C-2: Ang pagkakaligtas

1390 Words
Na- trace din nina Don Freto ang location ng mga kidnappers na kumuha sa kanilang anak. Wala namang inaksayang panahon sina Sarhento Generoso at agad na ipinatupad ang isang operation sagip para kay Caly. Puno naman ng pag-asa ang mag-asawa na maililigtas ang kanilang anak mula sa kamay ng kidnappers. Panay naman ang dasal ni Donya Adelle na muli nilang makikita at makakasama si Caly sa kanilang buhay at mailayo sa anumang kapahamakan. "Always remember men, save Miss Dela Cueva by hook or by crook!" Bilin ni Generoso sa kanyang mga tauhan kasabay ng kanyang go signal. Tumango ang lahat at mabilis na silang nagkalat sa lugar kung saan nagtatago ang mga kriminal. Mabibilis ang kanilang mga pagkilos at isa-isa nilang pinatulog ang bawat bantay na kanilang nakita. Iniingatan nilang kung maaari ay walang magpapaputok upang hindi mabulabog ang iba pa. At para mahuli ang mga ito nang buhay upang ituro ang mastermind ng k********g. Dahil naniniwala silang baka hindi lang iyon ang pagkakataon na kumidnap ang grupo. May palagay silang operation na ng grupo ang kumidnap ng mga mayayaman para makakuha ng ransom money. "Naiihi ako! I want to use the bathroom," sabi ni Caly nanatili itong nakagapos at nakapiring ang kanyang mga mata. Ngalay na ngalay na siya sa pagkakagapos kahit pa sabihing nakaupo naman siya sa chair. "Hoy, walang bathroom dito!" sagot naman ng isang nagbabantay sa kanya. Naglalaro ng tong- its ang dalawang nagbabantay sa dalaga. "Kung hindi niyo ako papayagang iihi, dito ako magkakalat. Tingnan ko lang kung hindi kayo mamatay sa panghi!" Banta ng dalaga. "Lintik na, paihiiin mo na nga 'yan sa likod baka nga magkalat 'yan! Kung hindi lang tayo mahigpit na binilinan biyaheng langit na sana ako sa babaeng iyan. Sa ganda at seksi niya, aba!" May pagnanasang turan ng isa. "Pigilan mo 'yang kakatian mo, malalagot tayo kay Boss!" sagot naman ng kasama nito sabay tayo upang samahang iihi si Caly. Pinatayo si Caly at hinawakan sa braso kaya nagpatinaod na lamang ang dalaga. Naisip nitong wala naman siguro siyang maapakang ikadadahilan ng kanyang pagkatapilok kung sakali. "Paano ako iihi kung nakagapos naman ang mga kamay ko?" mataray na sabi ni Caly. "Ako na ang magbababa niyan!" nakangisi namang sagot ng lalaki. "No! Kung ikaw ang magbaba ng suot ko, iihian ko na lang ito!" mariing protesta ng dalaga. Napakamot sa ulo ang lalaki. "Now, mamili ka! Kakalasan mo ako o iihian ko ang damit ko?" tanong ni Caly. "Hayts!" bulalas ng lalaki at napilitan nitong kalasan si Caly. Mabilis namang inalis ni Caly ang kanyang piring. "Hoy, bakit mo inalis ang piring mo?" galit na tanong ng lalaki. Malaya na ang mga kamay ni Caly. Nginitian niya ang lalaki nang napakatamis. "Para mas exciting! May pagnanasa ka sa akin hindi ba? Ayaw mo ba akong makitang walang saplot tapos magkakatitigan tayong dalawa?" Kagat- labing sagot ng dalaga. Napangisi naman ang lalaki at agad na lumawaran sa mukha nito ang labis na pagnanasa. Halos lumuwa na nga ang mga mata nito habang nakatingin kay Caly na unti- unting ibinababa ang underwear nito. "Lumapit ka nang husto sa akin!" utos ni Caly. Agad namang sumunod ang lalaki. Ikiniskis naman ni Caly ang kanyang dibdib sa mukha ng lalaki dahilan upang mas magnasa ito na nanginginig pa. "Bakit mo pa pinatagal gusto mo rin palang magpatikim? Pinasakit mo pa ang puson namin!" naglalaway nang wika ng lalaki. "Iginapos niyo ako eh, kaya wala kayong premyo!" nakangiting sagot ni Caly habang ikiniskis nito nang mabilis ang kanyang dibdib sa mukha ng lalaki dahil mas matangkad siya nang hindi hamak. "Gusto mo nang ganito hindi ba?" malambing na tanong ni Caly sa lalaki na tila nang-aakit talaga. Sunod-sunod na tumango ang lalaki sabay tulo ng kanyang laway. Mukha na itong asong ulol na hindi makapagpigil sa pangangagat nito. Mas tinamisan pa ni Caly ang kanyang ngiti saka niya hinawakan ang magkabilang baba ng lalaki at mabilis niyang tinuhog ang nasa gitna ng mga binti nito. Hindi lang iyon ang ginawa ni Caly, magkasunod na suntok din ang pinakawalan niya sa mukha at sikmura ng m******s. Hindi naman magkanda- ugaga sa pamimilipit ng lalaki dahil sa sakit. Hindi ito agad nakatayo at nakakilos dahil sa labis na sakit nitong nararamdaman. Napapikit pa nga ito at todo ang hiyaw dahil sa ginawa ni Caly. Pagmulat nito ay wala na ang dalaga sa kanyang harapan. Paika- ika itong nagbalik sa kinaroroonan ng kanyang kasama. "Anong nangyari sa'yo? Bakit putok ang labi mo at paika-ika ka kung maglakad? Nasaan ang babae?" sunod-sunod na tanong ng kasama nitong lalaki. "N- Nakatakas! Naisahan ako ng babaeng iyon!" nautal pang sagot ng lalaki dahil masakit pa rin ang natuhog nitong alaga. "Bobo mo naman!" himutok ng isa at agad na kinuha ang radyo sa may mesa at ni- radyuhan ang kanyang mga kasama. Kinalunan ay kapwa nila sinundan ang direksyong alam nilang tinahak ni Caly. Kapwa nila alam kung anong mangyayari sa kanilang lahat kapag nakatakas ang kanilang bihag. Habang si Caly ay panay ang takbo nito at manaka-nakang nagtatago. Pinapakiramdaman niya ang buong paligid lalo na kung alam niyang may bantay. Hindi siya makakapayag na wala siyang gagawing hakbang upang makatakas siya. Kumaliwa ang dalaga dahil may nakita siyang pinto, mabilis niyang binuksan iyon. Kasunod ang isang kamay na humatak sa kanya patungo sa may pader. Hindi nagdalawang- isip ang dalaga na kumawala mula sa kamay na iyon. Buong lakas niyang ibinalibag ang taong may- ari ng kamay at sinipa rin niya ito. Subalit hindi natumba ang lalaki, naglaban pa sila ng ilang minuto. Subalit alam ni Caly na magaling ang lalaking may uling sa mukha nito. Sa isang iglap ay nahuli ng lalaki ang mga kamay ng dalaga at pinatalikod siya nito pinaharap sa may pader. "Tama na, Miss Dela Cueva! I'm Sargeant Generoso leader of the team. Narito kami upang iligtas ka sa utos ng iyong ama." Wika ng lalaki. Natigilan si Caly, medyo kumalma siya at marahang tumango. Unti-unti namang binitawan ni Generoso ang mga kamay ni Caly kasunod ang pagharap ng dalaga sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa, noon lang napansin ni Caly na naka- uniporme pala ang lalaki. Napangiti ang dalaga dahil kahit may nakaguhit na itim sa mukha ng lalaki ay maaninag mo pa rin ang kakisigan nito. Matitipuno ang dibdib at mga masel nito na para bang kay sarap makulong doon. Para lang sa pelikulang ang actor ay isang hunk man na kay lakas ng dating sa kanyang leading lady. Naudlot ang pantasya ni Caly nang magkaputukan sa paligid. Napasigaw ang dalaga na agad namang hinila ni Gener paalis doon. "Team, hostage is safe! Arrest them all, copy?" wika ng binata sa kanyang radyo. "Copy, Sargeant!" sabi naman ng mga kasamahan nito. Palitan ang putukan na kahit nakatakip na ang dalawang kamay ni Caly sa kanyang mga tainga ay dinig na dinig pa rin niya. Naramadaman na lamang ni Caly na nasa loob na siya ng isang sasakyan. "Stay here, huwag kang aalis!" bilin ni Gener. Agad na tumango si Caly, at umalis na ang binata pabalik sa loob ng gusali. Pagtingin ni Caly sa unahan ng sasakyan ay napansin niyang may dalawang pulis doon. "Ligtas ka na, Miss Dela Cueva!" sabi ng isa kasunod nang pagdating ng iba pang police patrol car. Pinaligiran nila ang buong paligid, may nagsalita na pinasusuko na niya ang iba pa. Hindi naiwasan ni Caly na silipin ang nagsasalita sa megaphone. Alam niyang ang Sarhento iyon dahil nasa kanyang mga tainga pa rin ang boses nitong nakakaakit din. Napalunok tuloy ang dalaga dahil kitang-kita niya kung gaano maggalawan ang mga masel ng Sarhento sa may panga nito. At ang adams apple nitong pababa- paitaas nakakadagdag sa pagiging yummy ng lalaki. Kung pagkain lang ang Sarhento ay nilantakan na niya sana kanina pa at malamang wala ng natira sa mga sandaling iyon kahit buto pa nito. Ngayon lang nakakita si Caly nang isang tunay na Adonis sa tanang ng kanyang buhay. Pakiramdam niya ay nagiging ganap siyang isang Eva kapag si Sarhento ang kanyang palaging kasa- kasama. Hindi napigilan ni Caly na kagatin ang kanyang sariling bibig, unti- unting sumilay ang isang napakatamis na ngiti mula sa mga labi nito. Kasabay nang pagkislap ng kanyang mga mata at ang kanyang isipan na nagsasabing kailangang maging sa kanya si Sarhento sa kahit ano pa mang paraan upang makuha niya ito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD