Chapter 3

1114 Words
Haru Delfin's POV: Huminga ako nang malalim at nagsimulang maglakad patungo sa pinakapasukan ng unibersidad. Sa sobrang dami ng estudyante ay hindi ko na makita ang daan ng aking nilalakaran. Hanggang sa makarating ako sa bulletin board ng Senior High School Department. Nakisiksik ako sa mga tao na nakakumpulan sa harapan at hinanap ko ang aking pangalan pati narin ang aking seksyon at silid-aralan. "Delfin, ayun! Grade 12 STEM Class-A. Room 301,' sinasabi ng aking isipan habang tinuturo ng aking kamay ang papel kung saan nakalagay ang listahan ng nga estudyante. Ako ay biglang nabuhayan ng loob nang aking malaman na ang silid aralan na aking papasukan ay nasa ikatlong palapag. Umalis na ako sa siksikang nagaganap sa paghahanap ng kani-kanilang seksyon at silid aralan. Pumanik ako sa hagdan, medyo nakakapagod dahil third floor pa nga ang aming classroom pero atlis eh medyo naeensayo ang aking mga muscles sa binti. Kaunting lakad pa ay natagpuan ko na ang aking silid aralan, wala pang tao kaya pumunta kaagad ako sa pinakadulong upuan ng silid na malapit sa bintana. Pagka-upo ko sa aking upuan ay nilaksan ko ang volume ng kanta at itinungo ang aking ulo para makinig. Naging kalmado ang mga sandali habang tumutugtog ang mga kanta ng paborito kong banda nang nakarinig na ako ng iba't ibang uri ng ingay. Inalis ko ang aking pwesto sa pagkakatungo at tinignan ang paligid. Ang mga kaklase ko ay isa isa nang nagpapasukan sa silid at ang iba naman ay grupo grupo sa pagkukwentuhan. May mga grupohan ng mayayaman, maiingay at masipag na mag-aaral. Tumingin na lamang ako sa labas at tinignan ang mga ibong malayang nakakalipad. Sana katulad na lamang nila ako, libre sa paglipad at hindi nakakulong. Malaya sila kahit saan nila gusto mag-punta at kahit anong gawin nila. "OMG is dat a gusi beg?" napatingin ako sa kaklase kong parang ipinipilit ipasok ang kanyang sarili sa grupo ng mayayaman. "What are you saying? It's Gucci not Gusi duh?" ang sabi naman ng isa kong kaklase. "Arte niyo naman, yun pa din naman yon," sabi muli ng babae sa isang maangas na tono. Umalis kaagad ito sa grupohan na iyon at napadpad sa sarili niyang mga kaibigan. Tatlo silang lahat. Isang maangas tignan dahil sa kanyang pag-asta, isa namang may matinis at maingay na tono ng boses at isang tahimik lamang ngunit palaging nakangiti sa sinasabi ng kanyang mga kaibigan na siyang pumukaw ng aking atensyon. Dumating naman bigla ang mag-totropang lalaki. Marami sa kanila ay hindi naka proper attire ng uniform. Para sila yung mga napapanood ko sa telebisyon na bully sa kapwa nila kaklase na nerd tas kahit sino sinasagasaan. Ang isa sa kanila ay may malaki at maskuladong pangangatawan. Nakita ko kung paano niyo sinipa ang bag ng isa kong kaklase lalaki na nananahimik sa isang tabi. Nang akma nitong kukuhain pabalik ang kanyang bag ay sinipa ito ng sigang lalaki. "Tumabi ka nga diyan, paharang harang ka sa daan!" ang maangas at pasigaw nitong sabi. Tumayo ang lalaking sinipa nito at nakipagtitigan sa sumipa sa kanya. "Aba ano matapang ka na ah, noong huli nating pagkikita para kang daga sa sobrang takot. Hinahanap mo pa nga Nanay mo noon eh," sabi nito at nagsitawanan ang mga kasama niya. Nakatikom na ang kamay ng lalaki at handang suntikun ang nagsasalita nang biglang humarang ang babaeng kanina'y nakakuha ng aking atensyon. "Tama na please. Respect naman first day of class ganyan kaagad kayo dito," ang sabi nito habang nanginginig ang kanyang boses. "Eh ano bang pake mo? Sino ka ba? Umalis ka nga dito masyado kang pakialamera," sabi nito at itinulak ang babae. Ako ay biglang nakaramdam ng galit dahil sa ginawa niya. Lahat ay natahimik dahil sa hindi inaasahang aksyon na ginawa ng lalaki. Napaupo sa sahig ang babae at pumunta naman nang mabilis sa kanyang kinaroroonan ang kanyang mga kaibigan. Ang isa ay tinulungan siyang tumayo at ang isa naman na maangas umasta ay pumunta sa harap ng lalaki. "Oh ano gusto mo din b...," hindi na naituloy ng lalaki ang kanyang sasabihin nang sinampal siya ng babae. Mabuti naman at may sumaklolo kaagad. Minsan ay mabilis mawala ang pagtitimpi ko kaya nakakagawa din ako ng mga dahilan para magkaroon ako ng kaaway. Tsk, ang hinihiling ko ay karamay pero ang madalas na ibinibigay sakin ay kaaway. Ano ba naman klasing buhay 'to. "You p****g s**t, walang gumagawa ng ganyan sa kaibigan namin. Kung gusto mo ng away ako kalabanin mo. Ano? Lumaban kang kumag ka!" habang itinutulak ang dibdib ng lalaki. Nakahawak lamang sa pisngi niya ang lalaki at akma namang gagantihan ang babaeng nanampal sa kanya. "Andyan na si Sir guys," ang sabi ng isang lalaking nasa tapat ng pinto. Kaya ang nangyayaring engkwentro sa silid-aralan ay nahinto pansamantala. Bumalik ang bawat isa sa kanya kanyang pwesto. Samantala, namumuo pa rin ang tensyon na namamagitan sa maangas na babae at sigang lalaki. Silang dalawa pa nga ay magkatabi sa upuan. Katabi niya din ang dalawa niyang kaibigan. Nagulat ako nang malaman ko na sa harapan ko pala nakaupo ang palangiting babae na naitulak kanina. Tahimik lamang siya simula kanina ngunit hindi halatang siya ay nasaktan 'pagkat maaliwalas pa rin ang kanyang itsura. Ang mga aso't pusang tunog na maririnig sa aming kwarto ng mga nakaraang segundo ay biglang napalitan ng nakakabinging katahimikan. Nang pumasok na ang aming professor lahat ay umupo nang tuwid at humarap sa unahan. "Good mowning, class!" ang sabi nito. Tinignan ko isa isa ang aking mga kaklase at lahat sila ay nagpipigil sa tawa. Ang iba pa nga ay mukha nang kamatis ang mukha dahil sa sobrang pagpigil ng halakhak. "Good morning Sir!" ang sabi naming lahat. Sa pagsisimula ng aming klase, ipinakilala muna ng professor ang kanyang sarili, "I am Siwr Wobles, pasensya na if bulol ako sa r". Nakikita ko pa din sa mga mukha ng aking kaklase ang pagpigil ng mga ito sa kanilang tawa. Hindi ko gaanong kilala ang aking mga kamag-aral dahil hindi ko sila nakasama sa nakalipas na school year kaya ang tawag ko lang sa kanila ay lalaki at babae. "Intwoduce youwself in fwont of ouw class," ang utos niya. Natigilan bigla ang ibang mga tao sa silid nang marinig ang utos ni Sir Robles. Kahit ako ay nagulat 'pagkat ito palagi ang pinaka-ayaw kong gawin kapag simula ng taong aralan. Pero may kaunting excitement akong naramdaman dahil kahit hindi ko masyadong makakahalobilo ang aking mga kaklase ay malalaman ko naman kung sino sila. Maaaring ako ay tahimik lang sa isang tabi, ako naman ay isang tao na magaling mag-obserba at handa akong malaman kung ano pa ba ang mayroon sa mga tao dito sa silid na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD