------------------ART ROOM---------------
(SWEN POV)
" Good morning Nerdy!" Bati ni Lupe na may matamis na ngiti. 'Jusmiyooo... Pwede himatayin sa kilig?... Baki't ba mas lalo itong pumogi sa paningin ko.
"Go-good m-morning din Lupe!" Nauutal kong sagot at umayos sa pag-upo.
"T-tapos na pala yung p-pinagawa mo sa a-akin...at naipasa kuna..." Pahayag ko na nauutal parin. Nagulat ako ng bigla ako nitong niyakap kahit nakaupo lang ako at siya ay nakatayo sa aking harapan.
"Salamat Nerdy! The best ka talaga!" Mahigpit na yakap ni Lupe sa akin. Mas lalo akong kinilig. Parang gusto kong tumili ngayon. Amoy na amoy ko ang mamahaling pabango nito saka kumalas mula sa pagkayakap sa akin.
"Wa-wala iyon Lupe." Mahinhin kong sabi.
"Dahil nagawa mo ang pinapagawa ko sabay tayo kakain sa canteen. Tara!" Sabay hila nito sa akin na hindi man lang inantay kung papayag ba ako o hindi? Syempre papayag chance kuna to na maging malapit sa kanya. Ang saya ko ngayon, dahil hawak nya ang isang kamay ko habang papunta kami ng canteen. Maraming nagbubulongan at galit kong makatingin. Pinag-sawalang bahala ko na lang.
------------------CANTEEN------------------
Nakapag-order na kami pareho at naupo sa may silya at nilapag ang aming inorder sa mesa. Pizza at burgers. Malakas pala talaga kumain si Lupe nakaka-inlove siya lalo.
"Lupe... Ummm... Can i ask you a question?" Tanong ko sa kanya. Tumango ito habang ngumunguya. Mayaman sana kaso parang patay gutom. Siguro pinagbawalan ito sa kanila kumain ng pizza at burger.
"Have you ever inlove before?" Nahihiya kong tanong. Tumigil ito sa pagsubo at nilapag muli sa pinggan ang pizza at uminom ng juice din sumandal sa likod ng silya.
"No. Why you asking?" Tanong nito na nakatitig sa akin.
"Ummm... Hehehe... Wala lang. Sorry..." Nakayuko kong paumanhin. Baka kasi hindi nya magustuhan ang sagot ko.
"I see. Ikaw, how you ever fall inlove with someone?" Seryoso nitong tanong. Tumango lang ako at hindi makatingin ng derestsahan sa kanyang mga mata.
"Oh! Then...who's that lucky guy?" Kibit balikat nito.
"Ahhh....i-ikaw..." Pumikit ako at yumuko. Nakakahiya ako pa talaga ang nagtapat sa kanya. Huhuhu... Nagulat naman ito at hindi naka-pagsalita. Dahil hindi ito nagsalita kinuha ko ang aking backpack at tumakbo palabas ng canteen. Bahala na si batman kung saan ako pupunta hindi muna ako magpapakita sa kanya.
(LUPE POV)
"Have you ever inlove before?" Biglaang tanong ni Nerdy. Nagulat lang ako sa buong tanan buhay ko ngayon lang may nagtanong na have i ever inlove with someone? Kaya tumigil ako sa pagsubo at nilapag muli ang pizza sa pinggan at uminom ng juice saka sumandal sa likod ng silya.
"No. Why you asking?" Tanong ko na nakatitig sa kanya.
"Ummm... Hehehe... Wala lang. Sorry..." Nakayuko nitong paumanhin.
"I see. Ikaw, how you ever fall inlove with someone?" Seryosong pabalik kong tanong. Tumango lang sya at hindi makatingin ng derestsahan sa aking mga mata.
"Oh! Then...who's that lucky guy?" Kibit balikat kong tanong.
"Ahhh....i-ikaw..."Tapat nito na nakayuko. Sobra akong nabigla sa pagtatapat nito. Hindi ko lubos maisip na may isang nerd na mainlove sa isang kagaya ko. Kaya matagal akong hindi nakasagot tela hindi nagsink-in ang lahat. Hanggang sa biglaang tumakbo ito kaya hinabol ko sya. Siguro sobra itong nahiya. Malakas pala tumakbo si Nerdy f**k!!! Hinihingal ako! Damn it!!! May lahi ba itong runner?
"N-ne-nerdy!" Sigaw ko na kahit hinihingal pa. Hanggang umabot kami sa isang sulok. Likuran na pala ito ng campus. Hindi ito lumingon kaya pinaharap ko ito sa akin. Nakayuko parin ito.
"N-nerdy look at me?" Utos ko sa kanya.
"Hindi pwede." Aniya sa mahinhin na boses.
"Nahihiya ka ba?" Tumango lang ito. Kaya dahan dahan kong inangat ulo nito. Sinandal ko siya sa isang pader sa campus.
"Alam mo n-nerdy why not just we take it off your glass?"
"Malabo kasi paningin ko." Aniya na yuyuuko sana ito muli kaya inangat ko pabalik.
"Lets just try." Dahan-dahan kong tinanggal ang salamin nito sa mata. Tumambad sa akin ang golden brown nitong mata na mapupungay.
"Ang ganda ng mga mata mo nerdy!" Nagtitigan lang kami sa isa't-isa.
"Have you ever had a first kiss on you lips?" Tanong ko na nakatitig sa kissable nitong labi.
"W-wala pa..." Nahihiyang sagot nito. Dahan-dahan kong dinikit ang aking mukha sa kanya at bumaba ang aking mga labi sa kanya. Hanggang nagtapat na ang mga labi namin. f**k! I love to kiss her.
--------------LIKOD NG CAMPUS------------
(SWEN POV)
Nagulat ako sa kanyang ginawa ng magtapat ang aming labi. Hindi ako makagalaw at napapikit lang. Amoy na amoy ko ang mainit nitong hininga. It's a passionate kiss that makes my heart beat faster and happy dahil sa kanya ko naibigay ang unang halik. Bumitaw ito at tinitigan ako.
"Your lips taste so good..." Usal nito.
"Can i invite you a dinner mamayang gabi?" Tanong nito. Tumango lang ako at ngumiti naman ito ng kay tamis na mas lalo tumalon ang puso ko sa sobrang kilig. 'Jusmiyooo marimar kung panaginip lang ang lahat na ito ay ayaw kunang magising pa.' Yumuko lang ako at pilit 'wag pakita na kinilig ako sa kanya.
He insisted na ihatid nya ako sa aming munting bahay at pumayag naman ako ng walang pag-alinlangan. Hindi kuna siya pinapasok nahihiya kasi ako dahil medyo kasikipan ang loob ng bahay. Kung kaya't tinaboy kuna siya papalayo. At naghanda sa sarili para mamayang gabi.