CHAPTER 5

1001 Words
(AUTHOR'S POV) "Fadz anak samahan mo si Lovely sa Botique para sukatin niya yung wedding gown at yung susuotin mo naring polo at slacks sukatin mo narin. Pati na din yung tictac shoes mo." Utos ng ina ni fadz. Labag man sa kalooban ni fadz ay sumang-ayon ito sa utos ng ina. Tumango si fadz bilang pagsagot at lumabas ng condo papuntang garahe upang ihanda ang kotse. Sumunod naman si Lovely sa binata. "Oppss...wait..." Huminto sa paghakbang si Lovely at nilingon si Tita Buzz. Ang binata ay pumatuloy sa paglabas. "Sasama nalang ako at ikaw narin Swen para sukatin mo ang iyong gown for Maid of Honor." nakangiting wika ng ina ni fadz. "Okay po tita" sagot ni Swen na masaya na maging maid of honor ng bestfriend. ----------------BOTIQUE-------------------- Nilisan nila ang condo unit at sa pagdating nila sa botique ay pinasukat agad sa binata ang susuotin nito. Si Swen ay ganoon din sinukat niya ang damit na pang Maid of Honor. Yari lamang ito sa cotton at silk. Ang style ng damit ay off shoulder na dress na below the knee. Kulay dilaw ito at may halong white color. Ika nga motiff nila ang yellow white. Ang highheels na gagamitin ay 1/2 inch lang ang taas. Kulay itim na may design na white pearls. Sinukat din ng ina ni fadz ang susuotin para sa kasal ng anak ang mala Felipiñanang damit at palda. Aba ang siya ding pagdating ng mga limang flower girls na kapwa kamag-anak ni Fadz Monternel. Kasama na ang mga magulang nito. Nakipagbiso-biso ito sa ina ni Fadz at nakiblessed narin sa tito nilang si Fadz. Ang Fadz na nakasimangot ay kusa itong ngumiti sa mga kamag-anak at nagmano din ito sa mga nanay ng bata. Ang susuotin ng mga flower girls ay ganoon rin off shoulder style na dress below the knee. Ang design nito ay mga pearls na pinagdikit sa damit. Ang damit nila ay yari sa silk and cotton din. Ang kanilang susuotin pang ibaba ay halfshoes. Ang ring bearer, bible bearer, coin bearer ay dumating din ng sandaling iyon. Sinukat nila ang kanilang susuotin at ganoon narin ang iba pang abay sa kasal. Halos hindi sila magkasya doon. Ang huli na magsusukat ng kanyang susuotin ay of course ang bride. Sinukat kay Lovely ang gown na inalalayan ng dalawang trabahante ng botique. Ang gown ay off shoulder na may design na pearls na V style ang likod na hindi naman aabot hanggang beywang ang style na V. Medyo nakikita ang cleavage ng dalagang si Lovely. Kulay silver ang bakya nito na 2 inch lang na may desenyong pearls. "Wow ang ganda ni Lovely bagay sa kanya ang gown. And it's fit on her slender body." boses ng isang abay ng kasal. Ngumiti lang si Lovely dahil tama ang babae na isa sa mga abay sa kasal bagay sa kanya ang gown. "Look at her fadz your future wife is pretty indeed and stunning!" boses ng isa sa ina ng mga flower girl. Ngumiti lang ng simple si Fadz na wala sa loob. Saka niya napansin ang cleavage ng dalaga maputi at halatang malaki ang dalawang bundok nito at makikita sa damit ang good posture nito at slender body. First time niyang nakita ang ibang parte sa katawan ng dalaga na matagal ng nababalutan ng pagkaboyish nito. Nanginit tuloy bigla yung katawan niya sa 'di malamang dahilan. "Oh see son you and lovely are fit each other." boses ng ina nito na malapad ang ngiti. Mas masaya pa ito sa anak. "Tsss..." naiiritang sagot ng anak sa ina. Habang patagong nakahagod na tanaw kay lovely na nakatalikod kitang kita ang maputing likod sa Vstyle na buda at samahan pa ang dalawang malaking umbok sa pwet. Alam ni Lovely na hindi siya gusto ng binata at hindi man lang ito nagkomento sa suot ng dalaga kaya patalikod at 'di comportable sa susuotin. Mga sandaling iyon napansin ni Swen ang panay nakaw na tingin ni fadz sa besfriend nito kaya't napapangiti siya ng palihim. --------LiLi - New Coast Hotel Manila-------- Nagsi-uwian na ang lahat maliban kina Fadz, Lovely, Swen at mommy Buzz. Pumunta sila sa isang mamahaling Cantonese restaurant ang LiLi - New Coast Hotel Manila. Everything are expensive and exquisite. Masarap ang kanilang pagkain. Kung gaano kamahal at kasarap ng kanilang mga pagkain na sinerved ay ganoon rin ang hotel. Sobrang napaganda ang venue halatang mamahaling designs ang ginamit. Mga walls at paintings na nakasabit ay hindi lamang isang libo ang presyo kundi ito ay milyon ang halaga at pati na rin sa mga furnitures na halos ay gawa sa salamin. Kumakain sila sa isang VIP Room na tanging mayayaman lang ang makapag-afford sa presyo. Sobrang namangha sina Lovely Rose at Swen sa ganda ng hotel at sa lawak nito. Ito ang unang beses na nakapasok sila. Maraming staff ang bumabati kay Mrs. Buzz Wong Monternel dahil di naman maipagkaila na kilala ang kanyang dating yumaong asawa na si Fredd Monternel na isang tanyag at kilala sa buong asia sa larangan ng business world. Kaya kilala na ang buong pamilya nila kung saan sila pumupunta. Si Fadz tahimik lang at madami paring babaeng staff ang panay papansin sa kanya. Subalit wala itong pakialam sa paligid. Gustong-gusto na nya dalawin si Sam bagkus tiyak na magagalit ang mom nya kaya minabuti niyang maging tahimik na lang. Kumakain lang siya na wala sa sarili. Si Swen palinga-linga sa buong paligid hindi pa kasi siya makaget-over sa sobrang ganda ng hotel restaurant. Parang dining area lang ng mga mayayamang tao sa mansyon. Kada subo lumilinga sa ito hinayaan na lang siya ni Lovely. Si Lovely tahimik lang din habang sumusubo sarap na sarap kasi siya sa mga Cantonese food. Hindi nya alam ang mga pangalan ng pagkain. Nahihiya rin kasi siyang magtanong kaya minabuti nya na kumain na lang. Si Mrs. Buzz Monternel ay tahimik lang din sinasabihan pa nya si Lovely at Swen na "Eat more ladies! 'wag kayong mag-diet." "Yes tita." Sabay sagot ng dalawang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD