(LOVELY POV)
Habang abala ako sa pagluluto ng bone soup ng may biglang nagdoorbell. Kaylan pa kami nagkaroon ng bisita sa ganitong oras ng umaga? Si Swen naman ang bibisita eh nagtetext yun nagpapaalam bago dumalaw kasi magagalit si Fadz ayaw niya ng mga bisita na walang pahintulot mula sa kanya pero heto ngayon.
Dali-dali ko iniwan saglit ang aking niluluto at tinungo ang pinto. Nang buksan ko ang pinto ganoon na lang ang aking pagkabigla. "Ummm... Anong kailangan?". Tanong ko rito tapos sabay hagod tingin sa suot nitong tops of shoulder at maiksing shorts na halos makita na ang pang-upo nito kung di lang sya siguro maputi iwan ko na lang... Curly blond hair, mapula ang labi, red cutics maganda din naman siya kaya siguro mahal siya ni Fadz dahil sexy at anak mayaman.
Saka ko lang nalaman nung nasa field kami na siya pala ang babaeng sineryoso ni Fadz kung hindi lang ako kinipronta ni Sam malamang di ko malalaman. Wag ko raw agawin boyfriend nya dahil siya daw mahal na mahal at kinababaliwan ni Fadz, sana all.
"Excuse me andyan ba boyfriend ko." Tanong nito sa maarteng boses while nakapameywang.
"Di ko alam." Sagot ko dito dahil hindi ko alam kung nakauwi na ba si Fadz mula kagabi.
"Anong di mo alam? umuwi siya kaninang madaling araw dito at sabi nya magdadate kami ngayon!" Nakangiti ito taas noong pamukha nya na eh date siya ni Fadz.
"Hindi ko alam na nakauwi siya ng madaling araw. Ang alam ko lang ay lalabas siya kasama mga kaibigan nya." Paliwanag ko dito.
"Oh really?!" Nakataas ang kilay nito. "Let me tell you kasama ko lang naman siya kagabi at pinapaligaya." Patuloy nito na nakangiti na tela nagbunbunyi. "Ikaw ang asawa pero sa akin siya lumiligaya syempre ako yung mahal. Soon after sa 7months ako na ulit ang magiging Mrs. Monternel at ikaw babush!" patuloy nito at sabay hawak sa buhok nito na sinusuklay,- suklay.
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin busy ako at may niluluto pa ako sa loob. Kung gusto mong siyang hintayin pumasok ka sa loob at please pakisara narin sa pinto pagkapasok mo." Pakiusap ko dito at agad sana bumalik sa kusina ng magsalita ito.
"Inuutusan mo ba ako?!" Nakataas ang isang kilay nito.
"Nope! I'm just pleasing you! Hindi naman siguro big deal sa iyo diba?" I smirk din bumalik agad sa kusina hindi ko na inantay ang magiging sagot ng bruha. Di ko mawari baki't tela ba nasasaktan ako ngayon. Ito ang pangalawang beses na nararamdaman ko ito ngayon. Parang may isang kutsilyo na sumaksak dito sa kailaliman ng aking puso.
(FADZ POV)
"Hey beb why are you here?" Nagtataka tanong ko dito. Akala ko kase kanina habang tumatawag sya ay nasa condo lang pero heto nasa sala na nagkita na kaya sila ni Lovely? Tiyak na nagkita sila.
"Am i not welcome?" Nakataas kilay na tanong nito.
"Of course beb your welcome here! I was shock dahil ang akala ko ay nasa iyong condo ka nung tumawag ka kanina." Paliwanag ko dito. Tumayo ito at nilapitan ako sabay hagkan ako sa may labi.
"I thought hindi ako welcome kasi parang di ka masaya na nandito ako.." nagpout ito habang akoy yakap yakap. Paglingon ko sa gilid ay andoon na si Lovely kanina pa ba siya dyan?
"Kumain na tayo." paanyaya nito na nakangiti. Nauna na itong pumasok sa kusina at saka naman kumalas sa yakap si Sam.
"Beb, pwede sa labas na tayo kakain?" Pakiusap ni Sam.
"Ummm...s-sure. Wait me here." Sang-ayon ko dito. Pumasok ako sa kusina nakaupo na pala si Lovely at kami lang ang hinihintay.
"Ah lovely sa labas lang kami kakain ikaw na lang ang kumain sa niluluto mo" bilin ko sa kanya. Tumango lang ito.
(LOVELY POV)
Nag-iisa na naman ako ulit. Hanggang ngayon mapuot ang nasa kailaliman ng aking dibdib parang hindi ako makahinga sa sobrang sikip na aking puso. Pagkalabas ko kanina ay sya ko talagang nakita na hinalikan ni Sam si Fadz. Sinasadya ba iyon ni Sam dahil nakita nya akong palabas mula kusina kaya hinalikan nya si Fadz? At niyakap pa nya ito wala silang pakialam kahit andoon ako sa tagiliran nila kahit nakita na ako ni Fadz pero wala man lang siyang reaction? Okay lang nya total asawa lang ako sa papel sa kontrata, pero sana naman respetohin nya ako kahit papano. Nakatunganga lang ako sa mesa, nakahanda pa naman ang lahat ng mga niluto kong morning breakfast. Tatlong pinggan ngayon ang nasa ibabaw ng mesa pero ako lang pala ang kakain mag-isa. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot at walang kwenta na babae sa mundong ibabaw.