Chapter 12

1745 Words
ANDREA HERNANDEZ   Kinabukasan ay maingay na tugtugan sa labas ang gumising sa akin. Ngayon nga pala ang araw ng kapistahan ng lugar namin. Nang makapaghilamos ay lumabas na ko upang tulungan sila Mama sa paghahanda. Nakagawian na nila na maghanda dahil dito sa bakuran namin nagtitipon-tipon ang mga malalapit na kaibigan nila kasama na ang pamilya ng mga ito para sama-samang ipagdagdiwang ang piyesta.   “O anak, mabuti at gising ka na. Ikaw ang gumawa ng buko salad ha,” ani Mama pero ang bumungad sa akin ay ang matipunong katawan na bakat sa basa nitong damit dahil sa pawis. Galing siya sa labas at mukhang tinulungan si papa sa pagtayo ng tolda kung saan ilalagay ang mga lamesa at upuan. Naisipan kong kausapin siya at paalalahanan na huwag magpatuyo ng pawis. Bisita namin siya at ayokong magkaroon ng responsibilidad kung sakaling magkasakit siya. Kargo de Konsensiya ko pa. Ngutin bago pa ako makapagsalita ay isang malambing na boses ang tumawag sa kanya.   “Jake, dinalhan kita ng caldereta. Alam ko kasi na nagustuhan mo ang luto ko  nung nakaraang pista eh,” halos mapunit na ang mukha niya sa lapad ng kanyang ngiti habang inaabot ang ipinagmamalaki niyang putahe. Nalipat ang tingin niya mula sa akin patungo sa babae at muling bumalik sa akin na parang nalilito kung sinong kakausapin niya sa aming dalawa. “Andeng, kamusta?” bati sa akin ng babaeng kilala ko pala ng mapagtanto ko. Si Ara, ang kababata ko na sa Cebu na nakabase dahil doon siya nakakuha ng trabaho. Pero paano niyang nakilala si Ara gayung hindi pa naman sila nagkadaupang palad sa tuwing sumasama si Jake sa akin dito sa Bolinao. Ang huling uwi ni Ara ay may ilang taon na ang nakakaraan. Natatandaan ko pa dahil nataon na umuwi din ako dito kasama si Allan.   “Kamusta ka Ara? Nakauwi ka na pala,” bati kong pabalik sa kanya. Hindi pinalampas ng mga mata ko ang bahagyang pagkapit nito sa braso ni Jake ng iabot niya ang container na pinaglagyan niya ng caldereta.   “Taun-taon na ako kung umuwi dito Andeng,” sagot niya ngunit ang atensyon ay na kay Jake.   “Salamat, Ara” gusto ko siyang bigwasan sa pagngiti niya kay Ara na obvious na obvious na nagpapacute sa kanya.   “O sige, kita tayo mamaya. Alis na muna ako Andeng,” nagpaalam na pero parang ayaw namang alisin ang tingin sa lalaking ito na mukhang tuwang tuwa pa sa pagpapacute sa kanya.   Nang makaalis si Ara ay saka siya bumaling muli sa akin. “Gusto mo bang tulungan kita sa pagagawa ng buko salad?” nakangiting tanong nito pero inirapan ko lang siya at nagtungo na sa kusina.   “Sungit,” narinig ko pang bulong nito bago lumabas ng bahay.   ********** “Anak, baka maging mashed buko salad na ‘yan sa diin ng paghahalo mo,” Napahinto ako sa ginagawa ko nang punahin ako ni Mama. Masyado na palang consumed ang isip ko sa inis ko kay Jake at hindi ko namalayan na marahas na pala ang ginagawa kong paghalo sa ingredients ng salad.   “S-sorry po,” Napatawa si Mama sa paghingi ko ng paumanhin.   “Nagbibiro lang ako, anak. Seryoso ka naman masyado,” nakangiting aniya.   “Ma,” nag-alangan akong itanong ito pero sa tingin ko ay hindi rin naman ako patatahimikin kakaisip.   “Hmm?”   “Napansin ko ho, malapit si—“I hesitated. “Malapit si Jake sa mga kapitbahay natin. Pati yung mga bagong kapitbahay natin ay kilala siya,” Napangiti ng bahagya si Mama sa tanong ko.   “Ayaw mo kasing makwento ako dati. Ang sabi mo ayaw mo na siyang pag-usapan, kaya hindi na namin sinabi sa’yo” naging seryosong sagot ni Mama sa tanong ko. Humarap ako sa kanya at nakitang patuloy lang siya sa paghihiwa ng mga rekado para sa lulutuin mamaya.   “Sabihin ho ang alin?” Muling tanong ko. Somehow, I felt the need to know why.   “Nung umalis ka, halos buwan buwan siya kung magpunta dito. Hinahanap ka. Tinatanong niya kami kung saan ka nagpunta at kung bakit ka umalis.” Muling bumalik sa akin ang sakit. Sakit na pilit kong tinakbuhan noon. “Wala ka namang sinabi sa amin kung ano ba talagang nangyari sa inyo, kung bakit kayo naghiwalay at bakit hindi mo na itutuloy ang pagpapakasal sa kanya. Gayunman, ginagalang namin ang desisyon mo kaya tulad ng bilin mo, hindi namin sinabi na nagpunta ka sa New York,”   “Pero, alam mo anak, awang-awa kami sa kanya. Ang laki ng ipinayat niya nung mga unang buwan na wala ka. Hanggang sa dumadalaw pa din siya tuwing may okasyon. Kaya nga niya nakilala si Ara at yung iba pang kapitbahay. Kasi kahit wala ka, nagpupunta pa din siya dito. Nagbabakasakaling malalaman na niya kung nasaan ka,” Ang bawat salitang luamalabas sa bibig ni Mama ay parang punyal na tumatarak sa dibdib ko.   “Muntik ko na ngang sabihin sa kanya anak eh,” bahagyang napatawa si Mama. “Kaso hindi na siya bumalik. Mga anim na buwan na siguro simula nung huling dalaw niya. Inisip ko baka nagsawa na, napagod. O kaya nakahanap na ng iba. Kaya nga nung dumating kayo dito ng magkasama, buong akala ko nagkabalikan na kayo at tuloy na ang kasal. ‘Yun pala, hindi naman,” ramdam ko ang lungkot kay Mama. Tagalang botong boto siya kay Jake kahit dati pa.   Hindi ko na nagawang tumugon pa kay Mama. I was dumbfounded. Isa’t kalahating taon siyang nagpabalik balik dito? Pero bakit? Hindi ba masaya na siya sa buhay niya?   Sumapit ang gabi at nasa bakuran kaming lahat. Naggigitara si Andy at nagsasalitan sa pagkanta ang mga matatandang lalaki. Ang mga kababaihan naman ay masayang nagkukwentuhan. Pinilit kong mag-iwas ng tingin sa harapan ko dahil dandun si Jake at katabi si Ara na wala pa ding tigil sa pagpapacute sa kanya.   “Anak, tugtugin mo nga ang paborito ko.” Utos ni Papa kay Andy. Mahilig kumanta si Papa. Mana sa kanya si Andy na may talento sa musika. Ako lang talaga ang pinagkaitan ng singing skills. Marahang tinipa ni Andy ang gitara sa malambing na saliw ng musika at nagsimulang kumanta si Papa.     “...Di kita malimutan Sa mga gabing nagdaan Ikaw ang pangarap Nais kong makamtam Sa buhay ko ay Ikaw ang kahulugan Pag-Ibig ko'y Walang kamatayan Ako'y umaasang Muli kang mahagkan…”     Ramdam ko ang paninitig ni Jake sa akin. Hindi ko alam kung paanong pilit iiiwas na magtama ang tingin namin dahil alam kong hindi niya iyon inaalis sa akin. Kumakabog ng husto ang dibdib ko.   “Ikaw pa rin ang hanap ng Pusong ligaw Ikaw ang patutunguhan at Pupuntahan Pag ibig mo ang hanap ng Pusong ligaw Mula noon, bukas at kailanman…”   Sumabay ang iba pang kalalakihan sa pagkanta ni Papa. Hindi pa din niya inaalis an tingin sa akin na lalong mas nagpabilis ng t***k ng puso ko.   Nang matapos ang kanta ay siya naman ang binuyo nilang umawit. Maging si Ara ay nagpumilit na pakantahin siya. Hindi na niya nagawang tumanggi. Kinuha niya ang gitara kay Andy at siya na ang tumugtog nito’t nagsimulang kumanta.   “…Oh, I'm sorry, girl, for causing you much pain Didn't mean to make you cry, make your efforts all in vain And I apologize for all the things I've done You were loving me so much but all I did was let you down Oh, I really don't know just what to say All I know is that I want you to stay This time, I'm not gonna let you slip away This time, I'm not gonna let another day go by Without holding you so tight Without treating you so right This time, I'm not gonna let go of your love This time, I promise you that we'll rise above it all And I will never let you fall I'm gonna give you my all, this time   Oh, I never thought that I was hurting you Now I know that I was wrong, now I know just what to do Gonna try to be the best that I could be All I need is one more chance to make it up to you, you'll see And there's one more thing that you ought to know All I know is that I don't want you to go…”   Why do I feel this way? Parang ang buong lyrics ay On Point. He kept taking glances on me while singing. Hindi ko na alam kung paano pa ako hihinga. I can’t stand this. I had to go somewhere. Hindi pa niya natatapos ang kanta ay nagmadali akong umalis doon. Tinanong pa ni Mama kung saan ako pupunta kaya nagdahilan na lamang ako na may kukunin sa kusina. Mula sa bahay ay narinig ko ang palakpakan nila at ang malambing na papuri ni Ara sa kanya.     Nagtungo ako sa kusina at uminom ng malamig na tubig. Kailangang mahimasmasan ako. Don’t get too affected, Andeng, I told myself. Okay ka na, wala ng dahilan para maapektuhan ka pa.   “Okay ka lang ba,” halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita siya mula sa likuran ko. Bakit hindi ko naramdaman at napansin na lumapit siya sa akin?   “Ha? O-okay lang ako,” nauutal na sagot ko sa kanya. Dumoble pa ang bilis ng t***k ng puso ko.   “Bakit ka umalis? Nagkakasiyahan pa sa labas,” He took few steps towards me. Napaatras ako dahil gusto kong panatilihin ang sapat na distansiya sa pagitan namin. Pero bawat atras ko ay siyang hakbang naman niya papalapit sa akin. Wrong move dahil naramdaman ko na ang pagtama ko sa sink. Nakalimuan ko na yatang huminga dahil sobrang lapit na niya sa akin. Napapitlag ako nang hawakan niya ang braso ko at yakapin. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso naming dalawa na parang nagpapaligsahan kung kanino ang mas malakas at mabilis na pagtahip. Hindi ko nagawang gumalaw o itulak man lang siya. I was—stunned.   “I wanted to do this the first time I saw you after two f*cking years,” He said that brought electricity to my feelings. Bigla ay parang hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin.   “J-Jake,” I called his name. Kung anong dahilan ay hindi ko alam.   “Please, let’s stay like this. Even just for a few minutes,” may namuong luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. O kung ano ba ang tamang gawin. But right that moment, I froze.   Maya-maya ay nagsalita ito mula sa sandalling pananahimik.   “Andrea, I still — “   “Jake? Nandiyan ka ba?” I felt his body stiffed from that familiar call. Sh*t! He hissed before letting me go.   “Nandiyan pala kayo. Hinahanap na kayo sa labas,” nakangiting mukha ni Ara ang bumungad sa akin. Agad akong lumayo kay Jake at nauna na sa kanila.   “Tara na, kumanta ka ulit”’ huling narinig ko bago ko tuluyang maisara ang pinto ng aking kwarto. Hindi ko nagawang makatulog ng buong magdamag.     CREDITS:   Songs used in this chapter:   Pusong Ligaw by Jericho Rosales This Time by Freestyle
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD