(FADZ POV)
"Gurl! Andito si Fadz ang gwapo talaga lalo sa malapitan!
"Oo nga gurl, ang cool pa!"
" Kaya nga crush ko siya eh!'"
"Anong sayo lang? Sa atin 'no!"
Iilan yan ulit ang naririnig ko habang unti-unting papalapit ng classroom. Andito na ako sa tapat ng pinto ng classroom pero panay tili parin ng mga kakababaihan. Pagkapasok ko ay kita ko mismo ang mga kaklase kong babae ay nakatuon ang atensyon sa lalaking nakaheadphone na kulay asul habang abala sa pagbabasa ng isang aklat. Hindi ko alam anong klaseng aklat basta aklat ang binabasa nito na nakayuko habang hawak ang binabasa. Nakaupo ito sa pangalawang silya sa likuran ng unahang upuan, left side ng second row kung nakaharap ka sa pisara. Natigil naman ang antensyon ng ibang babae at nakatingin sa aking kinatatayuan malapit sa may pinto.
"Andito na si Fadz besty pogi parin nya ano! kahit kagagaling lang maglaro ng basketball!"
"Kaya nga type na type ko siya eh!"
"Pero besty ang cute nung bagong lipat dito sa school natin. Gusto ko alamin kung ano ang name sa sss ng ma-add ko!"
"Kyahhh dami ng pogi sa classroom natin!"
Mga kaklase kong mga babae na panay papansin at kinikilig pa ang mga ito. Akmang magpatuloy ako sa paglakad papunta kung saan ang aking upuan malapit sa may bintana sa 3rd row pinakahuli sa right side na tanaw ang buong campus ay siyang pag-angat ng ulo ng sinasabi na bagong lipat. At nagtama ang aming mga mata at pawang nagulat kaming dalawa pareho. It's been 6 years hindi ko ito nasilayan muli ng doon ito pinagtapos ng pag-aaral ni Tita Mayabeth sa England noong third year highschool pa kaya kahit sa sss ay hindi kami friends.
"T-Troy?!" tawag ko sa pangalan nito.
"F-Fadz! My dear handsome cousin!" Tumayo ito at agad ko naman siyang sinunggaban ng isang mahigpit na yakap. Damn! How much i miss this man! Sinuklian rin ako nito ng isang mahigpit na yakap. Agad kami kumalas sa isa't-isa. Nagulat naman ang nasa paligid at hindi sila makapaniwala.
"Lalo yata tayong pumogi ngayon! " Pang-alaska ko dito.
"Come on cousin! Were both handsome. Bloodline na natin ang p-pagiging pogi!" slang nitong pag-wika sa lenggwaheng tagalog. Natatawa na lang ako dito kasi pati pag english nito ay British accent.
"I know that!" tapik ko sa braso nito.
"Kailan ka nakauwi? At akala ko ba habang buhay kana doon sa England?" Kapwa kami naupo at magka-harap kami ngayon sa tig-isang silya. Wala na kaming pakialam, bahala kong pinag-titinginan kami ngayon.
"Ay hala magpinsan sila?"
"Kaya pala pareho silang gwapo!"
Boses ng mga babae at parang hindi makapaniwala na magpinsan kami ni Troy. Hindi kuna inalam o nilingon kung kaninong boses iyon nanggaling.
"Last night, my life is so boring in there! Mas m-masaya dito sa Pipilipinas. I miss Philippines very very much!" nagagalak nitong sabi.
"Mas masaya talaga dito sa pinas cousin! Sana naman tinawagan mo ako para sa ganun ay masundo kita sa airport!" Ani ko sa kanya.
"I want to surprise you. Hindi ko rin i-inakala na ma-makikita kita dito sa school . At a-akala ko ay sa ibang unibersidad ka nag-aaral. Saka pa sana kita dadalawin sa condo mo after ng klase ko d-dito. But... nagkita na tayo." Nakangiti nitong sabi kahit slang parin ang pagtatalog nito.
"Then let's go out mamayang gabi! Mag-inuman tayong dalawa." Paanyaya ko dito.
"Copy that cousin!" Nakangiti parin nitong sagot. Napapangiti narin ako kasi ang laki ng pinagbago nito at napapansin ko ang panay ngiti niya.
(SWEN POV)
"Ay hala? May bago na namang lipat dito sa campus? Impiernes pogi at saka cute." Nawika ko sa aking sarili habang andito ako sa canteen kumakain na mag-isa. Kakatapos lang kasi ng P.E Class. Nagugutom ako ng sobra. Si Beshie hahabol lang daw may ipinasa lang na assignment kay professor Himua.
Himala ngayon madaming kumakain kahit ang ibang anak ng mga mayayaman ay andito ngayon sa canteen. Dahil siguro sa bagong lipat na pogi kaya todo papansin ang mga 'to. Kailan ba naging malapit si Fadz sa bagong lipat dito sa campus? Habang nag-uusap sila halatang matagal na silang magkakilala at panay ngiti pa ang mga 'to habang nag-uusap.
Andito ako sa hindi kalayuang mesa at nanunuod sa dalawang binata na nag-uusap. Panay papansin parin ang ka babaihan sa dalawa. Kanina ko pa hindi nakikita si Lupe at pati na si Traenhz. Asan naba si Lupe? na miss ko bigla yung crush ko. Absent ba siya? Dapat magkasama sila ni Fadz ngayon kaso iba ang kasama niya, itong cute na pogi.
Baki't kaya ang tagal ni beshie nakabalik? Naubos kuna lahat ng inorder ko pero siya hindi parin sumisipot. Nakanguso lang ako at nag-aantay kunti kay beshie baka sakaling maalala niya ako na naghihintay sa kanya.
Ilang sandali pa andito na si beshie at naupo sa silya. "Oh beshie bat' ang tagal mo?" tanong ko dito.
"Nagbanyo ako beshie kaso matagal ako nakapag deposit. Hayun ngayon pa ako nakabalik." Agad nilantakan ang inorder ko para sa kanya halatang gutom na ito.
Pagbalik kong tingin sa kinaroroonan nila Fadz at nung pogi at cute ay wala na sila doon. "Beshie alam mo ba ang pangalan yung bagong lipat dito sa school natin?" Tanong ko sa kanya habang ngumunguya.
"Bagong lipat?" Huminto ito sa pagsubo.
"Yes beshie! Yung pogi at cute na lalaki?"
"Ah 'yun ba, kung hindi ko nakakalimutan ummm...." Nag-iisip ito.
" S-si Troy!" patuloy nito.
" Wow cool ng name ah! Teka lang bakit mo alam pangalan niya aber?!" Nagtataka kung tanong.
"Nabunggo ko siya kaninang umaga habang nag madadali ako na 'wag mahuli sa P.E natin. At doon nagpakilala siya at nagpatulong narin kung asan ang Dean Office." Paliwanag ni Beshie saka uminom ng Juice.
"I see. Ummm...beshie maiba nga tayo. Alam naba ni Fadz na mahal mo siya?" Natigil ito sa pagsubo at binalik ang isang piraso ng waffles sa pinggan. Saka nakatingin sa aking mga mata.
"Hmmm...hindi pa beshie. Hindi niya dapat malaman na mahal ko siya. Mag divorce din naman kami after 7 months kaya itatago ko na lang siguro." Walang kabuhay-buhay nitong sagot at sumubo muli ng waffles.
"What if sabihin mo na lang sa kanya? malay mo 'di ba na masusuklian niya ang pagmamahal mo. Mas mabuti na yung masabi mo sa kanya atleast alam niya diba? Kahit hindi ka na lang mahalin pabalik tatanggapin mo na lang. Para sa ikakabuti ng iyong kalooban. Kahit papaano ay naranasan mong magmahal sa isang Monternel." Ani ko sa kanya.
"Hindi ko pa alam beshie." Walang gana nitong sagot na makikita ang lungkot na nababalot sa mga mata nito.