Chapter 14

916 Words
  JACOB ARELLANO   “Kelan ka pa nakauwi, Kuya Alfred?” Tanong ni Andy dito habang isa-isang bunubuksan ang mga pasalubong nito sa kanila. Mula sa bakuran ay tanaw at rinig ko silang nagkakasiyahan sa sala. “I just got back last night,nagmadali ako agad na makapunta dito,” sagot naman ng bagong dating na bisita.   “Mabuti naman at hindi mo pa din kami nakakalimutan, hijo.” hinawakan ni Tita ang balikat nito.   “Pamilya na ho ang turing ko sa inyo,” may maliit na ngiting sumilay sa labi nito.  Sakto naman na dating ni Andrea na may dalang kape para sa kanya. “Isa pa ho ay namimiss ko na itong si, Andrea” Hinatpit nito ang baywang ng dalaga.  Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko. Alam kong wala na akong karapatan. Pero sumakit ang dibdib ko na hindi tumutol si Andrea sa ginawa nito. Nag-iwas na lang ako ng tingin at pilit na itinuon ang atensyon ko sa paglilinis ng kotse.   “Nakakatuwa talaga iyang si Alfred,” napalingon ako kay Tito na tinutulungan ako sa paglilinis ng sasakyan namin. “Napakaseryoso sa trabaho pero sa oras na hindi na siya naka amerikana ay parang simpleng tao lang din na kagaya namin,” aniya habang pinagmamasdan ang bisita sa loob ng sala. Tumango lamang ako. “Matagal niyo na po ba siyang kakilala?” nagsimula na akong muling punasan ang sasakyan.   “Hmm…may tatlong taon na rin siguro,” napahinto ako sa ginagawa. Three years? “Hindi na ba talaga kayo maaayos ni Andeng?” Hindi ko maintindihan kung para saan ang tanong niyang iyon gayung nakikita na niya na may kasama ng iba ang anak niya.   “Nakita niyo po ba kung gaano kagalit sa akin si Andrea?” I smirked at the thought. Halos mawala na ang eyeballs niya sa bawat pag-irap sa akin.   “Nakapag-usap na ba kayo?” umiling lang ako bilang tugon sa tanong niya.   “Hindi na ho siguro kailangan,” wala naman ng patutunguhan. Muli akong sumilip sa loob ng bahay at tanaw ko ang maganda niyang mukha na masayang nakikipagkuwentuhan kay Alfred. I used to give her that kind of smile. I used to make her laugh just like that. “Isa pa ay mukhang nagkakamabutihan na po sila ni Alfred,” Malungko na saad ko. Kahit gaano kabigat sa puso ay pinipilit kong huwag magpaapekto dahil wala na akong karapatan pa.   “Si Alfred?” muling tanong ni Tito. Hindi ba niya nahahalata ang kilos ng dalawa? “Sa tingin ko ay dapat kayong mag-usap, para malinaw ninyo ang mga bagay-bagay anak,” nangngiting sabi niya sa akin at tinapik ang aking balikat bago siya pumasok sa loob ng bahay.   ANDREA HERNANDEZ   I saw him looking at me and Alfred. Hindi ko alam kung tama bang lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya. I was about to tell him everything pero dumating si Alfred. I didn’t expect him to come here. Ang alam ko ay sa isang araw pa ang balik niya galing New York. But still, I am thankful that he wants to know my family and to spend time with them.   “Penny for your thoughts?” Nasa balcony ako ng bahay nang marinig ko siyang nagsalita mula sa aking likuran. Hindi ko napansin na papalapit na pala siya. I was so consumed by my thoughts.   “Nagpapahangin lang,” malamig na sagot ko.   “Is it about him?” Hindi man niya pangalanan ay alam ko kung sino ang tinutukoy niya.   “Kung anu-anong iniisip mo,” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.   “I just want you to be sure with your feelings,”   “Kaya ba sinadyang mong dito siya tumuloy sa bahay? To test me?” I felt the irritation again towards him. He still needs to explain his reason.   “Why would I do that?” Matalim ko siyang tiningnan habang pilit niyang pinipigil ang mangiti. Favorite pa din niyang inisin ako. Tanging buntong hininga lamang ang naisagot ko. Silence prevailed for a few minutes.     “I will introduce you to everyone on my birthday party,” aniya. Hindi naman niya kailangang gawin ‘yon. Sapat ng magkasama kaming dalawa.   “Kinakabahan ka ba?” he held my hand and started caressing it. “If that’s what you want then I’ll go for it. It’s your birthday anyway,” I smiled at him. Sa simula pa lang ay alam niyang hindi naman importante sa akin kung  malaman ng iba ang tungkol sa ugnayan namin. Kontento na ako  na nagkakilala at magkasama na kaming dalawa. Lumapit siya sa akin at tinaniman ng halik ang aking buhok.   JACOB ARELLANO     “I will introduce you to everyone on my birthday party,” Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila. Magpapahangin lang din sana ako sa balcony pero hindi ko alam na nadoon din pala silang dalawa.   “Kinakabahan ka ba?” He held her hand and started caressing it. My heart literally ached. “If that’s what you want then I’ll go for it. It’s your birthday anyway,” I guess everything’s too late for the both of us. Masaya na siya. Iyon naman ang mahalaga para sa akin. Ang naging maligaya siya nung nagdesisyon siyang iwan ako. At least hindi nasayang ang pagtatapos ng relasyon namin.   “I heard you’ve met with the head of Finance already. How was it?” Si Alfred na bigla na lang lumitaw out of nowhere. Nananahimik akong nagkakape dito sa bakuran eh bigla na lang siyang susulpot.   “The units have been settled. Aasikasuhin ko kaagad pagbalik ko,”   ” When are you coming back to Manila?” Atat lang? “Tomorrow, Sir.” Gusto na yata akong paalisin agad nito.   “Okay, keep me posted. By the way, I will be celebrating my birthday next week. Come to my party,” He’s a client and I don’t want to be rude. Kaya kahit alam ko na ang mangyayari ay pinaunlakan ko na lang ang invitation niya.   Author’s Note:   Sorry…Sobrang antok na po si author at medyo sabaw              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD