(LUPE POV) Nagising ako sa mainit na sikat ni haring araw. Masakit ang aking ulo at pilit akong tumayo papunta ng banyo upang mag hilamos. Ito ang unang araw na magbabago na ako at sisimulan ko na suyuin si Swen bago pa siya mapunta kay Valker Wang. Ako ang nauna dapat sa akin parin siya sa huli. Bahala na basta ang importante mapasa-akin siya muli. Pero hindi ko alam kung paano simulan? Baki't ang hirap? Ganito ba kapag seryoso kana? Paglabas ko mula sa kwarto nakita ko ang aking bestfriend na lumaki ang mga eyebags at magulo ang buhok at lutang sa may balkunahe. "Hey! What happen to you?! Hindi ka natulog buong magdamag ano?" Natatawa ko tanong sa kanya. Nakaupo ito sa balkunahe na parang madaming problema. "Yes, hindi ako makatulog. Buti ka pa ang sarap nang tulog mo kagabi. Pati

