POV: SILAS 1. ANG KANLUNGAN SA KANAL Bumaba sila sa dilim,ang amoy ay sama ng tubig at lumang bakal. Si Jade sa pagitan nila, ang mga paa ay gumagalaw na parang robot, isinasabay sa paghatak nila. Ang tunog lang ay ang pagtapon ng kanilang mga hininga at ang malayong pag-agos ng maruming tubig. "Tumigil muna tayo," anas ni Rivera, humihinga nang mabigat. "Kailangan natin i-check ang tracker." Inilatag nila si Jade sa isang tuyong parte ng walkway. Gamit ang kutsilyo, dahan-dahang inihiwa ni Silas ang balat sa may marka sa leeg ng babae. May kumutitap na maliit na chip, parang pero ng basag na bituin. "Tang ina," bulong ni Rivera. "Active pa. Pinipilit tayo nila sa isang direksyon." "O tinutulungan tayo ni Bela," sagot ni Silas, dahan-dahang dinukit ang chip gamit ang dulo ng kutsilyo

