Chapter 8

1153 Words
paolo point of view hindi naman kami gaanong nabasa ng sunduin kami sa kubo, tumila din ang ulan kaya walang kahirap hirap kaming nakauwi ng mansyon. pag uwi sa bahay ay mayroon na palang bisitang nag aantay saamin. "MOM" "DADDY!" patakbong yumakap si briana sa kanyang mommy at daddy na nakaupo sa sala ng malaking bahay, tinanggap nila ang yakap ng anak habang nakangiti. lumapit ako upang mag mano sa daddy ni bri at ganon din sa mommy niya. nakangiting tumingin ang kanyang daddy saakin kaya simple akong ngumiti. "mukhang nangayayat ka simula ng tumira kayo sa iisang bahay paolo" nakamot ko ang nuo. "dahil lang po sa puyat dahil sa trabaho ko sa hospital sr" pero mukhang hindi siya kumbinsido..mas matagal nyang kasama ang sariling anak at alam niya kung gaano katigas ang ulo ni briana. pero nahahandle ko naman. "pinagbubutihan mo naman ba ang pag aaral mo bri?"tanong naman ng mommy nito, tumingin muna si bri saakin at ngumiti. "yes mommy, pinagbubutihan ko 'po" tumingin saakin ang mom ni bri at alam kong tatanungin niya din ako. "totoo ba 'to paolo? na nag aaral mabuti si briana?"ngumiti ako bago tumango. "yes po" nakagat ni briana ang sariling labi upang iwasang mapangiti, wala naman kasi akong mapapala kapag sinabi kong hindi..mas lalo lang syang mai stress at worst mawalan ng gana sa pag aaral kapag nasermonan ito ng mga magulang. "magbihis na muna kayong dalawa, nakahanda na ang dinner"napatingin kami kay mommy na striktang nagsalita sa likuran ko. sinenyasan ko si bri na umakyat na kaya nagpaalam na ito sa mga magulang, hindi padin kasi nito alam kung saan inilagay ang mga dala nyang gamit kaya sinamahan ko na siya paakyat since madaming guest room. pinagsusuntok niya ang braso ko kaya gulat ko syang tinignan. "hindi kalang pala mapang asar may pagka sinungaling ka din!"tawang tawa niya na sabi kaya simple akong napangiti habang nauuna syang nag lalakad habang tawa ng tawa. "kaya totohanin mo dahil minsan lang ako sa buhay ko magsisinungaling" "yes sir!"inilagay niya pa ang kanyang kamay sa nuo at sumaludo. huminto kami sa isang kwarto, magkaharap lamang kami ng kwarto kaya nagpaalam na ito saakin..naligo na din ako dahil medyo nabasa kami ng ulan. mas nauna ako sakanyang matapos kaya inantay ko nasiya sa loob ng kanyang kwarto. puting tshirt at gray na pajama lamang ang suot ko. nagbukas siya ng pintuan at lumabas ng kwarto, pinagmasdan niya ang suot ko kaya ganon din ako..kulay pink na hello kitty na terno na usual nyang sinusuot araw araw. sabay nadin kaming bumaa para sa dinner. "umupo na kayo at kakain na" tumabi si briana sa kanyang mga magulang kaharap magkaharap kami sa mesa, para syang batang sabik sa mga magulang. pero ang totoo ay 17 na ito at malapit ng mag debut. "dito kayo mag ssleep over diba mom dad?"tanong niya, habang busy siya sa pagtatanong ay sinasandukan ko naman siya ng pagkain sa plato..alam na alam ko na ang gusto nyang ulam sa maikling panahon na pagtira namin sa iisang bahay. hindi naman talaga maldita si bri, kailangan niya lang ng pag intindi at pag aalaga. napahinto ako ng mapansin ko ang mapagmatyag na titig ni mommy. "pwedi ba kong makitulog sainyo ni dad, mom?"tanong nito pero umiling ang kanyang ina. "hindi pwedi, dalaga kana at kasal na din kaya hindi kana pweding matulog katabi namin kung kailan mo gustuhin" "but— umubo ubo ang kanyang daddy kaya nakuha nito ang attensyon namin lahat. may dinadamdam bang sakit ang daddy ni bri? "malapit na din ang debu mo anak, kailangan mo ng magseryoso sa buhay dahil kapag wala na kami" "pero hindi niyo naman ako iiwan diba?" "masyado kaming abala sa pagtatrabaho noon kaya hindi namin inisip kaagad ang pag aanak, kaya nga may edad na kami ng ipanganak ka ng mommy mo" "gusto sana namin na, matuto kana dahil hindi habang panahon ay nandito kami...mabuti nanga lang at si paolo ang lalaking napili namin ng mommy mo para saiyo" hindi nakaimek si bri. "hanggat maaga nga sana ay makita na namin ang apo namin sayo"natatawang sabi ng daddy ni bri kaya namula ang muka ni briana. "pero bata pa po ako dad" "i know, kaya sana pag igihan mo na sa pag aaral hanggat malakas pa kami ng mommy mo"nakangiting sabi ng daddy ni bri. nag umpisa na kaming kumain ng dinner ng walang umiimek, at hanggang sa matapos. "siya nga pala helena, kinabukasan..linggo ay babalik na muna kami ng manila dahil may kailangan pa kaming puntahan" "sige ferdi, ikaw ang bahala..monday morning na makakauwi ang dalawang bata" "saan kayo pupunta? hindi ba 'ko pweding sumama?" "hindi anak" tumayo na ang lahat para lisanin ang hapag kainan, ngunit napaubong muli ang daddy ni bri at muntik ng matumba ngunit maagap kong nasalo. "okay lang po ba kayo sr?"tanong ko, sumenyas syang okay lang kaya dahan dahan ko syang binitawan. nag aalala ang muka ni briana ngunit pinili ang manahimik. nauna na silang umakyat sa itaas kasama ng kanyang mommy. "pwedi ba kitang makausap sandali paolo?"napatingin muna ako kay mommy bago tumango, naglakad kami palabas ng bahay at umupo sa tabi ng garden. "mukhang hindi po maayos ang katawan niyo sr, mag aalala nyan lalo si bri" mahina kong sabi, hindi kaagad siya nakaimek. "mayroon akong sakit paolo" "saksi ako noon kung paano lumaki ang batang paolo, wala pa si briana sa mundo ay ikaw na ang gusto kong makasama nito sa buhay.. nakakatawa mang isipin pero gusto kong maging bahagi ng pamilya niyo" "mukhang umayon ang kapalaran, dahil babae nga ang anak ko"natatawa niya na kwento habang nakikinig lamang ako. "malayo man ang agwat niyo ni bri, ay umasa ako na kayo ang magkakatuluyan...may tiwala ako saiyo na aalagaan mo ang anak ko paolo" "mabuti kang bata" umubo itong muli kaya napatingin ako sakaniya. "okay lang ako, okay lang" "mayroon akong stage 3 leukemia, at hindi pa alam ni briana ang tungkol sa sakit ko na iyon kaya ngayon palang kinakausap na kita para ibilin ang anak ko" "rest assured sr na hindi kopo pababayaan ang anak niyo" ngumiti siya ng simple. "sana lang ay maabutan ko pa ang magiging apo ko bago manlang sana ako mawala sa mundo" iyon ang hindi ko maipapangako, dahil ayokong pangunahan ang gusto sa buhay ni briana. masyado pa syang bata at madami pang gustong gawin sa buhay. gusto ko syang hayaan maging malaya hanggang sa mahanap nito ang totoong magpapasaya sakaniya. ginagawa lamang ang pagtatabi sa dalawang taong nagmamahalan at hindi sa taong ipinagkasundo lamang, bri is important to me. para ko na syang nakababatang kapatid na babae kaya hindi ko siya pipilitin in terms of pag aanak. tumayo na kami para pumasok sa loob ng bahay. tanging pag aalaga at pag gabay lamang ang kaya kong ipangako sa ama ni briana, ako muna ang mag aalaga at gagabay sakaniya hanggang sa kaya na nito ang sarili pagdating ng panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD