero hindi ko naman sinasadya yon hindi ko din naman alam na gagawin yon ni joseoh!!
dibali mag eexplain nalang ako pag uwi.
pagdating sa room ay nakasarado.
at don ko naalala na wala nga palang pasok, at alam ni paolo yon dahil may update sakaniya ang adviser ko...ang tanga mo talaga briana mygod.
paano ako uuwi nito? umuwi na ang driver namin sa bahay pagkahatid saakin.
nahihiya naman akong ichat si paolo.
hinanap ko nalang ang pangalan ni clarra sa faceboom, maria clarra ang epilyido non at delosalas dello? basta something on delo ang epilyido niya.
may mga lumabas don.
naka profile ang picture ng dalawang bata na magkatabi with old lady, lola ata ng mga bata at inistalk.
ito nga si clarra.
nag add friend agad ako at agad din naman inaccept, ang akala ko ay buong maghapon busy ang mga doctor..may oras din pala sila sa pagfafaceboom.
nag chat ako.
"can i ask, saan hospital nagtatrabaho si paolo?"
kinakabahan akong baka tarayan ako ni clarra o iseen lang, ayoko pa naman ng pakiramdam ng iniisnob.
ng may bumangga sa likuran ko habang nakatayo ako sa likuran ko.
ang mag jowang maaasim.
his named is bright.
tulad nila ay hindi din sila aware na walang pasok, siguro? tinignan ako nito mula ulo hanggang paa at inirapan.
"spoiled brat, playgirl na may sugar daddy na pamilyado tsk"
anong pinagsasabi ng lalaking 'to?
ngumiti saakin si liezel kaya naiilang akong nginitian siya, she's cute and mabait naman kaya pwedi kaming maging friends..mukang pauwi nadin sila.
tumunog ang cellphone ko at nawindang ng magreply si clarra.
"hu u phoe? cnu 2?"
wtf?! anong klasing chat 'to? anong klasing salita ito? at paano basahin? nagsearch ako sa google at wala manlang akong nakitang sagot.
"im his wife"
"okie cgue! ibbgay q ang adress...."
sumasakit ang ulo ko sa reply ni clarra, at hindi ako makapaniwala na sa ganda nyang iyon ay nakakaloka ang typings niya...nagkita kami kahapon sa icecream parlor.
kilala ko siya habang ako ay hindi.
nagsend siya saakin ng link ng hospital kaya maayos kong naintindihan ang address.
sinimulan ko ng maglakad papunta sa overpast para sumakay ng taxi, may kahabaan ang biyahe at agad din naman akong nakarating don.
ito ata ang firstime kong mag commute alone, mabuti nalang at may pocket money ako sa wallet.
humakbang ako papasok ng hospital.well maganda ang hospital.
kung sabagay ay private ito.
naglakad ako at nagtanong tanong sa mga nurse kung saan ko mahahanap ang office ni paolo.
pero iniirapan lang nila ako sa twing nadidinig nila ang pangalan paolo, mukang sa hospital na to ay hearthrob ang tito mo paolo.
he's married froglets back off!
hindi din sila aware na ako ang asawa ni paolo.
may nurse na kausap ang pasyente kaya don ako nagtanong..tinignan ko ang kanyang name tag and she's rose.
"hi, pwedi ko bang malamam kung nasaan ang office ni doc paolo s. ramirez?"tanong ko, ngumiti siya saakin at parang kinikilig.
wtf?
hindi siya maganda.
"halika at dadalhin kita sakanya, may appointment kaba kay doc pao?"tanong niya habang naglalakad kami.
"wala"
napatingin siya saakin.
"i mean meron, follow up check up ko sakaniya dahil kailangan ko ng gamot"
"na kissperin"bulong ko at mukang hindi niya naman nadinig.
"hindi ko sure kung nasa office siya dahil baka magkasama sila ni doc clarra!"sabi niya
"its okay sanay na 'ko, bagay sila"
natawa siya.
"yes! bagay nga sana sila ang kaso may mahal ng iba si doc clarra"kwento niya, dahil kung wala hindi sana kami kasal ni paolo ngayon dahil posibleng sila ang kinasal.
"crush na crush ko pa naman si doc paolo kyaahhhh!"kinikilig niya na sabi kaya napairap ako.
"he's married"
"oo alam ng buong hospital 'yan, bansa nga naaagaw asawa pa kaya hahahahha"napahinto ako dahil nakaramdam ako ng inis.
ang loka lokang 'to ah!
"pero wala naman sa katauhan ni doc paolo ang magpaagaw no! kaya nga ideal man ko si doc"
and yes! sobrang gentleman niya at maalaga and im lucky to have paolo.
paghinto sa pinto.
kinatok niya ang pinto at nadinig ko ang boses ni paolo.
"come in"ngumiti lang saakin si rose at nagpaalam na.
pagpasok ko ay gulo ang kanyang office dahil sa dalawang batang naglalaro sa ibabaw ng table niya.
"bri? what are you doing here?"tanong niya.
nakagat ko ang ibabang labi at naalala ang kahihiyan na ngyari kahapon..nakakahiya at hindi ko alam paano siya kakausapin.
pumasok ako sa kanyang office at napatingin sa dalawang batang naglalaro, napangiti ako ng makita sila.
ang mga kambal ni clarra.
may kumatok sa pinto at iniluwa non ang nurse na kaninang pinagtanungan ko at inirapan lang ako, napatingin siya saakin kaya.
"hubby kiss me masakit ang labi ko"ngumuso kung sabi.
"w-what?"
napairap ako, kahit kailan talaga tong si paolo parang hindi nag grade 2.
"by the way im paolo's wife"tumayo ako at ikinawit ang mga braso ko kay paolo.
nanlaki ang mga mata ni ateng nurse at nagpabalik balik saamin ni paolo.
"tell her paolo na ako ang asawa mo, tinarayan ako nyan kanina sa lobby!"pagsusumbong ko at inirapan ang nurse s pinto.
"stop being stubborn briana marie"bulong niya kaya napairap ako at inis syang binitawan.
"wala ka talagang kwen—
nanlaki ang mga mata ko ng kawitin niya ko sa bewang palapit sakaniya.
"yes, she's my wife briana marie, anong kailangan mo ms.cha?"tanong ni paolo.
"a-ah im sorry doc, pinapatawag po kasi kayo sa E.R"sabi nito.
"susunod na 'ko, thankyou"sagot ni paolo kaya tipid na ngumiti ang nurse at isasarado na sana ang pinto ngunit inirapan ko muna.
bida bida kasi.
bigla akong binitawan ni paolo kaya muntik nakong mawalan ng balanse.
"anong ginagawa mo dito? walang pasok ah bakit ka nakauniform?"eto nanaman ang masungit nyang boses.
"n-nakalimutan ko, wala na ang driver kaya nagpunta nalang ako dito..naiinip naman ako sa bahay kaya"
"bakit di mo ayain ang boyfriend mong makipag date?"tanong niya kaya nangunot ng bongga ang kilay ko.
boyfriend?
magpapaliwanag palang sana ako ng.
"total wala ka naman gagawin at nandito ka nadin, bantayan mo muna si alas at spade dahil nasa E.R si clarra at kailangan din ako don"sabi niya kaya napatingin ako sa kambal.
sobrang pabor naman saakin ang mag alaga ng mga cute na mga batang to.
"sige ako ng bahala sakanila, alis na paolo!"
tinulak ko siya sa likod kaya tinaasan niya ko ng kilay.
"hwag mo silang panggigilan i know you, be good to them"paalala niya pero sinarado ko na ang pinto.
sobrang cute naman nila!!!