(LUPE POV)
"Bro, paano si Lovely? Diba asawa mo siya? Paanong may girlfriend ka? Baki't tinatago mo sa amin ang totoo?" sunod-sunod kong tanong kay Fadz. Nakita ko kasi yung post ni Fadz sa sss account nito. Kailan ba ito naging ma sekreto?
"Look! Im really sorry! I really am! Sasabihin ko naman sana sa inyo sa tamang tiempo kaso hindi ako ang gumagamit sa sss account ko. Si Sam hininge kasi nya email at password ko kaya binigay ko sa kanya. Di ko rin naman akalain na epost nya yung outing namin. Buti na lang hindi kami friend ni mom sa sss mananagot sana ako ngayon!" Mahabang paliwanag nito
"Alam kong nagtataka kayo kasi may shota ako at ang tanging alam ninyo ay hindi ako nagtatagal sa isang relasyon." Dagdag pa nito
"Seryoso ka ba kay Ms. Chen?" Tanong ko dito.
"Yes i am!" Panigurado nito. Magtatanong pa sana ako but naunahan na ako ni Traenhz.
"Paano si Lovely niyan?" Wala sa sarili nitong banggit habang ang mata ay nakatuon sa cellphone nito. Ganito na talaga ugali ng mokong 'to always out of place. Adik lang sa games.
"Hindi ko siya mahal at alam naman ninyo siguro na kapwa lang kami napilitan sa walang kwentang kasal. At may 7 months contract kaming dalawa kunting tiis na lang." Seryoso nitong banggit.
"Tinalo mo pa ako sa mga babae ah dami mo ng chicks HAHAHAH! Kunsabagay desisyon mo iyan. Susuportahan ka namin ni Traenhz. Diba Traenhz?" banggit ko sa isa at nilingon ito. Tumango lang ito.
"Thanks bro!" Tapik ni Fadz sa braso ko.
"Traenhz buti nga hindi bumabaho bunganga mo ano? Kahit kailan talaga ang kuripot mo kung magsalita. Lahat keywords 'di kaya'y shortcut or sign language! Sayang ka gwapohan mo kung ganun. Kaya nga na boboring yung mga babae sa sayo dahil boring ka!" Lintaya ko kay Traenhz at ngumiti lang ito ng pang-aasar.
"Tingnan mo nga naman!" Akmang babatokan ko na sana si Traenhz ay siya ding paghawak ni Fadz sa aking braso upang pigilan. Ang Traenhz ay ngumiti lamang ng nakakaloko.
"Relax Lupe. Masyado kang highblood ang baba talaga ng pasensya mo. Parang hindi kana nasanay kay Traenhz ganyan na talaga 'yan mula't simula na nabuo ang pagkakaibigan natin!" Pahayag ni Fadz. Kumalma naman ako at naalala ko gusto ko pala makita si Nerdy na miss ko ang babaeng iyon. Mga tatlong araw din hindi ko siya nasilayan. Kaya nag paalam na ako kina Fadz at Traenhz. Ang Traenhz tumango lang at si Fadz ay nag thumbs- up. Uso na pala sign language ngayon tssskkk.
Pagpasok ko sa canteen nakita ko si Lovely na may kasamang lalaki sa may mesa. Nakatalikod ang lalaki kaya hindi ko ma mukhaan. Ito ang unang beses nakita ko si Lovely na grabe kung tumawa. At ito pa mismong lalaki kung sino man ito ang kayang patawanin si Lovely. Never ko pa kasi nakita si Lovely na humalakhak pag si Fadz ang kausap. Maldito din kasi si Fadz at bossy kaya siguro ayaw niyang humahalakhak at tanging ngiti lang ang ginagawad nito kay Fadz.
Ngunit saan si Nerdy bakit hindi nila kasama? Nilibot ko ang aking tingin sa buong sulok ng canteen. Bagkus walang ni anino ni Nerdy. Kaya na pag pasyahan kong bumalik sa kinaroonan nila Fadz at Traenhz sa soccer field.
(FADZ POV)
Nakabalik agad si Lupe at naupo sa tabi ko.
"Bro Fadz, ni minsan ba nagawa mong patawanin ang asawa mo?" biglaan nitong tanong at napatingin ako dito.
"Nakita ko kasi asawa mo grabe ang kanyang mga halaklak kanina sa kausap nitong lalaki. Hindi ko lang mamukhaan kong sino. Mukhang malapit sila sa isa't-isa." Pahayag nito at nakatingin sa akin. Hindi ko alam bigla akong nakaramdam ng galit. Niloloko ba ako ni Lovely ng patalikod? Isang araw lang ako nawala pero siya nakitawa sa ibang lalaki?
"Ganun ba? Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" Matiim kong tanong.
"Yes pagpasok ko ng canteen siya ang una kong nakita. Biruin mo bro humalakhak asawa mo sa ibang lalaki pero pagdating sayo ngiti lang! Siguro boyfriend niya 'yun?!" Nag-iisip ito at ginawaran ako ng ngiting nakakaloko. Hindi ko na pinansin si Lupe dahil si Traenhz wala rin namang naririnig dahil nakahead phone. Mas lalo akong nakaramdam ng galit. Kaya iniwan ko na silang dalawa. Ang paalam ko lang ay pumunta kay Sam. Bago paman ako makapasok sa canteen ay lumutang naman bigla si Sam kaya hindi na ako pumasok sa loob ng canteen. Gusto ko kasi makita kung sino ang kalandian ng aking asawa.
Niyaya ako ni Sam sa kainan sa labas ng campus. Pinagsantabi ko na lang ang sinabi ni Lupe baka gino good time lang ako dahil ganoon na ito. Nakalimutan ko na si Lovely nakatuon ang atensyon ko sa syota ko ngayon. Nagku- kwentuhan kaming dalawa at talking about our future.
Nang uwian na ay ihahatid ko si Sam sa condo unit nito. Dahan-dahan lang ako sa pagmamaneho dahil traffic. "Beb, is that your boyish wife? Mukhang sweet silang umiinom ng milktea ah! May boyfriend na pala sya. Good fo her!" Gulat kong nilingon si Sam at ngumuso ito sa kinaroonan ng sinasabi nito. Bigla akong nakaramdam ng galit ulit at inis. Matiim ko silang tinitingan sa di kalayuan ng isang 'MONCHES MINI MILK TEA'. Hindi ko mamukhaan ang lalaki dahil nakatalikod ito tulad ng sinabi ni Lupe. So totoo! Damn! humanda ka sa akin Lovely! Panay tawa ito sa kausap. Bakit mas kaya mong tumawa sa iba kesa sa akin? Mahigpit kong hinawakan ang munobela sa galit. At sinadyang lakasan ang busina ng kotse dahil traffic parin. Nagulat naman si Sam sa inasal ko. Hindi man lang natinag si Lovely sa lakas ng pagbusina ko dahil nakatuon ang atensyon nito sa kausap. Damn you Lovely!
"Beb are you okay?" Nag-alala nitong tanong. Hindi na lang ako nagpahalata at pilit kinalma ang sarili sa galit.
"Yes beb! Naiinip lang ako bagal umusad ang nasa unahan." Pagsisinungaling ko dito at muli binaling ang mata kay Lovely. Shittt bullshitt hapon na wala ba syang balak umuwi? At muli tinuon kay Sam na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya at kinuha ang isang kamay nito at pinisil-pisil. Buti umusad na ang mga sasakyan sa unahan at agad na pinaharurot ang kotse patungo sa kung saan nakatira si Sam.