Chapter 19

866 Words
Lucas POV Hindi ko alam kung anong sasabihin ko nung mga pagkakataon na yon. Alam ko naghihintay siya ng kasagutan mula sa akin. Naghihintay ng explanasyon. Pero hindi ko alam kung bakit ganun. Na blanko ako tapos walang pumapasok sa isip ko. Walang lumalabas na salita sa bibig ko. Andami kong gustong sabihin pero hindi ko magawa. Sundan natin siya Wag mo siyang hayaang umalis ng ganun ganun nalang. Umiiyak ang wolf niya ramdam ko yun. Tumayo ka na ngayon!!! Naririnig ko ang wolf ko. Ang pag pilit niya sa akin. Tama siya kailangan ko na siya habulin. Kung papahabain ko pa ang distansya sa pagitan namin, baka habang buhay ko nang pagsisihan na hindi ako gumawa ng aksyon para makuha siya pabalik sa puso ko. Tumakbo ako. Hinabol ko siya. May masama akong kutob. Bakit ganun? Kanina pa ako tumatakbo pero hindi ko pa rin siya nakikita. Kahit man lang ang scent niya di ko na maamoy. Imposible naman na naka-uwi na siya agad. Kung ganun man, dapat maamoy ko pa rin kung sang direksyon siya nagpunta. Tinanggap man niya ang rejection ko, isa pa rin akong wolf. Maamoy ko pa rin siya. May hindi tama. Tumingin ako sa direksiyon ng gubat. Nakakaramdam ako ng masamang pangitain. Pumasok ako sa gubat. Kahit na pag-aari ito ng paaralan, open pa rin ito kaya pwedeng makapunta dito ang kahit sinong wolf Kahit sino Kahit ano ROUGE! Bumilis ang t***k ng puso ko. Mabilis akong tumakbo papasok sa gubat. Tama nga ang hinala ko. Naamoy ko sila At hindi lang sila isa. Sigurado akong kinuha nila si Crystal! Sa nakakarinig sa wolf ko, kailangan ko kayong magpadala ng back up ngayon sa may gubat. May naamoy ako mga rouge. Sigurado akong nasa paligid lang sila. Maggrupo grupo kayo pagkatapos ay hanapin niyo sila sa gubat. Masusunod alpha! Nagpatulong na akong maghanap kay Crystal. Kung nasaan man sya mahahanap ko siya. Hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanya. ..................... Ng minulat ko ang mga mata ko, nasilaw ako sa isang ilaw. "Mukhang gising ka na" Nagulat ako sa tunog na iyon. Nasaan ako? Bakit hindi ako makagalaw? "Wag ka ng magpumiglas. Nakatali ka ngayon gamit ang lubid na binalutan ng wolfsbane." Wolfsbane!!! Kaya pala pakiramdam ko, unti unti akong nanghihina. Nararamdaman ko din ang hapdi na para bang napapaso at nasusunog na balat. Iyon na nga ang nangyayare sa mga kamay ko ngayon. Pilit kong inaalala kung anong nangyare. Nang iniwan ko si Lucas, tumakbo ako kaagad papunta sa entrance ng school. Nagulat nalang ako nang mapadaan ako sa tapat ng gubat ay bigla nalang may sumugod saken. Biglaan kaya hindi ako nakapaghanda. Nawalan ako ng malay at ito na nga ang nangyari pagkagising ko Na kidnap ba ako? Tanga tanga ko naman!! Sino ba namang wolf ang nakikidnap?! Nayare na!!!! Ano bayan!! Siguro nag aalala na sila papa at mama saken. Dapat kanina pa ako naka-uwi. Pilit akong nagpupumiglas, nang marinig ko ang tawa ng lalaki. "Pakawalan Mo ko!!" "Bakit pa kita itatali kung papakawalan lang din naman kita? Ano bang tingin mo sa akin bobo? " Crystal!! Sapphire! Okay ka lang ba? Wala bang epekto sayo ang wolfsbane? Okay lang ako. Ang sarili mo dapat ang intindihin mo. Ang lalaking yan ay isang rouge. At sigurado akong kasama siya nung rouge na unang umatake sa atin! Pano mo naman nasabi? Yung amoy! Kahit na sabihin na mababaho at amoy dugo ang mga rouges. Tandaan mo na meron rin silang mga grupo. Dahil doon nagkakaroon sila ng mas ibang amoy kesa sa ibang rouges. Nung inatake niya tayo kanina. Akala ko, siya yung lalaking umatake sa atin nakaraan. Nalala ko na patay na yun at nakita ko kanina na iba pala siya. Napagtanto ko na baka magkasama sila sa isang grupo Baka kaya niya ako kinidnap! Para maghiganti! Kung alam ko lang na mangyayare ito, dapat di ko nalang pinatay yung rouge nakaraan. Dapat tumakbo nalang ako palayo. "Hoy! Babae, kung kinakausap mo ang wolf mo ngayon at nagplaplano kung paano makaka alis dito, pwes tumigil ka na. Dahil sinasayang mo lang ang oras mo. Mamaya lang magiging isa ka na sa mga wolf na pag e-eksperementuhan namen. At kung makatakas ka man, tignan lang natin kung hindi mga kalahi mo rin mismo ang pumatay sa iyo. HAHAHAHAHAHA!" Sabi ng lalaki habang naglalakad palabas "ANONG IBIG MONG SABIHIN!! PAKAWALAN MO AKO DITO!!!!" Kailangan kong makatakas dito, bago pa nila ako pag-eksperementuhan. Ano man ang binabalak nilang gawin sa akin at sa wolf ko, nararamdaman kong hindi yun maganda. Mama! Papa! Tulungan niyo ko!!! Hindi ko sila matawag. Masyado tayong nanghihina dahil sa wolfsbane. Pasensyan na Crystal at hindi kita matulungan. Wag ka nang umiyak. Sa ngayon, kailangan na nating makahanap ng paraan kung paano makakatakas dito. Hindi ako papayag na maging isa tayo sa mga eksperemento nila. Sinasabi ko ang mga salitang iyon ngayon. Pero sa puso ko, natatakot ako. Anong mangyayare samin? Anong klaseng eksperemento iyon? Bakit kailangan pang mangyare ang bagay na ito? Tulong! LUCAS!!! ........................ Napahinto ako sa pagtakbo. May narinig akong tumawag sa akin. Sigurado ako. Crystal! Nararamdaman kong malapit lang siya. Maghintay ka lang Crystal. Hahanapin kita. Sana ligtas ka! CRYSTAL!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD