“Sebastian Doroteo?" Tawag pansin ng isang magandang babae sa akin. Napangiti naman ako nang mapagsino ko ito.
Nutella Gregorio, 26 years old, isang civil engineer and the woman that I need to fulfill my passionate desires to her older brother, Nathaniel Gregorio, 30 years old, a hot damn gorgeous sexy devil in armani suit.
“Hey, I am glad to finally meet you." At hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi. Ang bango niya, so desirable young beautiful woman.
Walang dudang kapatid nga siya ni Nathan.
Inalalayan ko siya paupo sa kaharap na upuan ko. Napansin ko ang matamis na pagkakangiti nito nang gawin ko iyon. So easy lady to know her weakest point na mas magpapadali sa akin para makuha ang tiwala niya. Bumalik naman ako sa aking upuan and I heard her clear her throat.
“So, my friend said you wanted to have dinner with me. He said you need someone like me." Isang tango at ngiti lang ang aking isinagot sa kaniya.
Yes, I badly needed someone like you, Nutella Gregorio. Ikaw at tanging ikaw lang ang kailangan ko for my fantasies to come true.
“Yes, but before talking about things, can we eat first? I'm sure you're really hungry, darling," sambit ko, eksakto namang hinain ang mga pagkaing inorder ko kanina.
********
“What are you planning to do, Basti?" Isang tanong kaagad ang ibinungad sa akin ni Kevin, isa sa mga kaibigan kong matalik.
Andirito ako sa isang exclusive bar na pag-aari niya. Dito ko naisipang pumunta pagkatapos ng dinner date namin ni Nutella na inihatid ko rin pauwi dahil wala itong dalang sasakyan.
Sinulyapan ko lang si Kevin at ibinalik ang aking pansin sa isang matipunong lalaking nakaupo sa bar counter. May kausap itong magandang babae na sa hinuha ko ay kaniyang nobya. Napahigpit naman ang hawak ko sa aking baso na may lamang whiskey nang kumapit ang babae sa kaniyang balikat at hinalikan siya nito sa kaniyang labi. f**k! At hindi nakalampas sa aking paningin ang pagtugon nito, tounge to tounge.
Inalis ko na lamang ang tingin ko sa kanila at tumingin kay Kevin.
“I offered her a project proposal," sagot ko sa kaniyang tanong kanina.
He knows na nakipagkita ako kay Engr. Nutella Gregorio a while ago. At alam niya rin ang kagustuhan kong mapalapit sa isang mailap na Nathaniel Gregorio. But soon enough, makakapasok din ako sa buhay nito sa pamamagitan ng kapatid niya.
“Oh, akala ko ba tapos na ang renovation ng company building mo? So anong ipapagawa mo kay Nutella?" tanong nitong muli na nginisihan ko lang.
“Our vacation house in Cavite," simpleng sagot ko na tinanguan niya lang.
“And?" maikling sambit lang nito na ikinatungga ko sa aking baso, inisang lagok ko lang iyon bago sumagot kay Kevin.
“And I will make her fall in love with me." Nakita ko naman ang pagsalubong ng makapal na kilay nito, kaya napangisi ako sabay tayo. Uuwi na ako, I want to go home now because the only reason that I went here is already gone out of the bar along with his girlfriend. Kaya wala ng saysay manatili pa rito.
Pero bago pa man ako makahakbang palabas ng bar ay narinig ko pa ang binulalas ni Kevin na ikinatawa ko lang. . .
“You wicked bastard, Sebastian Doroteo!"