Busy kami sa pagkain.
Sobrang gaan ng atmosphere dito sa lamesa.
Puro tawa, kwentuhan at asaran ang maririnig.
"talaga ginawa ni Sky yun?" tawang tawa si mom sa pagkekwento ni Night about dun sa pag buhat ko ng tv para lang makapag luto ng adobo.
Ako naman ay halos mamatay sa hiya.
Eh masisisi ba ako ni Mom eh ni ayaw nga nya ako papasukin ng kusina dati.
"opo tita hahaha nakakatuwa nga eh" sabi ni Night habang kumakain.
Di ba ito tinuruan ng don't talk when your mouth is full?
"pero im so proud of you my sky.. Your so witty" sabi ni mom na nagpangiti sa akin.
Syempre noh ikaw bang sabihan ng ganun ng mommy mo di ka matutuwa?
Tumingin naman ako kay Night na nakangisi sa akin parang may masamang sasabihin pa.
"meron pa tita alam nyo ba nag saing din sya gamit ang rice cooker. Alam nyo bang natapos na syang magluto ng adobo ay di pa rin luto yung kanin hahaha" sinamaan ko ng tingin si Night kase lahat na lang ng kapalpakan ko at kahihiyan ay kinekwento.
At nakisama din sa pagtawa si Manang.
Gusto ko nang maglaho ngayon pero kailangan kong ipaglaban na di ko kasalanan yun.
"eh kasi kasalanan ni Manang yun! Di nya sinabi sakin na kailangan palang ibaba yung switch" paninisi ko kay manang.
"talagang nanisi ka pa" biro pa ni Night.
Hayss di naman kami nagiinom pero bakit ako ang pulutan ngayon.
Umirap na lang ako sa kanya at pinagpatuloy ang pag kain.
Nag vibrate ang phone ko kaya tinignan ko ito.
As expected nag text si Gabi o tamang tawagin kong Knight.
From:09*********
Ulap pwede kaba makausap?
Pagakabasa ko ng text nya ay biglang nawala ang masayang vibes sa katawan ko.
Ready na ba ako?
Kaya ko na ba?
Tatangihan ko ba?
Pag di ko sya kinausap di ako makakapag move forward sa buhay ko.
Nagpakawala ako ng isang buntong hininga.
Tumayo ako at silang lahat naman ay natigil sa pagkekwentuhan at napatingin sa akin.
"oh sky ayaw mo na?" tanong ni mom.
Tumango lang ako dito at umalis.
Umakyat ako sa room ko.
Kinuha ko ang phone ko.
To :09*********
Okay let's meet at the three house.
Kinuha ko ang mga gamit na binigay sa akin ni Knight. Lahat ng nagpapaalala sa kanya sakin ay dinala ko.
Ng matapos ako sa paglagay sa box ay pumasok si Night sa kwarto.
Tumingin naman sya sa akin na tinatapepan ang box.
"let me guess kaya nag bago ang mood mo kase nag text yung ex mo noh?" tanong nya.
Tumango na lang ako at tumayo bubuhatin ko sana ang kahon ay inunahan na nya ako.
"ako na magbubuhat.. sigurado ka bang kaya mo? Gusto mo samahan kita?" nagaalalang tanong nya sakin.
"NO! kaya ko" pagtanggi ko sa kanya.
Ayaw ko ng makaabala pa sa kanya.
Malakas ako. Im a Montes at yakang yaka ko ito.
"sige pero ihahatid kita" sabi nya "diba naiwan mo so Ferra?" pag explain nya sakin.
Napa cross arm ako sa sinabi nya.
"Minamaliit mo ba ang pamilya ko? Hey! Im a Montes di pwede isang sasakyan lang ang meron ako noh" sabi ko sabay irap sa kanya.
Tumawa naman ito at ginulo ang buhok ko.
********************
Andito ako ngayon sa tree house namin kung saan nagsimula ang pagiibigan namin ay mali pala ang pagibig ko kay Knight.
It's 8:08 in the evening.
Di ako mapakali.
Im so nervous.
Ganun pa din ang tree house.
Pero halatang di na nalilinisan.
"Ulap"si Knight.
Lumingon ako at nakita ko sya.
Gustong gusto ko syang lapitan at yakapin pero di na pwede.
There's a huge wall now na di ko na pwedeng tawidin.
" Knight"bati ko sa kanya.
Nagaalangan syang lumapit sa akin.
Dahan dahan.
Bawat habang nya papalapit ay katubas ng mga hakbang na gusto kong gawin papalayo sa kanya.
Ng makalapit sya sakin ay niyakap nya ako ng sobrang higpit.
" Im so sorry... Maling mali ako.. Sana mapatawad mo ako..." di ko alam kung mapapatawad ko pa sya.
Sobrang sakit ng ginawa nya sakin eh.
Kumalas ako sa yakap nya at tinignan sya.
Puno ng lungkot ang mukha nya.
"Alam mo gustong gusto ko kayong ipapatay dalawa.. Kaso di ko magawa.. Pareho kayong mahalaga sa akin eh..
Ikaw at si Quinzel.."sinubukan kong di maiyak pero wala eh mahina talaga ako pagdating sa kanya.
" may gusto akong malaman.. Sana sabihin mo sakin yung totoo Knight"
Hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit.
"Minahal mo ba ako?" tanong ko sa kanya.
"Oo sinubukan kong mahalin ka pero di ko magawa.. Masyado akong malungkot nun. I was devastated sa pag alis ni Quinzel.. I-ikaw lang ang nakita kong pwede makatulong sa akin" nakayuko na sya at di makatingin sa akin.
Naginit ang ulo ko sa sinabi nya. Tinulak ko sya.
"so you used me? T*ngina mo! Ang unfair mo alam mo ba yun?!! Mahal kita pero kaya kong maintindihan kung sinabi mo nung time na yun! Di yung ginamit mo ako.. Aka-la ko mahal mo din ako! Sinabi mo pa yun! Pero di pala!"
Napaluhod ako sa sakit at mga katotohanang narinig ko.
So those f*****g years na mag on kami di nya ako minahal.
Tapos akong si tanga... Halos gawin syang mundo.
Lumuhod din ito at niyakap ako.
Pilit ko syang tinutulak.
" Kaya nga Im so sorry.. Ulap.. Gusto ko magkaayos tayo. Ayaw ko mawalan ng isang tao nakakaintindi at nakakaunawa sakin.. Gusto kitang piliin pero mahirap kalaban ang puso... Sobra.."
Tumigil ako sa pag iyak. Niyakap ko sya.
Di ko na dapat sinusumbat ito. Dapat di ko na tinatanong kung mahal nya pa ako.
" Alam ko... Mahirap talagang kalaban ang puso.. Ano pang magagawa ko.. Basta promise me Gabi... Promise me.. Be happy.. Don't hurt her.. Be a good father and husband to her... Natanggap ko na.. Ito ohhh may ibabalik din nga ako sayo eh" sabi ko sabay turo ng isang kahon.
Lumapit sya dito.
"ano to?" tanong nya.
I give him a cutter.
"open it" utos ko.
His hand are trembling habang unti unting binubuksan ang kahon.
Ng mabuksan nya ay tumingin sya akin.
"ba-bakit?" takang tanong nya habang isa isang hinahawakan ang mga gamit na bigay nya at binili naming dalawa.
"I want to return this.. Gusto kong sabay nating ibaon itong lahat sa limot.. These things aren't real. I want us to make new memories not as lovers but as friends" sabi ko sa kanya.
Tumango lang sya.
Naghukay sya at unti unti namin nililibing ang kahon.
Bye fake memories..
Nakatitig lang ito sa bagong tabon na hukay.
"ummm gabi" pagagaw ko ng attention nya.
"I want to make this day as our first day of being friends." sabi ko sa kanya.
Niyakap naman nya ako ng mahigpit tsaka hinalikan sa noo.
"pero sa ngayon Gabi gusto ko muna lumayo.. Don't worry aatend ako ng kasal mo.. I love you" sabi ko sa kanya.
Tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad.
Finally na let go ko na lahat..
Nagstay muna ako sa loob ng kotse at dun umiyak ng umiyak.
Pagkarating ko ng mansion ay kita kong nagiintay sa akin si Night sa may Sala.
"oh bat gising kapa?" pilit kong inaayos ang boses ko.
Tumayo naman ito at lumapit sa akin.
"di ako makatulog ehh tara na tulog na tayo alam kong pagod ka" yaya nya sakin.
Wala na din ako nagawa. Naglinis ako ng katawan. At tumabi na sa kanya.
Yumakap naman ito sa akin at natulog na.
Ako naman ay nakatulala.
Bukas na...
Pero nagising ako sa pag katulala ng bigla nya akong halikan.
"nakalimutan ko hehehe" sabi nya sabay balik ulet sa pag tulog.
*******************
Kinabukasan maaga kami nag gayak dahil maga gaganapin ang kasal at sa halon ay aalis sina Gabi paputang Hawaii para sa honeymoon nila.
Sana all..
Masasabi kong maayos na ang gising ko ngayon.
Medyo magaan na ang puso ko.
"Ganda naman" biro ni Night habang nakatingin sa akin.
Nakadress ako na si mom mismo ang pumili habang yung isa naman ay napaka gwapo sa suot nitong tuxedo.
"i know matagal na" biro ko dito.
"ikaw din ang gwapo mo" sabi ko din sa kanya.
Nagpapogi pose pa yung luko. Natawa naman ako.
Pagkadating namin ay namangha ako sa simbahan. Ang ganda..
"wow" sabi ko habang iniikot ang mata sa simbahan
"mas maganda ang plano ko pag kinasal tayo" sabi ni Night.
Tinignan ko sya pero akala koy nagbibiro sya pero sobrang seryoso ng mukha nya.
Kaya naman ako na ang nagbiro.
Ayaw kong umasa.
"Sira pinagsasabi mo.. Tsaka bawal tayong ikasal sa simbahan luko ka"
"edi sa ibang bansa problema ba yun" siryoso parin sya.
Unti unti nang napuno ng bisita ang simbahan.
Nakita ko din si Mark kasama si Sheryll kaya naman ay kumaway ako dito.
Kita ko ang gulat sa mga mata nila pero nginitian ko na lang sila.
I mouthed. "mamaya na lang tayo magusap"
Nandun na din si Gabi sa may altar.
Ang gwapo nito sa suot nyang Tuxedo.
Di sya mapakali at halatang kinakabahan.
Sinitsitan ko sya.
Tumingin naman sya sa direkyon ko.
Nag tumbs up ako sa kanya.
Ngumiti sya sakin at naiiyak na.
Biglang tumugtog ang banda kaya naman hudyat yun na papasok na ang Bride.
Pagkabukas ng pinto ay nakita ko si Quinzel.
Sobrang ganda nya.
Naiiyak syang nakatingin kay Knight.
Masakit na makita ang lalaking pinakamamahal mo.
Lalaking iningatan mo
Inalagaan mo
Naikakasal na pero hindi sayo..
Masakit pero nakaya ko..
Dun ko narealise na i made a right choice of giving him up.
Kita ko sa kanilang mga mata na mahal na mahal nila ang isat isa.
I felt a warm embrace in my hand left hand.
At ng tignan ko ito..
Night was holding my hand.
Nakatitig lang ako sa dalawa kong kaibigan na nagbibigayan ng vows nila sa isat isa.
Naiyak ako ng minention ni Quinzel sa vow nya.
"Knight thankyou sa pag mamahal sa akin kahit may nasaktan tayong tao.
Salamat dahil kahit may nagawa akong kasalanan sayo ay di mo ako binitawan.
Pero mas nagpapasalamat ako sa isang napakatatag at napaka selfless na taong kilala ko." tumingin sya sakin
" My best friend Cloude Sky Montes, thankyou so much.. For loving and taking care of my man.. Salamat dahil di magiging ganito ang isang Knight na minahal ko kung hindi dahil sayo.. Im sorry and I love you" naiyak sya sa sinabi nya.
Ngumiti lang ako sa kanya.
Finally nawala na ng tuluyan ang sakit sa puso ko.
Pagkatapos ng kasal ay nag punta na kami sa reception. Bigla namang nawala sa tabi ko si Night pero hinayaan ko na lang.
Nagkamstahan na din kami nina Mark ay nagtampo pa ang loko.
"ikaw di ka man lang nag text sakin na darating ka!" natawa ako kase kalalaking tao ay daig pa nya yung gf nya mag pabebe.
Binatukan ko sya.
Tumawa naman si Sheryll sa ginawa ko.
"apaka arte mo sorry na pero na miss kita Mark sobra" sabi ko sa kanya nag group hug naman kaming tatlo.
Nagkantahan kwentuhan at nag bigay ng mga message sa bride and groom.
Ng ako na ay umakyat ako ng stage.
Huminga ako ng malalim.
"okay... Ummm im so happy na nagkatuluyan na din kayo sa wakas.. Alam ko na naguguilty kayo kase nasaktan nyo ako pero wag kay mag alala Im slowly fixing my broken heart.. Basta promise me na ninang ako ng anak nyo ah" pagbibiro ko. Nagtawanan naman lahat ng tao.
"mahal na mahal ko kayong dalawa...at ikaw Knight! Yung promise mo wag na wag mong sasaktan si Quinzel kundi sasaktan talaga kita" banta ko sa kanya.
Bumaba na ako ng stage at lumapit sa kanila.
I hug them.
Nakita ko namang nakangiti sa akin si Night. Ngingiti sana ako pero may babaeng ikatin na nakalingkis sa braso nito.
Lumapit ako kay Night at hinila ito papalayo sa babae.
Tinignan ko ng masama ang babae at natakot naman ito.
Nakita ko na lang na dali dali itong nawala sa harapan namin.
"Inom tayo" yaya ko kay Night.
"sige kukuha lang ako ng maiinom" sabi nya pero pinigilan ko sya.
"not here"
"saan?" tanong nya.
"sa beach..." sabi ko sa kanya.
Sabay kaming tumakbo papalabas ng reception.
Now im ready to fix my broken heart.
×××× to be continued ××××