JAKE ARELLANO "Sa wakas 'tol matutuloy na rin!" Oliver pat me in the back. Siya ang kinuha kong best man. At sila Andrew, Alfred at Gab naman ang mga groomsmen. Kinakabahan ako kahit alam kong malapit na ang sasakyan na may dala sa kanya papunta dito sa simbahan. Hindi naman na siguro siya aatras ulit...hindi naman na siguro siya mawawala ng bigla ulit... "She's here," ani Mikee. Nakangiti siya nang puntahan kami. She fixed Oliver's bow tie. Hinalikan naman siya saglit ng asawa bago umalis si Mikee para pumunta na sa pwesto niya sa entourage. She is our Made of Honor. Gusto kong mapatalon sa galak knowing that Andrea's here and she came. Lahat ng kaba ko kanina ay napalitan ng sobra sobrang saya at excitement dahil finally, ilang sandali na lang I can call her my wife. Nasimulang mag

