*Ang information ng sapatos na 'Bolvaint' ay neresearch lamang sa google ang kahulugan.*
----------------1 WEEK LATER---------------
(LOVELY POV)
Hindi na ako masyadong pinapansin ni Fadz. Masyado na itong cold sa akin. Hindi ko alam kung bakit? Abala ito palagi at hindi na rin siya sa condo nag-aagahan. Umuwi lang si Fadz tuwing madaling araw. Parang gusto na ata niya manirahan sa condo ni Sam. Nasasaktan naman ako lalo sa pinaramdam nito. Palagi siya hinahanap ng aking diwa. I miss him so much. Gusto ko maamoy pabango nya. Gustong-gusto ko siya makita. Ngunit hindi pwede dahil hindi niya ako kailangan. Pampalipas lang ako ng oras. Hindi ko rin maiwasan na hindi maiyak. Nakakalungkot isipin na mag-isa muli ako rito sa condo. Naramdaman ko naman ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking katawan dito sa balkunahe sa taas. Kasing lamig ng feelings ni Fadz. Habang nag muni-muni tumunog ang cellphone ko. Unknown number? Sinagot ko na lang baka may importanteng kailangan.
"Hello sino 'to?" Tanong ko sa kabilang linya.
"Good evening Lovely! It's me si Troy!" Sa nagagalak na tono ng boses.
"Oie Troy napatawag ka? Saan mo galing number ko?" Tanong ko dito.
"Kay Swen ko hiningi. Sorry....wala kasi akong # sayo." Paumanhin nito.
"Its okay Troy, walang problema. Ano pala ang kailangan mo?"
"Are you free tonight? Ayain sana kita pumunta ng party kasi w-wala akong partner." Aniya at napa buntong hininga sa kabilang linya.
"Kailangan ba talaga ng partner sa party na dadaluhan?"
"Yes couple partner kasi dapat k-asi alam muna wala akong girlfriend at wala rin akong kaibigan na ibang babae kundi kayo lang ni Swen." Paliwanag nito na slang parin.
"Are you available tonight?" Dagdag nito.
"I am free tonight Troy b-but wala akong maisususot na parteng damit. Hindi rin ako nakapag handa sa masusuot dapat nakabili ako sana..."
"Ako na ang bahala sa masusuot mo Lovely! Ang ihanda mo lang ang iyong sarili. So it's a yes? Papayag kana?"
"Okay it's a yes!"
"Thank God Lovely! Just wait me there in 10 minutes okay? Pero huwag kang lalabas ng condo hanggat wala pa ako sa labas ng gate. Baka maraming bad guys dyan sa kalsada pagala-gala." Bilin nito in a slang pronunciation parin.
" Okay Troy ingat! "
"Thanks..." Then he hang up the phone call. Mas mabuti narin siguro ito para hindi ako mababagot dito sa condo. Total wala si Fadz busy siya sa ibang kandungan. Wala din naman siyang pakialam sa aking nararamdaman. Magpakasaya muna ako ngayong gabi. Naka bistida lang ako ng kulay asul at flat shoes. Mga ilang sandali may bumusina sa tapat ng gate. Si Troy na siguro 'yan...dali-dali akong lumabas at nilock ang pinto saka gate. Bumungad sa akin ang gwapong Troy na nakangiti. Parang isa siyang modelo sa suot nitong white long sleeve at pinatungan ng red tuxedo na may black red design na necktie at slacks samahan pa ang makintab nitong sapatos na itim ang kulay na mamahalin rin ay 'Bolvaint'
For wearers of classic dress shoes and penny loafers, Bolvaint showcases their brand’s craftsmanship with their careful selection of leather material and a close eye for detail. The style of Paris is achieved through their sophisticated designs and elegant image.
"Good evening!" Nakangiti nitong pagbati.
"Good evening din Troy!" Sagot ko na nakangiti rin. "You look more handsome tonight!" Komento ko sa suot nito.
"Thanks Lovey! Let's go!" Aya nito at tumango naman ako.
____________SALON BOTIQUE_____________
Dinala ako ni Troy sa isang mamahaling salon at boutique.
"Mr. Villan good evening what can i do for you?" Bungad ng isang lalaki na parang bakla o tunay na lalaki? Hindi ako sure if tama ba ang hinala ko.
"Please were in a hurry we attend party tonight and i want you to do some things for her. You already know what i mean..." Bilin ni Troy.
"You got us Mr. Villan!" Sagot ng lalaki na parang bakla at nagpalakpak pa at tumayo ang dalawang kasama nito na mga bakla.
Pinaupo ako nito sa harap ng malaki at malapad na salamin. Siya ang naglagay sa akin ng make-up. Ang isang bakla naman ay ang nag-ayos sa aking buhok. Ang isa ay ang naglinis sa aking mga kuko sa kamay at binti. Nakaupo si Troy sa isang couch habang nag-aantay at pumikit habang ang ulo nakasandal. Kitang-kita sa repleksyon ng salamin ang gwapo nitong mukha.
"Ang ganda mo gurl! Kahit hindi kana lagyan ng eyebrow ay maitim na ang iyong kilay at ang pilik mata mo ay hindi na kailangan lagyan ng maskara mahaba na eh..." Puri ng mukhang bakla.
"Yes maganda din ang kanyang buhok." Sambit ni bakla na abala rin sa pag-aayos ng aking buhok.
"Boyfriend mo ba madam Si sir Villan Troy? Tanong ni bakla na naglalagay ng cutics sa aking mga kuko.
"Naku hindi kaibigan ko lang siya." Sagot ko kahit nakapikit ang mata.
"Naku akala namin. Bagay kayo ni sir Villan Eh. Napakagwapo niya at cute pa si fafa Troy." Boses ng bakla na kinikilig na nag-aayos parin sa aking buhok. Mga ilang sandali ay may binigay na paper bag ang isa pang kasamahan sa loob ng botique. Aniya si Troy daw ang bumili nito kanina online at bayad na pati ang make-up at ang pagpalinis ng mga kuko ko at sa pag-ayos ng buhok.
Pumunta ako sa dressing room. At sinuot ang napili nitong dress na isang 'plain summer temperament dazzle color lace up slanting evening dress bright silk' na bodycon sleeveless, Vneck Vcollar Middle-skirt. Ay hala kitang-kita ang collar bone ko at ang gifted kong dibdib. Saka sa legs ko na makinis. Masyado atang daring 'tong suot ko. Paglabas ko napanganga ang mga bakla.
"Oh my gassshhh gurl ang ganda-ganda mo at ang hot mo tonight!" Komento ng bakla na nag-ayos ng aking buhok kanina. Ginawa niyang curly ang aking buhok.
"Marami talagang leeg ng mga fafa ngayong gabi ang mabalian! Sabat ng bakla na naglinis ng aking mga kuko kanina.
"Sana all coca cola body! Bagay sayo gurl maging isang modelo." Saad ng kaninang nag make up sa akin.
"Kahit light make-up bagay ay lumalabas parin ang tinatago mong tunay na kagandahan gurl." Pagpupuri ng bakla na nag curly sa buhok ko.
"Diba masyadong daring? At lantaran ang dibdib ko eh..." Nababahala kong pahayag.
"Assets mo iyan gurl." Boses ng nagbigay kanina sa paper bag.
"Salamat sa inyo!" Sambit ko sa kanila.
"Mr Valle everything is done!" Boses ng nag make up kanina. Minulat ni Troy ang kanyang mata.
"Chadaannn representing!" Tinago nila kasi ako sa likod at biniluga pa talaga ako kay Troy. Napanganga naman si Troy pero saglit lang. Umalis na ang mga bakla kasi may bago pang mga costumers sila.
"Your a gooddess tonight and very beautiful!" Pagpupuri nito na may spark sa kanyang mga mata at ngumiti.
"Salamat Troy tara na?" Ako na ang nag-aya at hinawakan nito ang aking kamay papunta sa kanyang kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Saka ito bumalik sa driver seat. Pinaandar ang kotse nito lulan kung saan gaganapin ang party.
(AUTHOR'S POV)
Nakarating na sila sa isang 5 star hotel kung saan gaganapin ang sinasabing party. Pinagbuksan ang dalaga ng pinto sa magara nitong kotse. Pagkababa agad naman ito sinara. Kinakabahan si Lovely hindi siya sanay maki party.
"Troy am i look good with this casual?" Hindi komportableng tanong nito. Ngumiti naman ang binata bago sumagot.
"Yes you are Lovey! You look gorgeous with it." Sagot ng binata in a British accent.
" Hindi ba masyadong fit sa akin?" she grin.
"It's suit on your body. You have a perfect shape and be proud what's God given you." Pakampante nitong sagot sa dalaga na British accent parin. Nakahinga naman ng maluwag ang dalaga.
" Thank you Troy. First time ko k-kasi sa mga ganito na makiparty sa mga hindi ko masyadong kilala at sa ganitong suot." Nahihiyang paliwanag ng dalaga.
" Its obvious... But don't you worry I'm with you okay?. Just be confident with your self." Kalmado nitong bilin sa dalaga na ngumiti. Ngumiti narin ang dalaga at sumang-ayon. Pinulupot nito ang kanyang kamay sa braso ng binata. They look good each other. Parang isa silang mag-kasintahan. Sinalubong sila ng mga nagbabantay sa pinto at binigay ni Troy ang invitation card.