(AUTHOR'S POV) "Lupe?!" Taas kilay na tawag ni Swen habang inayos nito ang kanyang tuxedo sa harapan ng salamin para pumasok sa opisina. "Yes." Lumingon ito. "Baki't nasa balita ang proposal mo? Niyaya mo rin ba ang mga media kahapon? Kaya viral tayo ngayon sa buong mundo?!" Naiinis na sermon ni Swen. "Oo niyaya ko sila para maipakita ko sa mundo na nagbago na ako at ano naman ang masama kung naging viral tayo?" Aniya at bumalik tanaw sa salamin kung maayos naba ang porma ng kanyang suot. "Haisst paano pala kung hindi kita sinagot kahapon? Tiyak na nakakahiya dahil dinamay mo pa ang media sa proposal. Pwede ka namang magpropose na walang media ang involved! " Nagulat si Lupe at lumingon ito sa kanya. Nakaramdam siya ng disappoinment. "You mean...wala kang balak na magpakasal s

