Chapter 7

1229 Words
briana point of view hindi kaagad siya nakaimek kaya hindi na 'ko nagtanong pa, siguro ay hanggang ngayon mahal na mahal padin ni paolo si clarra. isang beses ko na syang nakita. at kagaya ni paolo ay tahimik at mukhang strikta din ito. ganon sigurong babae ang tipo ni paolo, ang tahimik at seryoso sa buhay..hindi din naman si paolo ang tipo ko pagdating sa mga lalaking nagugustuhan ko. pero naman kasi! siya lang ata ang taong nakakatiis sa ugali ko at nananatiling kalmado sa kabila ng pagiging matigas ng ulo ko, bukod pa don ang pagiging maasikaso at marespeto nito sa babae. malaking points yon pagdating sa mga lalaki. saakin niya lang kaya ginagawa iyon o kay clarra din? teka bakit ko ba pinagkukumpara ang sarili namin ni clarra, di hamak na mas maganda ako kay clarra..hindi ganoon katalino pero basta maganda ako. "natatanaw mo ba ang nakikita ko paolo?"sinundan niya ng tingin ang tinitignan ko. "pero baka hanapin na tayo ng mommy, at baka dumating din ang mommy mo" "ibaba mo 'ko paolo, gusto kong pumunta sa punong narra na iyon. mukhang masarap tumambay don!"pangungulit ko. "hindi na, uuwi na tayo" pero tumungtong ako sa apakan ng kabayo at madaling nakababa. "briana!" bahala ka dyan! nandito na ko sa bataan kaya susulitin ko na. sayang lang ay hindi ko dala ang cellphone ko..iinggitin ko lang sana sila kim. umupo ako sa upuan na nandon katabi ng malaking punong narra, presko ang hangin don na natatanaw amg malawak na ilog. angganda!! napatingin ako sa likuran ko ng makita ko si paolo, habang ang kabayo ay naiwan. "mukhang tambayan ito ng kung sino, ganitong tambayan ang nakikita ko sa kdrama ih ung tagpuan ng mag bestfriend mula bata pa sila tapos may nakaukit na mga pangalan" inikot ko ang punong narra para tignan kung meron nakaukit, pero agad ding napahinto ng makita ko ang pangalan ni paolo at clarra. tumikhim si paolo saaking likuran kaya nilingon ko siya. "dito kami sa punong ito lumaki ni clarra"tumingala siya upang pagmasdan ang mayabong na sanga ng punong narra. simple itong napangiti habang nakatingala habang nakatitig lamang ako sakaniya. pumikit ito at parang sinariwa ang nakaraan, parang bumabagal ang pagbwat pag ikot ng oras at ang kanyang galaw. "saksi ang punong ito, kung paano ko minahal si clarra"nagdilat siya ng mata at tumingin saakin, kaagad akong napaiwas ng tingin. "pero may kambal na anak nasi clarra, so it means may mahal na syang iba. kaya ka nga niya hindi pinili" umupo siya at huminga ng malalim. "hindi naman napuputol ang pagmamahal sa ibang tao kahit may iba na itong mahal"sagot niya. "maswerte si clarra, dahil ang lalaking ama ng mga anak niya ay iniwan siya habang ikaw" patuloy syang minamahal. kumulog kaya napaigtad ako sa gulat, nagwala ang kabayo at tumakbo sa kung saan. sa layo ng nilakad at tinakbo ng kabayo ay makauwi kaya kami? "pikulo?" napatingin kami pareho sa nagsalitang matandang lalaki. "mang ben kayo po pala" napangiti ang poor old man saamin, itsura syang magbubukid..dumako ang tingin niya saakin bago kay paolo. "sino naman iyang magandang bata na kasama mo? mabuti at napasyal ka angtagal mong hindi napunta ng bataan" ngumiti si paolo. "oo nga po" "pwedi ba kitang imbitahan sa bahay? birthday kasi ng anak ko na si stacey, hindi ba't close naman kayo ng dalaga kong anak" "pero mang ben paula—" "matatanggihan mo ba naman ang muntik mo ng maging tiyuhin? sayang nga lang at hindi kayo ang naging mag asawa ni clarra" napakamot na lamang ng nuo si paolo. maliit lamang ang bahay na gawa sa bamboo, hindi ko ata kayang matulog sa ganitong bahay. sa maliit na bahay na gawa sa bamboo ay may babaeng lumabas, may kaputian ito at blonde ang buhok..maganda siya ngunit hindi ko gusto ang kanyang postura. ngumiti ito at humakbang palapit. sino siya? tinangka nyang hawakan si paolo sa mga braso ngunit mabilis itong umiwas. "happy birthday" tumaas ang isa kong kilay dahil sa pagtataka. "salamat paolo, mabuti at napasyal ka sa bataan"nakangiti nyang sabi at dumako ang tingin saakin. "wala akong nabalitaan na meron kang kapatid na babae, so pinsan mo paolo?"tanong nito, tumikhim si paolo at inabot ang kamay ko para hawakan. nahirapan akong huminga dahil sa pagbilis ng puso ko ng hawakan niya ko sa kamay. "she's my wife" "ano? asawa mo ang batang iyan?"sabat ng poor old man sa tabi ng kanyang anak na hilaw. napaawang ang labi nila dahil sa gulat. "look, im married"itinaas niya ang kamay namin magkahawak. "a-ang bilis naman ata, so totoo ang balitang ipinagkasundo ka ng doña helena sa anak ng kaibigan niya..pero i know naman na hindi ka padin nakakamove on kay clarra" "paano ka nakakasiguro?"sabat ko kaya tinaasan niya ko ng kilay. "hwag mo nga 'kong pagtaasan ng kilay mong drawing lang"pinisil ni paolo ang kamay ko kaya umangat ang tingin ko sakaniya. natawa ito ng sarcastiko pero halata ang asar sakanyang reaksyon. "ang bata mo pa pero ang taas na ng tingin mo sa sarili mo, baka nga hindi kapa marunong magsaing o maglaba ng pinagreglahan mo!"natawa ito kaya tumawa din ako. "hindi ko naman kailangan gawin yon, si paolo ang nagluluto ng lahat pati paglalaba ng pinagreglahan ko"ngisi ko kaya ramdam ko ang pagtitig ni paolo, tumingin ang babaeng hipokrita kay paolo at inaantay ang sagot nito. "yes, you heard it right"halata sa boses ni paolo na walang magawa at di makaangal. "lets go hubby! umuwi na tayo dahil hindi ko gusto ang nakikita ko..kanina ang presko ng hangin..ngayon amoy malansang isda na hindi mabili bili sa talipapa" pasaring ko at hinila sa kamay si paolo, narinig ko pang sumigaw ito para magpaalam sa poor old man...nauna na itong maglakad sa pilapil kaya hinila ko siya. "dont tell me dyan tayo dadaan sa gitna ng bukid? mangangati ang binti ko sa damo"reklamo ko. "umuwi na amg kabayo at nauna na saatin, kung don pa tayo dadaan sa dinaanan natin sure akong aabutin tayo ng gabi...ayun lang ang mansyon o natatanaw ko"turo niya sa nag iisang magandang bahay sa gitna ng bukid. kaya wala nakong magawa. nagulat ako ng umupo siya saaking harapan at kunin ang kamay ko upang ipasan sakanyang likod, hindi na naabot ng damo ang binti ko. malalaki ang kanyang hakbang ngunit hindi pa man nakakalayo ay pumatak ang ulan. napahawak ako sakanyang lieg ng tumakbo ito, mabuti nalang at may munting kubo don kaya. "umuulan, sumilong na muna tayo sa kubo" medyo basa ang mga buhok namin, lumakas ang ulan at dumudilim din. nag uumpisa na akong matakot ng madinig ko ng ingay ng mga palaka sa paligid, kinuha niya ang cellphone sakanyang bulsa at ginawang ilaw dahil padilim na. biglang kumulog kaya nahawak ko si paolo mula sa pagkakaupo. "relax, kulog lamang yon" "p-pero nakakatakot padin paolo"mahina kong sabi. "nagchat na ko kay mommy, at nagpasundo kay mang rohelyo na sunduin tayo dala ang payong kaya makakauwi din tayo bri" hindi nako nakaimek, at dumiin ang pagkakahawak sakanya ng muling kumulog. ng bigla nyang hawakan ang muka ko, napatitig ako sakaniya ng mawala ang malakas ng ingay ng kulog, ulan at ng mga palaka sa bukid. sinakop ng malaki nyang palad ang dalawa kong tenga, ngayon ay magkaharap na kami..naging alagay ang loob ko dahil wala na akong madinig na kahit anong ingay. nakatitig lamamg siya saakin at ganon din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD