paolo point of view
maaga kaming nakabalik ng manika keysa sa inaasahan dahil sa pag dami ng pasyente sa hospital, at kaagad din naman na lumipas ang buong araw kaya ngayon ay lunes na.
gaya ng araw araw ay.
binuksan ko ang pinto ng kwarto ni briana, balak nyang batuhin ng unan ang alarm clock na patuloy na tumutunog ngunit maagap ko na kinuha.
"wakeeee up sleepy head, its monday morning..7am briana get up"umungol lamang ito habang nakadapa ngunit hindi tumatayo.
"eh ayoko pang bumangon paolo"
"you will be late bri"
"ayokong pumasok paolo, mayron pa naman martes—"
bigla ko syang hinila sa paa kaya mabilis syang napabalikwas sa pagkakahiga at gulat na gulat, tinaasan ko siya ng kilay.
naalala ko ang bilin ng kanyang daddy, pinagmasdan ko syang gulo gulo ang buhok suot ang hello kitty nyang terno.
she's cute, but still immature.
ang totoo ay hindi ko nadin alam ang gagawin ko kung ano bang dapat kong gawin para mag matured siya.
hindi naman ganyan ka immature si clarra noon.
baka dahil masyado itong nabebeybi ng mga magulang na tinotolerate ko pa? maybe.
"get up, hwag mong ubusin ang pasensya ko briana marie"
nangunot ang kanyang kilay dahil sa seryoso kong boses at reaksyon.
"malapit ka ng mag debu, at hanggang ngayon pahirapan ka padin na gisingin para lang pumasok sa school" dagdag ko.
"pero tinatamad nga akong pumasok eto nanaman ang sarado mong utak paolo!"
"may sakit ang daddy mo, at ang bunso nyang anak ay hanggang ngayon isip bata at tamad padin mag aral"
nagbago lalo ang kanyang reaksyon at mabilis na umiwas ng tingin ngunit kita ko ang pangingilid ng kanyang luha.
wala na akong alam na solusyon but i have to do this.
"ang sama ng ugali mo!"
"i just telling what the truth, and now kung ayaw mong pumasok hindi kita pipilitin"
tumayo ako at humakbang palabas ng kanyang kwarto, ginawa ko na ang morning routine ko..ang maligo at maghanda para sa pagpasok sa hospital at ang magluto ng breakfast.
pagka upo ko palang upang simulan kumain ay bumaba na ito ng hagdan, ng nakabihis na ng uniforme.
nakalukot ang kanyang muka at mukang mugto ang mga mata, gusto ko syang yakapin at patahanin at humingi ng sorry dahil sa mga nasabi ko, pero pinili ko padin na wag kumibo at wag syang pansinin.
"magbreakfast ka m—"
"ayoko" madiin niya na sabi kaya tumikhim na lamang ako at tinapos ang pagkain.
kailangan mo syang tiisin paolo for her own sake!
nagdrive na 'ko papunta sa school nila briana para siya'y ihatid, wala kaming kibuan buong biyahe at natatakot ako na baka magkamali ako sa desisyon na napili, dahil baka imbes na mabago ko ang pagiging isip bata niya ay magrebelde naman ito.
"mag aral ka ng mabuti—"
agad nyang sinara ang pinto ng kotse kaya naihilamos ko na lamang ang palad sa aking muka, bakit hindi niya maintindihan na gusto lang naman namin syang mapabuti.
paolo paolo wag kang marupok.
nagdrive na 'ko papunta sa hospital, bago ako pumunta sa office ko ay dinaanan ko muna si clarra.
nakayuko ito sa kanyang desk at natutulog.
napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang maputla nyang muka dahil sa matinding pagka puyat, tinangka kong hawakan ang kanyang muka ng.
hindi ko na magawa.
paano kaya kung hindi ako umalis para mag aral sa ibang bansa? hanggang ngayon siguro ay kami padin ni clarra.
pero hindi ko siya pweding habang ikulong saakin dahil kaibigan lamang ang turin niya saakin kahit pa mahal na mahal ko ito noon.
malalim na hininga ang pinakawalan ko bago iniwan ang binili kong kape sa kanyang tabi para kapag nagising ito.
maghapon akong naging abala sa pagtatrabaho dahil sa dami ng pasyente, hindi ko na namalayang gabi na, kinuha ko ang cellphone upang tawagan si bria ngunit pinigilan ko ang sarili.
hindi pa man ako naibababa ang cellphone ng tumunog ito, si briana na ang tumawag.
"susunduin mo ba 'ko o hindi—
"madaming akong pasyente ngayon"maagap kong sagot.
napasinghap siya sa kabilang linya kaya malalim ang ginawa kong paglunok upang wag bawiin ang sinabi.
inend na lamang nito ang tawag at tulala na lang ang tinignan ang naputol na tawag, pero nagdial akong muli para tawagan ang family driver para sunduin si briana at siguraduhin na makakauwi ito ng maayos sa bahay.
inabala ko nalang ang sarili dahil madami din talaga ang pasyente.
paulit ulit kong iniisip kung tama nga ba ang ginagawa ko o hindi.
lumipas ang mga araw at.
madaling araw na ng makauwi ko, pero bago ako tumuloy sa kwarto ko ay siniguro ko muna na nasa kanyang kwarto si briana.
pero mahimbing naman ito na natutulog kaya nakahinga ako ng maluwag, humakbang ako upang yumuko kapantay niya.
madilim ngunit malaya kong nakikita ang kanyang muka, kahit pala pagtulog ay nakabusangot ito. natawa ako ng mahina kaya hinila ko ang kanyang kumot upang itaas ang pagkaka kumot sakanyang dibdib ngunit nakipag agawan 'to at binatak ang kumot.
at sa pagbatak niya ng kumot ay hindi ko nabigyan balanse ang sarili at sumubsob sakanya, naitukod ko ang dalawang braso sa kama ngunit magaan na nakalapat ang aking labi sa gilid ng kanyang labi.
nagdilat ito ng mata kaya maagap akong lumayo.
ang akala ko ay tuluyan na itong magigising ngunit muling pumikit ang mga mata kaya nakahinga ako ng maluwag.
kinabukasan ay hindi ko na siya kinailangan gumising dahil maaga iyong nagising at maaga din nakabihis, nakakapag taka man pero hindi ko na lang inisip dahil baka umpisa na ito ng pagbabago niya pagdating sa pagpasok sa school.
hindi ko din siya pinilit na kumain dahil kusa syang umupo sa tabi ko.
at dahil wala naman akong sasabihin ay hinatid ko nalang siya sakanyang school at dumiretso sa hospital.
mabilis na lumipas ang maghapon, inayos ko na ang gamit dahil maaga akong makakauwi ngayon..balak kong daann si bri sa school ngunit nakatanggap ako ng text galing sa kanyang teacher.
hindi pumasok si bri.
at natapat na kuhaan ng card at gusto akong makausap ng adviser sa hindi ko alam na rason.
dinail ko ang kanyang numero pero nakapatay ito, nagmamadali akong dinampot ang gamit ko upang sumakay sa kotse.
sinubukan kong tawagan ang nunber ng mga kaibigan nyang sila kim pero hindi ito sumasagot..inaccept ko ang friend request ni kim na kanyang kaibigan na halos ilan buwan na sa friend request ko at ngayon ko lamang inaccept.
naka online ito.
nakita ko ang myday nito sa isang bar.
hindi ako pala punta sa bar ngunit alam ko kung saan ito, wala naman picture na magkakasama sila ni bri pero malakas ang kutob kong magkakasama sila.
agad akong dumiretso sa bar na iyon dahil 5pm na ng hapon.
paano nakapasok ang mga studyanteng menor dito sa ganitong bar?
sa laki ng bar ay imposibleng agad ko silang makita, umakyat ako sa second floor ng bar upang tanawin sila sa mataas na bahagi ng bar upang mas mabilis ko itong makita.
pero bigo ako, nasaan sila?
nakauwi naba ito? o nauna na sa bahay.
"BOTTOMS UP!BOTTOMS UP BRI!"
maagap akong napatingin sa kwartong nakasarado ngunit dahil maingay sila ay dinig ko ang mga boses nila.
naikuyom ko ang kamaong binuksan ang pinto.
balak niya ng inumin ang punong baso ng beer kung hindi ko pa ito nahawakan, bumagsak siya sa upuan at mukhang lasing na.
madilim ang titig na ibinato ko sa dalawa nyang kaibigan kung sino man sakanilang dalawa ang nag aya dito kay briana kasama ng tatlong lalaki dito sa loob ng kwarto na kapwa mga menor ngunit halatang matanda ng ilan tanda sakanila.
pabagsak kong inilapag ang baso sa mesa na muntik ng ikabasag ng baso at ng glass table.
hinawakan ko upang kargahin ng pigilan ako ng lalaking katabi niya.
"ako ng mag uuwi sakaniya"
napangisi ako ng sarkastiko at pinigilan ang sariling sapakin siya.
"tumabi ka"
nakipag tagisan siya saakin ng tingin ngunit maagap syang inawat ni kim kaya binitawn niya ko sa braso.
kinarga ko siya palabas ng bar at isinakay sa kotse.
hindi pa man nakakaalis ng sumuka siya sa kotse ko.