1. ANG PANALANGIN SA DILIM Nasa isang maliit,madilim na safe house si Elena, hindi malayo sa gulo. Nakahawak siya sa isang lumang keychain phone—ang huling regalo ni Alvin kay Jade noong bata pa ito. Walang signal. Pero yun ang kanyang rosaryo. Sa labas, naririnig ang malayong putok at sirena. Si Rivera, na naiwan para magbantay, ay nagmo-monitor ng comms. Biglang pumutok ang boses ni Jade sa speaker, puno ng pangangatal at galit: "Nanay... Nakita ko siya. Nakita ko si Papa. Pero hindi siya—hindi siya tao." Napakahigpit ng pagkakayakap ni Elena sa phone.Alam na niya. Dumaing ang kanyang puso. Dumarating na ang oras na ipahayag ang katotohanang itinago niya ng halos isang dekada. "Saan ka, anak? Anong nakita mo?" "Isang Android. Mukha niya... boses niya... pero hindi siya Papa." Lumuh

