CHAPTER 31

727 Words
(LOVELY POV) Bago paman kami makarating sa condo ay may dinaanan kami na isang streets food. Natatakam naman ako bigla. Matagal na din kasi hindi ako nakatikim ng Streets food ang huli kong tikim ay nung highschool ako kasama ko si Swen. "Ummm...Troy dito na lang ako bababa." sabi ko dito. "Are you sure? Hindi pa naman dito ang condo unit area. " Palinga-linga ito. "Malapit din naman dito ang condo unit na tinitirhan ko Troy maglalakad na lang ako. Kakain muna ako ng kwek kwek." "K-wek k-wek? Is that a monster?"nakakunot noo nitong tanong. Napahagalpak ako ng tawa. " HAHAHAHAH! Anong monster ka dyan! Pagkain ang kwek kwek. Isa kasi siyang itlog na nilaga tapos binalatan tapos binalot sa flour na may food coloring orange. Tapos piniprito." Paliwanag ko dito natatawa parin. "Then why they called it K-kwek k-kwek?" Nauutal nitong tanong. "Iwan! Basta kwek kwek. Sige maiwan na kita salamat." Akmang bubuksan kuna ang pinto at nagsalita ito. "Can i see that k-kwek k-kwek? Is that delicious?" seryoso nitong tanong. "Oo naman! Tara?" paanyaya ko na nakangiti. "Wait ako na mauna lumabas." Sabi nito nagtaka naman ako kaya sinunod ko na lang at daling tinanggal ang kanyang setbelt saka lumabas. Lumibot lang pala ito para pagbuksan ako ng pinto ng kanyang kotse. Napapangiti na lang ako sa inasal nito at sinara ang pinto. "Manang pabili po ng kwek kwek apat na piraso. Sampung isaw, limang binti ng manok, limang pastel saka dalawang mismo na coke. Dito kami kakain" nilingon ko ang aking katabi. Panay tingin ito sa mga paninda. Napapangiti na lang ako sa kanya. "Is this isaw right?" he asked sabay turo sa isaw. "Aha yes! How come did you know na isaw iyan? Tanong ko sa kanya. "Dahil higschool ako dati pinatikim ako ng aking kaklaseng babae." Tugon nito in a slang pronunciation. Naupo na kami sa ilalim ng malaking payong ng ice cream na may maliit na mesa at dalawang upuan. Habang hinihintay ang inorder ko. Natatakam na talaga ako gusto ko ng kumain. Napansin kong palinga linga si Troy sa paligid. Parang kinikilatis ang paligid at nababagohan siya sa nakikita. "Ito na ang order ninyo po mga mam at sir! ani ni manang at sabay lapag sa mga inorder namin. "Salamat po manang." Ngumiti lang ito. "Saan pala dito ang yung k-kwek-k-wek? Tanong ni Troy na nahihirapang bigkasin ang Kwek kwek. " Itong kulay orange na nakaslice na. Gusto mong tikman? P-pero 'wag na siguro baka hindi ka matunawan. Mukha ka pa namang mayaman. I know hindi kayo kumakain nito." Pahayag ko sa kanya. "Paano mo masasabing anak ako ng mayaman?" tanong nito. "Dahil sa pananamit mo. Lalo na sa branded mong damit at yung kotse mo." Nguso ko sa kinaroroonan ng kotse sa tabi ng kalsada harapan ng streetsfood area. Ngumiti lang ito. "Don't you worry gusto ko lang makatikim ng pagkain na wala sa amin." Aniya. "Sige ikaw heto tikman mo." Binigay ko sa kanya ang kwek kwek na may sauce at saka pipino. Pinapanuod ko siya na sumubo. Unang subo nito ay ninamnam muna nya ang kwek kwek pagkatapos sumubo muli sya at saka nag thumbs up. Napangiti na lang ako at kumain narin ng barbecue. Naglagay ako ng maraming sili sa sawsawan. "Oh are you a chilli lover?" Aniya nginunguya ang kwek kwek habang nakatingin sa ginagawa ko. "Yes! Gusto mo kumain ng barbecue?" "Parehas p-pala tayo. I'm a chilli lover too. Sige i will try." Tugon nito at kumuha ng isang stick ng isaw at sinawsaw sa sauce saka sinubo. Halata namang nasasarapan. Pinatikim ko rin sa kanya ang pastel. Gumamit lang kami ng cellophane gloves at ang pastel ay nilagyan namin ng suka at bagoong. Sarap na sarap ako sa kinakain namin ni Troy ganoon rin sya. Masaya siya kasama panay ngiti ito at go with the flow person. Wala itong arte sa pang mahirap na pagkain, nakakaproud nitong kasama. Naubos namin dalawa ang inorder at saka ako nagbayad. Natatawa pa ako kasi nag-insist siya na magbayad kaso hindi naman ito mall na swipe mo lang ang atm card mo ay bayad kana. Wala kasi itong barya. Ako naman si mahirap madaming barya kaya ako na nagbabayad. Kaya hinatid na ako nito sa harapan mismo ng gate at nagpasalamat sa kanya at siya naman ay nagpaalam na hindi parin maalis ang ngiti nito sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD