Chapter 17

1402 Words
“Why didn’t you tell me?” He asked using his baritone voice. I didn’t answer. Ibinalik ko ang tingin ko sa langit na puno ng mga stars.   “Kailan mo pa nalaman?” muli niyang tanong.   Napabuntong hinginga ako. Tumayo ako at humarap sa kanya.   “Why? What is it to you?” Matapang na tanong ko sa kanya. Ano bang pakialam niya?   “Because I want to know,” he uttered as if he’s demanding for an answer. The heck?   “Three years ago, bago pa tayo maghiwalay. Okay na?” Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad palayo sa kanya pero sinundan pa rin niya ako.   “Then why didn’t you tell me?” Urgh! Hindi talaga siya titigil!   “Bakit? Nasaan ka ba nung mga panahon na ‘yon?’’ Hindi na ako nag-abalang lingunin pa siya. I just want to be alone.   “What kind of question is that? Ikaw ang lumayo, ikaw ang nang-iwan,”   Oh wow! really now?! “Ako talaga? Sino ba sa atin ang nagpabaya? Ako ba?”’   “You should’ve told me na may pinagdadaanan ka,”   “I tried telling you, Jake. But you weren’t there. Nung mga panahong kailangan kita, hinahanap kita, iba ang sinamahan mo“ Muli na namang bumalik ang sakit sa puso ko.   “What?! That’s not true! Lahat ng ginagawa para sa’yo. Para sa future natin,””   “No, Jake! You were so caught up with your own successful world that you forgot that I still exist,” I shouted at him. “Bigla hindi na ako ang priority mo. Bigla ang dami ng taong naging involve sa relationship natin at hindi ko na magawang sumingit sa mundo mo,” Tears started to build up on the corner of my eyes.   “Is that why you left me?” mapanuring tanong niya.   “There were so many reasons, Jake.” Muli ko siyang tinalikuran at humakbang palayo.   “Yan, diyan ka magaling. Ang umalis, ang magwalk out!””   “E ikaw? Saan ka magaling? Ang magpaasa, ang mang-iwan sa ere!”’   “Ako? Sino ba sa ating dalawa ang bigla na lang nakipaghiwalay at nagtago few weeks before the wedding? Mag-isa akong hinarap lahat ng tao para sabihin na hindi na tuloy ang kasal. At ikaw nasaan ka? Nasaan ka, Andrea?” Iilang beses lang na nasigawan niya ako ng ganoon.   “You pushed me away, Jake. And until this moment, sana hindi na lang ako pumayag na muling mapalapit sayo,” I knew na hindi nadapat ako nagkaroon ng communication pa sa kanya. Sinabi ko na ng aba na darating kami sa ganitong sitwasyon na magsusumbatan kami. At ito ang pilit kong iniwasan kaya hindi ako nagpakita sa kanya. Hindi ko alam kugn kakayanin ko ang ganitong klaseng pag-uusap sa pagitan naming.   “Yun ba talaga ang dahilan? O dahil hindi na ako bagay sa isang katulad mo ngayon?”   What?! Hah! Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.   “Siguro nga, hindi ka bagay sa akin.” Mariin kong sagot sa kanya. That’s what he wanted to hear.   Nagtangis ang panga niya at inilayo ang tingin sa akin. I saw pain on his face when he looked back at me. Hindi na ito muling nagsalita pa at mabilis na iniwan akong nag-iisa.     JACOB ARELLANO   “F*ck! F*ck! F*ck!” Paulit ulit kong isinisigaw habang sinisipa ko ang gulong ng sasakyan ko.  Napalamukos ako ng aking mukha dahil sa matinding emosyong nararamdaman ko. Where was I? I was working my a*s off para lang mabigyan siya ng maalwan na buhay. I wanted to give her the world. Pero kahit anong pagtatrabaho ko pala ay hinding hindi ko matatapatan ang kung anong meron siya kaya nagawa niya akong iwan noon. Pumasok ako sa loob ng kotse at sumandal sa driver’s seat.   FLASHBACK “Anong ayaw mo na?” Kung hindi ko nakita ang galit sa mga mata niya, iisipin kong pinaprank lang niya ako.   “Ayoko ng ituloy ang kasal,” nakayukong sabi nito.   “Tss! Huwag mo nga akong biruin ng ganyan, Hon” akmang lalapit ako upang yakapin siya pero agad siyang umatras papalayo sa akin.   “Ayoko ng magpakasal sa’yo, Jake” Parang may kung anong sumuntok sa dibdib ko kaya naging napakasakit sa akin ng mga sinasabi niya.   “P-paanong ayaw mo na? Ilang linggo na lang kasal na natin,” I was so f*cking confused on how she’s acting.   “I just realized na hindi pala ito ang gusto kong buhay,” F*ck! Ganun lang ‘yun para sa kanya?   “H-hon, ano bang pinagsasasabi mo diyan?” Okay naman tayo di’ba?” Unti-unti nang namuo ang luha sa giliran ng aking mata.   “Akala ko din okay lang lahat, pero hindi pala ganito ‘yun buhay na gusto ko,” nanatili siyang nakayuko. Hinawakan ko ang balikat niya. “M-may nagawa ba ‘ko,hon? Pag-usapan natin. Hindi ‘yung ganito,” I wasn’t able to contain my emotions anymore. Kusa ng bumagsak ang mga luha sa mata ko. “I’m sorry, pero ayoko na” D*mn! Bakit na napakatigas ng loob niya? Hindi ganito ang Andrea na minahal ko.   “Please don’t do this to me,Andrea. Mahal na mahal kita,” I almost begged her just to stay with me, to stay for me. Pero marahas niyang inalis ang mga kamay kong nakahawak sa mga balikat niya.   “Hindi ako ang kailangan mo, I’m sorry,” wala man lang ni isang luhang pumatak sa mga mata niya. Like she meant everything that she said.   ************ “Tito, nasan po na si Andrea? Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito,” Ilang beses akong nagpabalik balik sa boarding house niya. Maging sa bahay nila sa Boolinao pero ni anino niya ay hindi ko nakita.   “I’m sorry, Jake. Pero kahit sa amin ay hindi niya sinabi kung saan siya nagpunta. Tumatawag lang siya para ipaalam na maayos ang kalagayan niya,” Maging ang mga magulang niya ay tikom ang bibig.   Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nagbago. Sinabi ko naman na babawi ako sa lahat.   MIKEE SANTILLAN   “What is happening to you, Jake?! Bagsak na bagsak na ang metrics mo. Negative na ang deposit level ng branch mo. Puro complaints ang naririnig ko tungkol sa’yo! Wala ka ring maipasok na bagong accounts.” Halos lumabas na ang ugat sa leeg ni Boss Mildred sa galit kay Jake na parang wala namang pakialam kahit kanina pa siya bumubula sa pananabon sa kanya ni Boss.   “Mikee, kausapin mo ‘tong kaibigan mo ha, at tumataas ang BP ko!” Padabog na lumabas si Boss ng opisina at naiwan kaming dalawa ni Jake.   “Sh*t! Are you drunk?!” I’m not sure kung hindi ba siya naamoy ni Boss but I knew he’s drunk. Amoy pa lang ay halata na.   “What’s happening to you? Napapabayaan mo na ang trabaho mo. Lahat ng pinaghirapan mong accounts nawala na sa’yo. Even the father of Stacey, nirereklamo ka. E dati gustong gusto ka niya!” Gosh! Sumasakit ang ulo ko sa lalaking ‘to na parang walang naririnig.   “I’m tired, I’ll just go home,”’ Ni hindi man lang iniintidi ang sinasabi ko. Pasaway talaga!   “Is this still about Andeng?” I shouldn’t be asking anymore because I know it’s the reason.   “Don’t f*king say that name,” nakaramdam ako ng konting takot sa paraan ng pagkasabi niya nito. Bakit parang kasalanan ko?   “Fine. But at least take care of yourself,” I sighed. Napapabayaan na niya pati sarili niya. Hindi man lang magawang mag-ahit. Ilang beses na din siyang tumatambay sa bahay at nag-aayang makipag-inuman kay Oliver. Nag-aalala na kami sa kanya pero ayaw niyang makinig.   ********** “Are you sure it’s okay with you? Pwede ko namang tanggihan,” Hindi ako mapakali sa dalawang bagay. First, ayoko naman talagang maging Regional Manager. For pete’s sake ayoko na ng stress. Second, it should be Jake. It could’ve been him. Bakit ba naman kasi sa lahat ng panahon ngayon pa siya naging pasaway. Siya na ang napipisil ni Boss Mildred eh. Ligtas na sana ako. I knew he wanted the position so badly. Kaya nga grabe ang pagtatrabaho niya nitong mga nakaraang buwan. Pero pag-ibig na naman ang nagpadiskaril sa kanya.   “It’s okay, Mikes. Masaya ako para sa’yo,” Napabuntong hininga na lang ako. Lahat na yata ng plano at pangarap niya nawala sa kanya.   JACOB ARELLANO   “Kamusta ka na, hijo?” Isang taon na ang lumipas. Pero wala pa ding paramdam si Andrea. Hindi na rin ako nagpumilit na hanapin pa siya. Ilang beses akong dumalaw sa Bolinao, pero tikom pa din ang bibig nila. Hindi ako napagod na magpabalik balik. Hoping that maybe, if she hears that I’m still waiting for her ay babalik siya. Pero wala pa din.  One year, umaasa ako at naghintay na bumalik siya. But I guess totoo ang sinabi nito na hindi na niya talaga ako gustong makasama pa. I’ve waited for another six months. But still, no Andrea returned. Kailangan ko ng tanggapin, wala na siya. Lahat na lang nawala sa akin. Napabayaan ko ang trabaho ko, napabayaan ko ang buhay ko. All because she left me.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD