************
Sabi nila madali lang mag move on.
Di pala
Mali palang sabihan sila na makakalimutan mo rin yan
That's a lie.
Di mo sya makakalimutan..
Makakaya mo pero babalik din lahat sa umpisa once na makausap, makita at mahawakan mo sya.
Im back to zero again.
Lahat ng masasakit na pangyayare bumalik ng isang iglap dahil lang sa boses nya.
His voice..
I feel like it's telling me to come back to him
No Cloude tapos na kayo tinapos na nya.
He's happy now..
I should too... But I can't be happy..
I just can't...
Patuloy ako sa pag iyak hanggang di ko na namalayan ang oras.
Late na pala ako sa klase ko.
Di na rin ako papasok ngayon.
Feeling ko pagod na pagod ako.
Tinurnoff ko yung phone ko para di na ito mag ring.
Paano nya nakuha number ko.
Wait don't tell me si Mom nagbigay nun?
Inabala ko lang ang sarili ko manuod ng TV,
Sad to say..
Puro ka jejean nakikita ko... Lahat love story at nakakairita sya sa mata.
Ugh kairita!
Magnenetflix na lang ako atleast dun may choice ako ng panonoodin.
So kahit takot ay nanuod na lang ako ng nakakatakot mga thriller at suspence.
Ang napili ko ay "Strangers prey at night!"
Napunta ang attention ko sa pinapanood ko at puro sigaw tili ko ang nambulabog sa mga kapit bahay.
"tanga tumakbo ka! Bubo naman ohhh!"
"shittt sa likod mo!"
"barilin mo!"
"hoyyyyy shittt!"
"pag ako nakapasok sa tv mapaoatay ko agad yan shitt nanggigigil ako!"
Mga sigaw ko.. Nakakainis lang kase bakit ganun noh? Obvious naman na nasa likod nila di pa lumingon nakakairita!
Tanghali na ng matapos ako manuod.
Pumunta ako ng kusina para tignan kung ano ang pwede makain.
Pagkabukas ko ng ref. Nakakita naman ako ng karne ng baboy.
Hmmmm mag adobo kaya ako?
Pero di ako maalam mag luto nun.
Youtube!!!
Pwede! Kinuha ko yung phone ko at bubuksan ko sana ng maalala kong baka tumawag si Gabi.
Hmmmm isip Cloude.
Aha! Pumunta ako ng sala at nakita ko yung smart tv... Di naman sya naka attach sa pader so binuhat ko sya papuntang kusina.
Mukha akong kargador sa itsura ko hahahaha
Inayos ko ang tv sa may lamesa at tinapat ko sa may stove para makikita ko agad ang steps.
Syempre im rich kaya dito ko naisipang mag YouTube.
"steps on how to cook pork adobo!"type ko dun sa search bar.
Ang nakakainis lang mahirap magtype sa Tv gamit ang remote nito.
Yeyy mabilis ang wifi.
So ayun nilabas ko lahat ng kailangan.
Gwapo lang ng boses ng nagsasalita eh.
Kaya ginanahan ako mag luto hahaha.
"hmmm bango" natuwa ako kase ang bango ng luto ko..
Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng biglang may nagsalita sa may pinto.
"heyy! Ano yan!" sabi ni Night na kinagulat ko
Napahawak ako bigla sa dibdib ko.
Shitt my harttt huhuhu.
"puta! bat kaba nanggugulat!" inis na sabi ko dito.
Lumapit naman ito sa akin at nagtatakang tinignan ang set up ng kusina
"really? Nagluluto ka? At ano toh? Bat andito ang tv?" tanong habang tinuturo pa ang tv.
Di ba nya gets..
Hininaan ko muna ang sindi ng apoy.
Humarap naman ako sa kanya.
Mukha syang stress kase gulo na naman buhok nya.
"di paba obvious gamit ko sa panuod ng steps ng adobo noh!"
Natawa naman ito. "sira bat di phone mo gamitin mo!"
"di nga pwede ang liit ng screen nun ang panget pag maliit di ko feel" sabi ko sa kanya.
Kita ko naman ang pag laki ng mata nya sa sinabi ko.
Ano ba sinabi ko?
Hala umandar na naman pagkamalibog nito!
"hoyyy yan mata mo! Alam ko tumatakbo sa madumi at berde mong utak!" napakamot ito ng ulo sa mga sinabi ko.
Binaba nya yung bag nya sa may bangko.
"wala kanang klase?" pagiiba ko ng topic baka kase di pa sya nakakamoveon sa sinabi ko.
"hmmm oo tsaka umabsent ako nagtxt sakin yung kapit bahay natin sabi nagsisigaw karaw... Ayun akala ko kung ano na nangyare sayo.. Nag dali dali ako pumunta rito heheheh"
Di ko alam kung ano irereact ko sa mga sinabi nya.
"hahahaha nanuod kase ako ng movie kanina ehh saktong nakakatakot napili ko kaya ayun sigaw ako ng sigaw."
Tumango lang ito at lumapit sa rice cooker.
Binuksan nya yun.
"wait kailan mo pa nilagay yung bigas dito cloude?" nagtaka naman ako.
Kaya lumapit ako sa kanya at nakitingin din sa bigas.
Magkasabay yan ng pagluto ko ng adobo so dapat luto na rin yan..
"kanina pa kasabay nitong pagluto ko ng adobo"
Yumuko naman ito at parang may sinilip sa babang parte ng rice cooker.
Napahilamos sya ng mukha.
"shittt! Maalam kaba gumamit nito?" tanong nya sakin.
Proud akong tumango at nagsalita.
"Oo noh nakita ko nilalagay lang ni manang yung kaldero dyan tapos maya maya bubuksan na yun luto na yung kanin"sabi ko.
Umiling naman sya.
" di lang yun nilalagay Cloude binababa din itong switch na ito para maluto yung bigas ha! Yan kase di tumutulong sa kusina sa kanila" pag exlpain at laninisi nya sakin.
Di ako nakaimik..
Kailangan ba talaga ibaba yun?
"oh my! Talaga?! Pero si Manang pag pinapanuod ko sya nilakagay lang nya ehh"
Inayos nya yung rice cooker.
"oo pero kailangan mong ibaba yung switch.. Hayss paano ka mabubuhay ng magisa nyan"
pinatay ko na yung kalan at naupo sa bangko.
"eh di ko alam ehh tsaka bat ka nagagalit ehh di naman para sayo yang niluto ko!" sabi ko dito.
Tumingin naman ito ng masama sa akin.
"oh edi para kanino? Tayo lang naman dalawa dito, don't tell me may pinapapunta kang lalaki dito bukod sa akin? Isusumbong kita kay Tita" nanlaki naman mata ko sa sinabi nya..
Ako magdadala ng lalaki.
Kapal ng mukha nito.
"hoyy di ako mag dadala ng lalaki noh? Tsaka baka sila pa mag unahan makatikim lang ng luto ko." mataas ngayon ang bilib ko sa sarili ko kase alam kong masarap ang luto ko.
Natawa naman ito.
Cute nya.
"oo na ikaw na masarap mag luto... Wait lang nayin maluto yung kanin tapos kain na tayo..."sabi nya
Tumango na lang ako.
Sya na nagbuhat ng tv pabalik ng Sala at nakita ko yung pag flex ng muscles nya..
Bigla akong napalunok.
He's hot busett.
Pagkatapos nya ayusin ang ginulo ko kanina ay umupo kami sa sofa.
" bat di ka pala pumasok? " pag tanong nya sakin.
Sasabihin ko ba? Wag na lang baka ikwento pa nya sa iba.
"wala bigla lang ako dinalaw ng pagkatamad HAHAHAHA" pilit na tawa ko dito.
Ngumiti din sya.. Yess nauto ko sya.
"hmmmm ay nga pala nakausap ko yung isa sa mga classmate mo.. Tinanong ako bakit di ka pumasok.." napatingin naman ako sa kanya.
"oh ano daw sabi? Tsaka sinong kaklase?" tanong ko sa kanya.
"si Sam" sabi niya.
"huh paki naman nun sakin?" naiiritang sabi ko sa kanya.
Basta madinig ko lang miski pangalan ng babaeng yun umiinit kaagad ang ulo ko.
"sabi nya kailngan mo na daw magpasa ng requirements para sa ojt nyo sa ******* provincial hospital" sabi niya.
"hala oo nga pala nakalimutan ko..." tumayo ako at kinuha ang phone ko sa kusina.
I open it.
Tumadtad ang messages ni Night sakin.
"asan ka!"
"bat di kita makontak!"
"cloude tangina! Okay ka lang ba?"
Napatingin naman ako sa lalaking ito.
Nakatutok lang ito sa pagnunuod ng tv.
Binalewala ko na lang yun at dinial ang number ni Marco.
Sya kase nagasikaso ng requirements ko.
Ayun sinagot din nya yun tawag.
"hello po Ms. Cloude?"
"ummm Marco" sabi ko dito.
Lumingon naman sa akin ang tingin ni Night..
Sumama ang tingin nya sakin.
Kilala nyo ako kaya sinamaan ko rin ng tingin.
Kung nakakamamatay lang tingin namin dalawa parehas na kami pinaglalamayan ngayon.
"may kailangan po ba kayo?" nakakainis lang dito apaka galang nya sakin eh matanda sya sakin ng isang taon.
Di ko kinaya ang tinginan namin.
Kaya ako na yung unang bumitaw ng tingin.
"umm tungkol dun sa requirements ko pala ummm kailangan na sya maisubmit" sabi ko dito.
Umayos naman ako ng upo kase nanghihina ako sa masamang tingin ng loko.
"ahhhh cge po Ms. Cloude ipapadala ko na po dyan agad agad."
Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig ko.
Pag di kase nadala ni Marco ako ang pupunta dun para kunin yun.
At malaki ang tyansang magkita kami ni Gabi.
"sige thankyou Marco muahh"napa kiss ako sa phone dahil sa tuwa.
" F*ck! " galit na tumayo yun isa at padabog na pumunta ng kusina.
" CLOUDE KAIN NA TAYO PURO LANDI KASE! "sigaw niya
" oo papunta na dyan" tumayo na ako.
Lalakad na sana ako ng nag vibrate ulet phone ko.
Binuksan ko yun at nabasa ko ang isang message ni Gabi.
From:09*******2
Ulap. Kamusta kana? Please kausapin mo ako. I want us to have a closure na maayos bago kami ikasal ni Quinzel pls.
Ayaw ko mawala best friend ko.
Nabitawan ko yung cp sa nabasa ko.
Ikakasal na sila.
"hey okay ka la-" di nya natapos yung sasabihin nya ng yakapin ko sya ng mahigpit.
"isang yakap lang Night please.. Iiyak lang ako saglit" iyak ko sa dibdib nya.
Niyakap din nya ako pabalik..
"sige iyak mo lang yan" sbai nya habang hihimas ang ulo ko.
"ikakasal na sila Night" sabi ko sa pagitan ng pagiyak ko.
"a-akala ko kaya ko na.. A-akala ko nakalimutan ko na sya pero hindi pala"
Ilang minuto din akong umiyak sa dibdib nya.
Nang okay na ako ay kumain na kaming dalawa.
Pagkatapos kumain ay umaykyat na ako sa kwarto. Gusto ko magpahinga..
Okay na ako kanina ehh
Kakainis lang...
***********
Ginising ako ng 5 pm ni Night.
Di nya ako kinulet kase ramdam nyang wala ako sa mood makipag asaran.
Kumain lang kami.
Di parin ako nagsasalita ganun din sya.
Nasa kwarto na kami at sya ay busy sa pag gawa ng project nya habang ako ito tulala na naman.
Biglang nag ring phone ko at nakita kong si mom ang tumatawag.
Lumapit din si Night sa akin at sinabing i loud speaker ko.
Chismoso din ito eh.
"hello mom" kunyareng masiglang bati ko dito.
Ayaw ko mag alala na naman sya sakin.
"hello baby? Sorry may kasalanan si Mommy sayo" bungad nya sakin.
"ano yun mom?" tanong ko kay mom.
"ako nagbigay ng number mo kay Knight. I know mali ko yun pero I think it's time na din na magkausap kayo... Ikakasal na din sila ni Quinzel this coming Saturday" sabi nya sakin.
"i know mom nag text sya sakin.. It's okay mom don't be sorry alam kong ginawa mo yun dahil concern ka sakin."
"oh really okay ka lang ba?" concern na tanong skain ni mom.
"okay lang po siya Tita.. Im always here for him eh" biglang sabat ni Night sa usapan namin.
Nakarinig naman ako ng tili ni mommy.
"wait oh my! Andyan ka sa bahay ni Sky Night?" tanong ni Mommy kay Night.
"opo tita actually nakiusap pa nga si sky na wag ko syang iwanan eh alam nyo naman mamimiss nya yung gwapo kong mukha" biro nito na tinawanan din ni mom.
Hinampas ko naman ito.
"apaka kapal ng mukha mo Night. Mom wag kayo maniwala.. Sya panga nag pumilit ehh sabi pa nya sakin.. You promised me na di mo ko iiwan pero aalis ka naman" ginaya ko pa talaga kung paano nya sinabi sakin yun.
Kita ko yung pag pula ng mukha ni Night at pag iwas ng tingin sa akin.
"ang cute nyong dalawa pakinggan.. Ummm Sky you must attend their wedding this Saturday" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mom.
"WHATT!! NO MOM! PAPATAYIN NYO BA AKO SA SAKIT?" sigaw ko ka Mom.
Hinawakan naman ni Night ang kamay ko para pakalmahin ako.
I f*cking hate that idea.
Baka masira ko lang kasal nila at mag makaawa.
"no you must be there tsaka it's a part of letting go para sayo... Isang magandang Closure na yun sa side mo Sky... I know masakit pero kailangan mong makita yun"
"but" tatanggi sana ako kaso sinapawan naman ako ni Mom.
"No that's final! Pag di ka sumipot dito i papa freeze ko yung card mo" banta ni mom
I just let a big heavy sigh.
"okay mom i will be th-"
"we will be there Tita.. Don't worry sasamahan kita Cloude" sincere n sabi nya sakin.
Tumango lang ako sa kanya.
Binaba naman ni Mom ang call.
Humiga na kami.
Nakatalikod ako sa kanya.
Di ko na naman napigilan lahat ng luha ko.
Iyak lang ako ng iyak.
Pero suddenly I felt his warmth hug.
And his gentle kisses on my nape.
"magiging okay din ang lahat... After nun magagawa mo nang palayain ang sarili mo... Di kita iiwan promise ko yan sayo"
Humarap ako sa kanya at yumakap.
"thankyou" sabi ko sa kanya.
He gently hold my chin at dahan dahan inangat hanggang mag pantay ang paningin namin.
I saw his eyes.
Para akong na hypnotised hanggang sa naramdaman ko na lang ang mainit nyang labi sa naka lapat sa labi ko.
Di ko alam kung paano bakit ako tumungon sa halik nya.
That kiss lasted for 2 mins.
Siniksik lang nya mukha ko sa leeg nya.
Hanggang sa maka tulog ako.
×××× to be continued ××××