(AUTHOR'S POV)
Unang nakauwi si Lovely sa condo pagbukas ng pinto ay sya din pagdating ng kotse ni Fadz at pinarada ito sa garahe. Dali-daling pumanhik si Lovely sa silid nito at nagbihis pambahay gaya ng kagawiang kasuotan nya na lousy pants, tshirt at nakatali ang buhok. Pagkatapos ay lumabas sa kwarto agad siyang pumasok sa kusina upang magsaing ng pang-haponan. Samantala si Fadz ganoon rin pumanhik sa kwarto nito, at agad na nagshower.
Mga dalawang minuto lang ito sa shower pagkatapos magsabon sa buong katawan at magshampoo ay agad binanlawan ang sarili. Tinakpan ng tuwalya ang kalahating bahagi ng katawan sa ibaba at lumabas mula sa banyo. Naghanap ng masusuot sa wardrobe at ng makahanap ay nagbihis. Nakasuot ng plain tshirt black, black pants at black leather jacket samahan ng white sneakers shoes na mamahalin. Saka sinuklay ang buhok gamit ang kanang kamay tapos nagpapogi sa salamin sabayan pa nito ang pakindat kindat. Nilisan ang silid nito at dali-daling bumaba sa hagdan.
(LOVELY POV)
Nakahanda na ang lahat sa mesa at ng ako'y paakyat sa taas ay siya din pababa ni Fadz.
"Good evening Fadz nakahanda na ang haponan sa mesa kumain na tayo! " Nakangiti kong paanyaya dito. Aba bihis na bihis saan kaya lakad nito ngayon?
Hindi ito sumagot bagkus deretso lang siya sa kusina at naupo. Sumunod naman ako saka hinila ang silya. Wala ni isang nagsalita sa amin panay higop lang siya sa mainit na sabaw ng sinagang na hipon. Syempre favorite nya eh pinagpawisan pa ito at nagmamadaling kumain. Nang makatapos agad uminom ng isang basong tubig at pasabing lalabas kasama ang mga kaibigan.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ko dito.
"Sa bar." Pasimpleng sagot nito. Saka pinihit ang seradura bago paman makalabas ay may pahabol akong tanong.
"Anong oras ka pala uuwi?".
"Wag muna akong hintayin", aniya na nakatalikod habang hawak ang seradura at lumabas at sinara ang pinto. Bigla akong nalulungkot palagi na lang ako nag-iisa dito sa condo may asawa nga ako kaso panay labas naman. Wala sa sarili kong niligpit ang pinag-kainan namin at nilagay sa lababo at hinugasan. Napakaboring ng aking buhay ngayon. Gusto ko sanang libangin ang aking sarili kaya pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay nanunuod ako ng korean Love story.
Ang cute ni Jande at gwapo naman ang ibang cast lalo na si Jumpyo. Sana tulad ako ni Jande na may iibig na isang mayaman at gwapong Lee Min Ho. Kaso sa movie lang nangyayari ang mga ganitong kuwento na mala fairy tale. Hindi tulad ko naka arrange marriage sa isang cold hearted na tulad ni Fadz. Pero pagdating lang sa akin na cold siya pero pagdating kay Sam ang hot niyang magmahal siguro?
Wala na akong ibang pamilya na masasandalan. Mabuti pa si Jandi buo ang pamilya. Masarap siguro sa pakiramdam na magkaroon ng isang buo at masayang pamilya? Bigla tuloy akong napahula habang pinapanood si Jande na masaya silang sabay kumakain sa hapag. Mahirap pala pag wala kang buong pamilya at nag-iisa ka. May asawa ka sanang maging kaagapay mo sa tuwing nalulungkot ka kaso wala namang pakialam sa iyo. At ang masaklap hindi rin kayo magtatagal na magsama. Mas lalo pa tuloy akong naging emotional. Huhuhu ang pait ng aking kapalaran sa buhay.
(FADZ POV)
I lied her. I lied lovely. Yung totoo kay Sam talaga ako pupunta at hindi kina Lupe at Traenhz. So, andito na ako ngayon sa sarili nitong condo nagtext kasi si Sam na namimiss nya raw ako ganoon din naman ako sobra ko siyang namiss.
Kaya kanina dali-dali akong naligo at nagbihis hindi sana ako dun maghahaponan balak ko dito. Kaso amoy palang ng ulam bigla ako nagutom. Kahit mainit ay dali ko inihipan at nilasap ang sabaw ng paborito kong sinigang na hipon.
Alam na alam talaga ni Lovely ang mga paborito ko sa tagal pa naman namasukan ito sa amin tiyak na alam niya lahat ng gusto at kinahihiligan ko. Pawisan akong hinigop ang mainit na sabaw. Ang sarap talaga nyang magluto syempre di na nya alam at 'di ko narin sinabi ang masarap. Magegets na nya siguro base sa mga galawan ko.
Pagpindot pa lang ng doorbell ay agad niya akong pinagbuksan at dinamba ng isang mainit na halik na kinabigla ko naman kaya gumanti na rin. Naghahalikan parin hanggang makapasok sa loob at sinara ang pinto gamit ang kaliwa kong kamay. Habang papasok ay mabilisan namin hinubad ang bawat saplot sa katawan at agad pinagsalohan ang mainit na tagpo sa couch nito mismo. Pawis na pawis kami pareho at hubad parin.
Binuhat ko si Sam papuntang kwarto nya at ginawa ang pangalawang round. Tanging ungol lang namin ang maririnig sa bawat sulok ng silid. Hindi ko pinasok ang katas sa loob dahil ayaw ko siyang mabuntis habang nag-aaral pa mananagot din ako ni mommy pag ganun. Saka na pag matapos na ang pitong buwang kontrata namin ni Lovely.
"Beb, pagkatapos ba ng 7 months magpapakasal tayo?" Tanong ni sam sa seryosong tono.
"Yes beb." Sagot ko kanya habang unan niya mga braso ko. Hubad parin kami pareho sa ilalim ng makapal na comporter yakap na yakap ko si sam.
"Promise beb?" Nagpout ito habang nakatitig sa akin. Tumango lamang ako bilang sagot at agad na hinalikan nya ang tungki ng aking ilong.
"I love you beb". Ani ni Sam.
"I love you more beb" bilang sagot ko dito at niyakap siya ng mahigpit.
(AUTHOR'S POV)
Hindi namalayan ni Fadz nakatulog na pala silang dalawa ni Sam na pawang hubot hubad pa sa ilalim ng comforter na yakap ang isat-isa. Gayumpaman si Lovely na tanging nag-iisa lang sa condo ay hindi makatulog nag-alala kasi sya kay Fadz paano kong lasing na lasing ito? at paano ito makapag maneho ng maayos? Wala siyang kaalam-alam na ang kanyang asawa ay nagpapawis sa ibang kandungan at ngayon ay himbing na himbing ang pagkakatulog at yakap na yakap pa ang isa't-isa.