Na andito ako sa isang kami sa cadiz, kasama si Gab. Sabay naming ina-antay si Vince, may mahalaga raw siyang sasabihin. Parehas kaming nilamon ng kuryusidad, kaya nagawa namin ang tumakas sa klase.
Alam kong tungkol iyon sa kaso ni Mama. Baka umu-usad na, meron ng makakapagturo. Sana gano'n nga. Kung maganda ang ibabalita niya, nakakatuwa 'yon.
"Napakatagal naman," mahina ang tono ng boses ni Gab. Nilalaro niya ang straw na nasa inumin niya.
" Alam mo naman, malayo."
Mag-iisang oras na namin siyang ina-antay dito. Naka-ilang order na kami ng makakain pati na rin inumin. Sa sobrang tagal niya parehas na kaming inip na inip sa paghihintay sa kaniya.
"Pero sana naman inagahan niya ang pag-alis sa pinanggalingan niya," humaba ang kaniyang nguso.
Natango ako. Tama naman siya, kung sana inagahan ni Vince, e 'di sana narito na siya sa takdang oras, sa oras ng pinag-usapan.
'Yung lalaking 'yun parang babae gumalaw, napakabagal. Tinalo pa nga siya ng pagong.
Bumuntong-hininga ako "Hindi pa rin nagbabago 'yun," bagsak ang aking mga balikat.
"Humanda talaga sa'kin 'yon," lumaki ang dalawang butas ng ilong niya.
"I-meet natin si Mr. Mayor."
Kunot-noo akong nakatingin sa kaniya. May kung anong ideya na naman siguro ang pumasok sa isipan niya, kaya gan'yan nalang siya kung makapag-aya.
"Para saan naman?"
"Limot agad," pinanlakihan niya ako ng mata "Ilang araw palang ang nakalipas."
Lalong kumunot ang noo ko at ang tingin ko ay nagtataka. Dahil wala talaga akong maalala. Napa-irap siya sa hangin kasabay ang pagbuntong-hininga.
"Ang bata mo pa, ulyanin ka na."
"Hindi 'no, marami lang talaga akong ini-isip," pagpapapulot ko.
Ang totoo limot ko na kung bakit kailangan namin kita-in ang mayor ng Heusca. Hindi ko alam ang dahilan, anong meron. Hindi naman talaga gano'n karami ang ini-isip ko.
"Check natin 'yung mga penthouse niya, baka sakaling may magustuhan ka."
"Ah!" mahina kong nahampas ang mesa at napangiti.
Oo nga pala, may naganap na panghihikayat noong gabing 'yon.
"Sorry I'm late."
Napatingin ako sa taong ng salita, gano'n rin si Gab. Dumating na si Vince na prenteng nakatayo animo'y hindi kami pinaghintay ng matagal. Ang dalawang kamay ay nakapatong sa mesa. Nagtaas nalang ng kusa ang isa kong kilay. Umupo siya ng nakangiti.
Hindi man lang tinanong kung ilang oras na kami narito kakahintay sa kaniya. Nagtanong ng ayos lang pa kayo, kanina pa ba kayo rito, kaso wala, e.
"What now?" tanong agad ni Gab.
"Wait, let me breath."
"You're already breathing," nakangiti kong saad.
Walang salita ang lumabas sa bibig niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin, tila nasa isipan niya lang ang gusto niyang sabihin.
Tumikhim siya sandali "Isasara na ang kaso ng Tita, ng Mama mo."
"Ha" para akong nabingi dahil sa narinig ko. Parang guguho ako, gusto ko ng bumagsak.
"Bakit parang ang bilis naman?"
Napatingin ako kay Gab, sobrang concern siya. Makikita mo talaga sa mukha niya. Alam kong ramdam niya na nakatingin ako sa kaniya pero titig na titig pa rin siya kay Vince.
"Walang usad ang kaso."
"Bakit ang babaw ng dahilan? 'Yung ibang kaso inaabot ng dekada bago isara," napayukom ako "tapos 'yang sa Mama ko na dalawang taon palang, isasara agad."
"Wala akong magagawa, Lia. Utos lang din 'yan galing sa taas."
Kaunti nalang gusto ko ng sumabog. Marami akong gustong sabihin pero bigla nalang gumulo ang isipan ko. Hindi ko na alam kung anong mangyayari.
"Iba nga naman ang nagagawa ng pera at kapangyarihan," at nagsimula na lumabo ang mata ko dahil sa namumuong mga luha.
Ramdam ko ang paghagod ng kamay ni Gab sa likuran ko. Napayakap ako sa kaniya at doon na nagsimulang humagulgol, para akong batang umiiyak na hindi nakuha ang gusto.
"B-bakit gano'n, Gab? Ang unfair ng mundo."
"No. The world is not unfair. The society is." dahan-dahan niyang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.
"I'm really sorry, Lia," bakas ang sinsiredad sa paghingi ni Vince ng tawad, pero hindi ko siya pinansin o nilingon man lang.
"Bakit ang powerful nila, tapos ako kabilang lang sa white-collar."
Hindi ko alam kung bakit nagsisimula akong question-in ang katayuan ko sa buhay. Alam kung mali, pero hindi ko maiwasan.
" 'wag na 'wag mong nilalang ang pagiging white collar," huminto siya dahilan para mag-angat ako ng tingin "Wala 'yang mga mayayaman na 'yan, 'Yang mga makapangyarihan na 'yan kung hindi dahil sa mga white-collar, tulad ko."
"Admit it or not, nasa taas pa rin kayo. Makukuha niyo pa rin ang gusto niyo, mabibili niyo pa rin ang batas." patuloy sa pagpataka ang mga luha ko, nag-uunahan.
Wala na akong narinig na anumang salita mula sa dalawa, pareho silanv natigilan. Mahigpit akong niyakap ni Gab, 'yung baba niya nakapatong sa ulo ko.
Naririnig ko ang mahina niyang pag-alo sa'kin. Pilit niya akong pinapatahan pero patuloy lang ako sa pag-iyak. Dahil sa bawat pag-along ginagawa niya, bumubuhos ang luha ko.
Bumitaw ako sa pagkakayap para mailagay ang kamay sa dibdib dahil nag-uumpisa ng manikip. Nahihirapan na rin ako sa paghinga. Sa pagbikat ng paghikbi gano'n kahirap sa paghinga. Unti-unting bumagsak ang aking talukap kasabay ng lalong pagbigat ng dibdib.
"I'll help you..."
Minulat ko ang aking mga mata, narito ako sa isang pamilyar na silid pero hindi ito ang kwarto ko. Nagtataka akong nakatingin sa kisame, ang mga kilay ko ay salubong.
"Anong ginagawa ko rito?"
Hindi ko alam ang nangyari, nakakapagtaka... Bakit andito na ako sa kwarto ng shop. Ang huling naaalala ko ay umiiyak ako tapos bumagsak 'yung talukap ko, pero narinig ko pa ang boses ni Gab.
Lumabas agad ako ng kwarto ng maalala ko si Gab, paniguradong papagalitan siya. Sermon na naman ang aabutin niya.
"Gising ka na pala, hija," ani Tita ng makasalubong niya ako. Siguro ay pupunta siya sa kwarto kung saan ako galung para tingnan kung gising na ba ako.
"Si Gab po?" nagpalinga-linga ako. Nagbabakasaling narito siya sa paligid.
"Hinatid ko sa tapat ng school"
Awtomatikong napatingin ako sa may mesa, doon ang waiting area. Si Vince. Abala siya pagbabasa ng hindi ko malaman kung ano 'yun. Nasa puting papel ang binabasa niya.
"Ano pang ginagawa mo rito?" bigla nalang nag-iba ang tono ko "okay na ako."
"Nag-aalala lang siya sa'yo, hija"
"Im okay now Tita, he can go home," pinihit ko patalikod sa kaniya ang sarili.
"Ihahatid kita sa bahay mo."
Natigilan ako sa paghakbang papasok sa loob. Gusto ko sanang magpahinga, alam kong anytime pwede ulit akong magcollapse.
"I can go home with my own."
"Look, I'm sorry. I'm just doing my job."
Nag-init ang dalawa kong tenga. Napangisi ako sa narinig. Pilit kong ikinakalma ang sarili, humugot ako ng isang malaliim na hininga bago pumihit pa harap.
"Talaga?!" humalukipkip ako "e 'di sana umusad ang kaso."
"Look. I'm sorry!" mataas ang tono nito, dahilan para bahagya akong mapaatras at mapahawak sa dibdib.
Hindi ako makapaniwala. Walang bakas ng sinceridad ang paghingi niya ng pasensya.
"Don't talk to me with that attitude."
" 'wag kayong mag-aaway rito. Masama sa negosyo"
Walang anu-ano ay pinihit ko ang sarili patalikod at pumasok sa loob kung saan ako galing kanina. Naupo ako sa sofa at nagmukmok.
Hindi ko alam kungbakit gano'n nalang bigla ang galit ko, bigla nalang sumabog. Masakit pa kasi, lalo ng malaman ko na gano'n. Biglang bumalik lahat ng sakit, lahat lahat.
Nangako siya na tutulungan niya. Tutulungan niya akong makuha ang hustisya. Buong akala ko maganda ang ibabalita niya. Tapos sasabihin niya ginagawa niya lang ang trabaho niya.
Ang hilig nilang sabihin na ginagawa lang ang trabaho. Saan banda? Saan 'yung ginagawa lang nila ang trabaho? Ang maging aso? Ang maging tuta.
Napa-angat ang ulo ko ng makaramdam ako ng yabag. Si Tita Felia, papalapit siya sa'kin. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa kalagayan ko.
"Sa bahay ka muna," aniya
"Kaya ko naman po, Tita"
"Hija, pwede kang magcollapse, anytime, anywhere."
Muli akong nagmatigas. Alam ko naman ang pwedeng mangyari sa'kin lalo't mabigat ang pinagdadaanan ko. Kahit anong pagtanggi ko gano'n nalang ako kulitin ni Tita.
Gusto ko muna sanang pag-isipan baka kasi maging pabigat ako. Nauwi ang lahat sa pagtango.
"Halika na,"
Nakasunod lang ako kay Tita, paglabas namin ng shop matapos maisara ay may taxi na nag-aantay. Nauna ako sumakay, naka-upo ako sa passenger seat.
Nakatingin lang ako sa labas, kung saan nasandal ang ulo ko sa bintana ng sasakyan. Binalak kong ipikit ang mata ko, huli na ang lahat. Huminto nalang ang sinasakyan namin sa isang malaking bahay, bahay ito ni Tita.
Pumasok na kami sa loob ng bahay niya. Hindi ito ang unang beses ko rito, pero hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha. Nagkusa ang mga mata ko sa paglibot rito sa bahay niya. Napako ang tingin ko sa hilira kung saan may mga litrato niya kasama ang Mama ko.
Naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko at nagsimulang magtubig ang mga mata ko. Parang may dumudurog sa puso ko.
"Hija, ayos ka lang?"n. .
"Gusto mo bang magpahinga?"
Wala sa sarili akong napatango, kahit hindi ko naintindihan ang masyado si Tita. Dinala ako ni Tita sa isang kwarto rito sa baba. Umupo ako at nakatingin sa kawalan.
"Tit-" natigilan ako ng matauhan at mapansin na wala na pala si Tita rito.
Nakita ko ang pamalit ko sa tabi. Dinampot ko 'yon at nagtungo na sa banyo para magpalit. Paglabas ko dahil tapos na ako, inihiga ko na ang sarili sa isang malambot na kama. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko.
Nagising ako bigla dahil narinig ko ang pagsindi ng ilaw sa labas. Lumabas ako para silipin kung sino 'yun. Dahil sa pagkaka-alam ko si Tita lang mag-isa rito.
Nagulat ako mabunggo ako sa katawan ng isang lalaki, hindi ko siya kilala. Dahilan para mapasinghap ako at ramdam ang pagtigil sa pagpintig ng dibdib ko.