Chapter 4

1163 Words
Dumilim ang paningin ko at hindi ko na napigilan ang aking sarili. Lalo pang naginit ang dugo ko ng makita kong hinawakan ni Crystal ang kamay ng lalaking iyon. Bigla bigla ko sinugod ang lalaki. Binuhat ito, sinuntok sa mukha at binalibag ang katawan niya hanggang sa kabilang pader ng hallway. Hahabulin ko pa sana siya ng suntok ng bigla kong narinig ang malakas na sigaw ni Crystal. "LUCAS TAMA NA!!!!" I suddenly stop when i hear her voice meron lang akong feeling na kailangan kong sumunod, she holds authority in her voice and everyone will obey her without doubt, nandun ang fact na mate ko siya at marinig lang ang boses niya ay kumakalma na ako. Bumalik na ang aking consciousness, bumalik na rin sa dati ang itsura ko. Mabuti nalang at wala masyadong tao sa lugar na iyon kaya wala ring nakakita ng pagbabagong naganap sa mukha ko. Nakita kong tinutulungan na ni Crystal yung lalaking hinagis ko kanina. Nakakabwiset lang dahil masyado siyang concern dun, sino ba un boyfriend niya? woah woah! easy bakit ganito yung nararamdaman ko masyado akong naapektuhan ano bang problema ko? Pero nakakainis lang. Bakit mas parang mukha pang mate niya yung lalaki na yun kaysa sa akin. Abat sa kanya agad pumunta. Di man lang tumingin sa akin!! "Gusto mo bang malaman kung anong nararamdaman mo? Nagseselos ka! Kahit anong tanggi ang gawin mo at kahit anong pag-iisip ang gawin mo na ireject ang mate, wala kang magagawa. Nakatadhana kayo at ikaw ay para sa kanya. Kung ipagpapatuloy mo lang ang katigasan ng ulo mo, walang mangyayaring maganda at sa huli ikaw lang ang mahihirapan" Kung nagtataka kayo kung sino ang nagsasalita, yun ang wolf ko. Bawat werewolf sa mundong ito ay may sariling wolf na pwede naming makausap at nababasa naming ang iniisip ng isat isa. Ang pangalan ng aking wolf ay Zeus. Kung ano ano ang sinasabe ng wolf ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang mga pinagsasabe ni Zeus dahil hindi pamilyar sa akin ang salitang selos. Bakit naman ako magseselos kung wala naman akong gusto sa kanya. Naiirita lang ako dahil kahit alam niyang mate niya ako ay nakukuha niya paring ibigay ang atensyon niya sa ibang lalaki. "ano bang problema mo ha" sabi sakin ni crystal, at mukhang galit sya, galit na galit. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at naisip ko pang ang ganda niya tignan ngayon lalo nat nag aapoy ang kanya mga mata. Sige tumingin ka lang sa akin. Dapat ganyan lang, huwag na sa iba, sa akin lang. "bakit kailangan mo pang ibato ung kaibigan ko at bakit kailangan mo siyang suntukin ng ganun, inaano ka ba nya may ginawa ba syang masama sayo para magalit ka. Nakalimutan mo bang nasa school ka ngayon? Kung galit ka sabihin mo kung anong problema mo hindi yung basta basta mo nalang sasaktan ang kaibigan ko kahit wala naman siyang ginagawang masama sa iyo" "ang ganda ng mate natin kapag galit ang sexy nya'" Ginawa ko yun dahil ang sakit niyong tignan sa mata. Isa pa nakaharang kayo sa dadaanan. Tignan mo nga ang sarili mo, unang araw mo palang dito pero lumalandi ka na sa kung sino sino. Nagsisi agad ako ng sinabi ko ang mga salitang iyon sa kanya. alam kong masama at masakit ang mga sinabi ko dahil nakita ko sa mga mata niya ang mga emosyong 'sadness and hurt'. Gusto ko man bawiin ang mga salitang sinabi ko ay hindi ko na magagawa iyon. Masyado siyang nasaktan at nararamdaman ko iyon. Kahit ano pa ang dahilan mo ay wala kang karapatang gawin iyon! At para sabihin ko sayo hindi ako malandi. Kaibigan ko siya at walang masama kung sasama ako sa kanya. "isa kang malaking engot! may palandi landi ka pang nalalaman dyan, tignan mo nga yung ginawa mo sabihin mo kasi nagseselos ka, kawawa naman ang mate natin. Isa kang malaking DUWAG!!!!" "hindi ako duwag sinasabi ko lang ung totoo bakit sya lumalandi ng ibang lalaki kung alam niyang meron siyang mate!!" “sino baa ng nagsabing wala siyang pakialam sa mate niya? Hindi bat ikaw yun? Ang sabi mo ayaw mo siyang tanggapin dahil ayaw mong matali sa isang babae. Pero sa pinapakita mo ngayon, pinapatunayan mo lang na isa kang duwag na takot lang sa salitang pagmamahal! kahit ano pang sabihin mo sa akin Zues ay wala na akong pakialam! dahil buo na ang desisyon ko. Isa pa mukhang mas gusto naman niyang sumama doon sa kaibigan niya na iyon eh. tumahimik na ang wolf ko at nararamdaman kong disappointed sya. Alam niya kung ano ang susunod kong gagawin at ngayon palang ay nararamdaman ko na unti unti na siyang nagagalit sa akin. Alam na ni zeus kung ano ang gusto kong mangyari kaya naman hindi na siya nagsalita pa. pinaramdam niya sa akin ang lungkot at disappointment na nararamdaman niya ngayon. Hindi man niya sabihin ay alam ko kung anong tumatakbo sa isip ni zeus ngayon. Nararamdaman ko ang nais niya na mapalapit kaming dalawa sa mate naming. Naririnig ko ang mahinang pag-iyak ng wolf ko sa isip ko. Nasasaktan ako dahil sa nararamdaman ng wolf ko pero wala na akong pakialam, ayokong maging parte ng buhay ko ang babaeng ito. Alam ko na sa oras na tanggapin ko siya ay hindi magiging katulad ng dati ang buhay ko. Hindi pa ako handa sa mga pagbabagong iyon. Tinignan ko ang mate ko at nakita ko ang matinding galit pati na rin ang mumunting takot sa kanyang mga nag-iinit at magagandang mata. Hindi na ako nagdalawang isip pa at sinabi ko na ang gusto kong sabihin "I, Lucas Miller, Rejects you as my mate, as my luna and my partner" The moment that I said those words, I felt a sting in my heart. Para bang may nawalang laman sa loob ko. Nakaramdam ako ng matinding lungkot. Nararamdaman ko rin ang nararamdaman niya dahil hindi pa niya ina-accept ang rejection ko. Tinignan ko siya. Tumahimik ang buong paligid at para bang kaming dalawa lang ang nandito. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya at kung panong kumikislap ang mga ito na tila ba nagbadyang pumatak ang mga luha. Naramdaman ko ang galit ng wolf ko. Hindi ko lang nireject ang mate, nireject ko rin ang mate na matagal na niyang hinahanap. Pero wala na akong magagawa. Hindi ko na mababalik pa ang mga sinabe ko. Ang koneksyon naming dalawa ngayon ay tila ba isang manipis na sinulid na unti unti nang napuputol. Alam kong masakit yun para sa mate ko pero ayoko pa. ayoko pang matali sa kanya. Alam kong hindi magiging maganda ang consequences pero ayoko pa. Akala ko doon na matatapos ang lahat. Akala ko ay aalis na lang ako kasama ang mga kaibigan ko palayo dito at akala ko rin ay aalis nalang siya na para bang walang nangyari. Pero di ko akalain na pati rin ako ay makakaramdam ng matinding sakit sa araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD