ANDREA HERNANDEZ Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko. Parang tatlong martilyo ang pumupukpok sa ulo ko sa sobrang sakit. Maya-maya ay narinig ko ang marahang katok ni Jackie. I told her to come in. Nang lingunin ko siya ay mukhang parehas lang kami ng kalagayan. Lulugu-lugo din siyang nahiga sa kama at tinabihan ako. “Ahhh! Sobrang sakit ng ulo ko friend! Ano ba’ng pinaggagawa natin kagabi?” Reklamo niya habang idinidiin ang ulo sa unan. “I-I can’t remember,” tamad na tamad na sagot ko. I really can’t remember what happened. Basta ang natatandaan ko lang ay nagkakasiyahan kami at naparami ang inom ko ng beer. After that, everything is blurry. “Naaalala mo ba kung paano ka nakarating sa kwarto mo?” muling tanong nito sa akin. Saglit akong nag-isip. Someone carried me a

