Chapter 1

1226 Words
Chapter 1 "V-Vian, bakit ngayon ka lang?!" Bungad ko sa aking asawa matapos siyang pumasok sa loob ng madilim na bahay, sinara niya ang pinto at nagsimulang maglakad, hindi na niya pinansin ang tanong ko kaya naman nilapitan ko siya at hinawakan ko ang kanyang braso dahilan upang mapatigil siya sa paglalakad, "V-Vian, its already midnight. Saan ka ba nanggaling?!" Nag-aalalang tugon ko. Tinapik niya ang aking kamay at saka lumingon. "Nasa work ako galing. Sa'n pa ba?! Tch. Stop pestering me, pagod ako." Malamig na sagot niya at muling naglakad. Umiling lang ako at muli siyang pinigilan sa paglalakad, "I called your office secretary a few hours ago at ang sabi niya sa akin ay umuwi ka raw ng maaga. Pero bakit ngayon ka lang in this middle of the night?! You're making me nervous thinking what happened at late ka na namang umuwi! May tinatago ka ba sa akin, Vian?" Hindi lang ito ang unang beses na late siyang umuuwi dito sa bahay naming dalawa, minsan nga eh hindi na rin siya umuuwi. Syempre bilang asawa niya ay nag-aalala ako at hindi ako nakakatulog ng maayos dahil sa mga bagay na bumabagabag sa isip ko, nababahala na ako dahil sa madalas na pagiging late niya sa pag-uwi. "Ano ba, Lean! Are you suspecting me of cheating on you?! Wala ka bang tiwala sa sarili mong asawa, huh?! Stop bothering me, pagod ako!! Bwisit." Galit na sumbat niya at tinulak ako ng napakalakas kaya naman napaurong ako at natumba sa sahig, ramdam ko ang pananakit ng aking likod dahil sa lakas ng pagkakatama. "H-Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin, nag-aalala lang naman ako para sa iyo..." Nauutal na sagot ko, naluluha na rin ako dahil sa kanyang pinaggagawa at baka isang pikit lang ay tuluyan nang tutulo ang mga ito kaya naman napakagat na lang ako sa aking babang-labi para pigilan ang mga luhang nagbabanta. "I don't need your worries. Kaya pwede ba, tigilan mo ako." Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at hinawakan ng mahigpit ang panga ko, "Naiintindihan mo ba?! Hindi ko kailangan ang pag-aalala mo. Hindi kita kailangan sa buhay ko. Tsk." Naamoy ko bigla ang pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo sa kanyang hininga dahil sa lapit ng kanyang mukha, nakakahilo ang amoy nito at parang masusuka na ako anytime, mahigpit pa rin ang hawak niya sa aking panga kaya naman napapapikit na lang ako dala ng matinding sakit, "A-Aray, Vian. N-Nasasaktan ako..." "I can see it, bitch." Sigaw niya sa pagmumukha ko kaya naman tuluyan nang nagsilabasan ang mga luha ko na kanina ko pang pinipigilan, "oh please stop being such a prima donna." Hindi ko akalain na tatawagin niya akong 'b***h', hindi ko akalain na maririnig ko ito mula sa kanyang mga labi ーmula sa aking asawa. Ang sakit isipin. Pero lasing siya... "V-Vian, la-lasing ka na... please stop this..." Pagmamakaawa ko sa kanya pero ngumisi lang siya, kahit na madilim ang silid ay kita ko pa rin ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa kaunting ilaw na galing sa buwan mula sa may maliit na bintana sa likod ko na tumatama sa pwesto namin. "Lasing ako? Hahahaha. I'm still sober kahit na medyo naparami ako ng inom ng alak. I know what I am doing, bitch." So sa bar pala siya nanggaling habang nagpapakasaya all this time habang ako naman ay andito sa harap ng bahay at nag-aalala para sa kanya?! Mas lalong lumapad ang mala-demonyo niyang ngisi matapos siyang tumawa at mahigpit na hinawakan ang buhok ko at hinila ito pataas kaya naman napatayo ako mula sa pagkakaupo sa malamig na sahig. "A-Aray, Vian! Please stop it..." Hinila niya ang buhok ko kaya naman napapasama na rin ako, sobrang sakit na ng ulo ko dahil sa kanyang malakas na paghila, para niya akong kinakalbo, "Aray..." ~*~ Hindi ko namalayan na nasa kwarto na pala kami, lumingon sa akin si Vian na ngayo'y malamig na ang ekspresyon sa mukha habang pinapanood akong walang-tigil sa pag-iyak. Marahas niyang hinila ang aking kamay matapos ang ilang sandali at para akong unan na binato sa kama, kumikirot na rin ang ulo ko, siguro dahil sa marahas niyang paghila sa buhok ko kanina papuntang kwarto namin, tatayo na sana ako mula sa pagkakahiga sa kama nang bigla akong nakaramdam ng malakas na pagtulak sa akin kaya naman napahiga muli ako, tumingala ako at napatingin kay Vian na ngayo'y tinatanggal na ang mga saplot sa katawan hangga't sa boxer na lang niya ang natitira. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang pumaitaas sa akin at parang papel na pinunit ang suot kong t-shirt na pangtulog, marahas rin niyang binaba ang pajama ko kaya naman undies na lang ang natirang saplot sa katawan ko na bumabalot sa aking pagkatao. "S-Stop it, Vian! P-Please!" Tinulak ko siya pero kahit anong gawin ko ay wala pa ring epekto, masyado siyang malakas upang kayanin ko, napapapikit na lang ako dahil sa sumasabay na sakit sa ulo ko, ramdam ko ang pawis na bumabalot sa akin at ang takot. "T-Tama na!" Malakas ko siyang tinulak at nahulog naman siya sa kama kaya dali kong kinuha ang tsansang ito upang tumakas sa kanya at hindi na lang muna inintindi ang sakit sa katawan dala ng kanyang kaliputan at napabalikwas na lang ako sa kama at mabilis na tumakbo. Dali kong pinihit ang busol ng pinto para makalabas sa kwarto pero ayaw bumukas, pinihit ko muli pero ayaw pa rin. "You can't open the door, dear slut wife. I have the keys to open it, so come to me and you're free." Napalingon ako at nakita ko si Vian na nakangisi sa akin habang hawak-hawak ang susi ng pinto, nagbuntong-hininga ako habang pinipigilan ang sarili sa pag-iyak at biglang may naaninag ang mga mata ko sa gilid ng silid, ang banyo! Mabilis akong tumakbo kahit na paika-ika, wala akong ibang iniisip kundi ang makaabot sa banyo at i-lock ang pinto nito ito upang hindi siya makapasok, pero huli na ang lahat bago pa man ako makaabot at makapasok sa loob dahil nakaramdam ako bigla ng malakas na paghampas sa aking likod kaya naman napaluhod ako. Napatingin ako sa baba at nakita ang lampshade na sira-sira, at doon ko na-realize na binato pala ito sa akin ni Vian para mapigilan ako sa pagtakas, napapikit na lang ako at iyak. I'm so weak. Hindi ko siya magawang takasan, hindi ko magawang takasan si Vian. Akmang tatayo na sana ako nang biglang sinuntok ni Vian ang sikmura ko at doon ko natikman ang sarili kong mga dugo. "You can't escape from me ーyour husband, Lean." Rinig kong sabi niya, ramdam ko ang mahigpit niyang paghawak sa buhok ko at parang kanina ay hinila ito pataas kaya napatingin ako sa kanya habang kumikirot sa sakit ang aking katawan lalo na ang aking ulo. "V-Vian... please d-don't hurt me... p-please..." Humalakhak siya nang makita ang kaawa-awang kalagayan ko at marahas na hinawakan ng kanyang palad ang aking magkabilang pisngi at inalog-alog ito na siyang mas dumagdag sa aking pagkahilo, "Lean, this is what you get for not listening to me when I told you to stop bothering me a while ago, this is your punishment." Mas lalong lumapad ang mga ngisi niya sa labi at marahas na hinila ako papuntang kama. "You shall be my bed warmer for tonight." ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD