JAKE ARELLANO I wanted to tell her how much I missed her. How I wanted to look deeply in her eyes and tell her that nothing’s change. Na walang nabago sa nararamdaman ko sa kanya. Para akong aatakihin sa puso sa lakas ng kabog ng dibdib lalo na nang ilagay ko sa balikat ko ang mga kamay niya. Marahil hindi niya naririnig ang malakas na t***k ng puso ko dahil sa ingay ng paligid. Pero ako, wala akong ibang makita kundi siya lang. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa reaction ng mukha niya nung sabihin kong kinikilig siya nang hinatid ko siya pabalik ng Manila. Alam ko na kahit tinaasan niya ako ng kilay ay natawa siya sa biro ko. Kaya lumakas ang loob kong hawakan ang kamay niya at magpresintang sumali sa games. Siguro, hindi na siya gaanong galit. Siguro kahit papaano ay napatawad na

