ANDREA HERNANDEZ "Love, punasan mo naman 'yung pawis ko," lambing ni Oliver kay Mikee. Nasa isang table kami habang ang iba naman ay nasa kabilang table including Jackie and Alfred na kanina pang nagpapacute sa isa't isa. Hapon na nun at tapos na ang outreach program. Tapos na din ang mga inaayos na bahay at nagpapahinga na lang kami. "Talagang pinapakita mo pa yang katawan mo kung kani-kanino eh noh?" Mataray na sagot sa kanya ni Mikee pero kinuha pa din naman ang towel ay pinunasan ang pawis sa katawan nito. "Love, mainit kasi kaya nagtanggal ako ng damit," pangangatwiran nito pero hindi pa din nagpatinag ang asawa. "E kung ulo ko ang uminit sayo?" Kinurot niya ang asawa. "Aww! Love, mamaya ka na mag-init pag uwi natin sa bahay," niyakap niya si Mikee at may ibinulong na kung ano na

