Chapter 4

1833 Words
Chapter 4   Andrea’s POV   "Uhmm, what's your name again?" Tanong niya sa akin ng lumapit ito sa station ko. "A-Andrea po, sir" Hindi ko pa din makalimutan kung paano ako nautal sa kaba nung unang araw na nakita ko siya. Mukhang masungit, pero gwapo pala ang magiging boss ko.   (reference: YGM Book 1: First day) ************************** "sinong nandyan?" Galit na singhal ni Sir Jake nang buksan niya ang pinto. "Si-sir ako po," "Kanina ka pa ba dyan? Nakikinig ka ba sa amin?" Nakakatakot ang boses ni Sir. Hindi ako nakakibo sa sobrang nerbiyos. "Sumagot ka!"sigaw pa niyang muli. "Ma-may pinakuha po kasing supplies si Mam Jona. Lalabas na sana po ako k-kaso masinsinan po ‘yung usapan niyo kaya baka magulo ko po kayo kung lumabas pa ako dito." Paliwanag ko. Medyo nanginginig pa din ako sa takot. "Nag-aalangan o nakikichismis ka?!" Agad kong iniling ang ulo ko dahil hindi naman totoo ang binibintang niya sa akin. "Jake, calm down." Hinawakan ni Mam Mikee ang braso nito upang huminahon.  May effect pa din ang babae sa kanya dahil isang haplos lang nito ay agad na nanghina ang depensa niya. " Bumaba ka na Andrea!" Dali dali akong umalis.   Eto ýung araw na grabe ýung galit niya sa akin. Kasalanan ko bang narinig ko kung paano siya nabasted ni Mikee dati?!   (reference: YGM Book 1: Eavesdrop) ************   "Jona! Anong nangyari?! Bakit galit na galit si Mr. Arevalo?! Ang sabi niya binastos daw siya dito. Ipu-pull out na nila lahat ng account!" Galit na galit si Sir Jacob nang dumating siya sa branch. Malamang, ano pa ba ang ineexpect ko. "Sir kasi po..." Hindi ko na pinatapos si Mam Jona. Alam kong ako dapat ang magpaliwanag ng nangyari.   “Sir, ako po ang magpapaliwanag. Nasampal ko po siya dahil--" "What?! You slapped him?! Huh...alam mo ba kung sino yun? Importanteng kliyente yun Andrea! Isang account lang ang tanggalin nun ay babagsak ang deposit level ng branch natin! How could you?! Wala ka bang ibang alam gawin kundi magbigay ng sakit ng ulo sa akin?!" Parang sinaksak naman ako sa mga sinabi ni Sir Jacob. Hindi oa nga niya alam ang buong pangyayari eh ako na agad ang sinisisi niya. "Sir! Bakit po ba galit na galit kayo sa akin? Sana man lang po pakinggan ninyo ang paliwanag ko! Bastos po ang matandnag yun!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa mga sinasabi niya.   Hindi ko makalimutan kung papaanong pinagpulahan ang mukha niya sa galit lalo na nung mangatwiran ako. But after that incident, he changed. Mukhang tinubuan ang konsensya.   (reference: YGM Book 1: Harrased)   ********* "What time ka maglunch?" "Mamaya after ni Jackie." "Sabay tayo" "Wala kang lunch meeting?" "Wala. Mas gusto kitang kasabay :) " "Ok :) "     Napangiti ako ng lihim nang maalala ang mga patagong pag-uusap at sulyapan naming dalawa nung wala pang nakakaalam na kami na.   (reference: YGM Book 1: Poor Jake)   ****************************************** “Grabe, ang laki ng pinagbago mo Andeng,” napabaling ang tingin ko nang magsalita si Maám Jona. Saglit akong napabalik sa mga alaala ko dito sa unang branch nung nagtatrabaho pa ako dito sa Properity Bank. I shouldn’t be thinking about these memories. I wanted to scold myself. “Kailangan sa trabaho Ma’am eh,” nakangiting sagot ko sa kanya. “At ang yaman yaman mo na tingnan, Andeng” Hanggang ngayon ay hindi pa din nagbabago itong si Sir Art.   “At ang ganda-ganda mo friend!”, sabat ni Jackie habang kinakain ang pasalubong ko sa kanilang burnt cheesecake.   “Sinong mag-aakala na dati empleyado lang ka dito. Ngayon kliyente ka na,” ani Miss Lina at sinundot ang tagiliran ko para kilitiin ako. “Ang boss ko ang kliyente, Ma’am. Dinala ko lang ang documents na kailangan para sa account na i-o-open niya,” I just realized now that I missed them lalo na ang kakulitan nila. They were my first friends here in the bank. They helped and taught me a lot way back then.   “Pero girl, hindi ba awkward na magkakadeal kayo ni Sir Jake? Eh alam mo na—“ nangangapang tanong ni Jackie. To be honest, I was hesitant at first. I never wanted to see him again. But I’m doing this for Mikee. She’s my friend and she’s been nothing but good to me from the very start. With or without Jake, naging maganda ang pinasamahan naming dalawa. And If I can extend my help, I will do it for her. “This is just business,” I answered coldly. “Whatever happened to us in the past has nothing to do with this. Isa pa matagal na ‘yun,” I added with a smirk.   “Pero alam mo, ang laki ng pinagbago ni Sir Jake nung naghiwalay kayo. Naging pabaya na siya,” malungkot na saad ni Jackie. I was a bit surprised when I first heard it from Mikee. Jake? Seriously? One of the top managers in the bank?! I can still remember how hardworking he was. Two years ago, napaka linaw ng direksyon na tinatahak niya. He was at the top. Sa unang pakakataon ay naangatan niya si Mikee sa ranking. Siguradong sigurado na ang lahat na siya na ang magiging Regional Manager kapalit ni Boss Mildred. Lahat ay umaayon sa kanya. He was unstoppable back then. Ayaw niyang tumigil kasi ang sabi niya, nasa momentum siya. Ilang beses ko siyang pinagsabihan a maghinay hinay lang, but he didn’t listen. Sayang naman daw ang swerte na lumalapit sa kanya. He was able to hit all his targets at sobra sobra pa. Madami siyang naipasok na bagong accounts sa bangko at worth millions ang mga ito. That’s why I don’t understand what happened to him. Not like I still care! “Girl, hindi sa nanghihimasok ha. Curious lang ako, bakit ba kayo naghiwalay?” kita ko ang lungkot sa mata ni Jackie. I understand. Isa siya sa mga shippers namin dati.   “Let’s not talk about it. Like what I’ve said, it’s all in the past now,” sagot ko na may isang tipid na ngiti.  Saglit kaming natahimik.   “Pero grabe, big time ka na talaga ngayon! Nakacompany car at may driver pa!” Pagbibiro ni Sir Art na bumasag sa kaninang katahimikan namin. I guess going back to this place really bring some memories back. Mga alaalang  ayaw na akong balikan. Pero bawat sulok ng opisina na ito ay may masasayang alaala na aminin ko man o hindi, ay nagdadala ng lungkot at sakit sa puso ko. But I’m not like the old Andeng anymore. I’m no longer the innocent and naive probinsyana. I’m no longer his damsel in distress.   Jake’s POV I just arrived at the branch from a super early breakfast meeting with a client. Six in the morning pa lang ay nakipag meet na ako kay Mr. Lee dahil puno daw ang schedule niya at umagang umaga lang ang bakante oras niya kaya pumayag na ako. Lately ay nagsisipag na akong muli. Gusto ko nang bumawi sa mga panahon na nagpabaya ako. I want my old self back. Dahil naging mabilis lng naman ang meeting ay maaga pa din akong nakarating sa branch. Maaga pa kaya sarado pa ito sa kliyente. Malamang ay sabay sabay na naman silang nagbe-breakfast. Routine na namin iyon sa opisina.  Pagkapasok ko pa lang sa pinto ay rinig ko na ang masayang kwentuhan at tawanan nila. I decided na lumapit at maki-join sa kanila. I must admit that these past two years, I’ve been aloof. Hindi ko na sila nakakabonding katulad ng dati. And I felt guilty about it. Kaya hangga’t maaari ay babawi ako sa team ko.   “Good Morning! Mukhang ang saya-saya ninyo ngayon ah!” bungad ko sa kanila. Lahat ng paningin nila ay bumaling sa akin na may pagkabigla. Nagtaka ako pero agad din itong napalitan ng pagkabigla dahil sa hindi inaasahang bisitang nasa harapan ko ngayon. Kung anong pagkabigla ko ay siya namang pormal ng reaksyon niya. As if she was never affected by my presence. Unlike me, I am still stunned whenever I see that pair of eyes.   “Good Morning,” pormal na bati niya. Ang mga staff ko naman ay nagpapalitan ng tingin sa amin. “G-good Morning,” nauutal na sagot ko. I didn’t want to stutter but d*mn, I can’t help it. Nasa harapan ko siya ngayon! “I just dropped by to give you this,” she stood up and hand me over a long brown envelop. “That’s the form that Alfred signed for the opening of his account. The cheque for the initial deposit is enclosed as well,” Hindi ko nagawang magsalita. I didn’t expect to see her here again.   “Ehem,” Art cleared his throat. Isa-isa silang natayuan at nagpaalam na magpupuntahan na sa kani-kaniyang station. Thank God I was able to come to my senses.   “Thanks! You shoudn’t have brought it here. Pwede naman na ako na lang ang pumunta sa opisina niya. Naabala ka pa,” I said while checking the documents inside the envelop. I tried to calm myself and make my voice sound at ease kahit ang totoo ay naghuhurumintado na ang t***k ng puso ko. “That’s okay. Alfred told me to bring it here because he already left this morning. He needed to go to Cebu for a business meeting,” How can she do that? How can she remain calm and cold? Wala na ba talaga akong epekto sa kanya. “Unfortunately, I can’t wait for the certificate anymore. Can you just bring it to the office instead? I really need to go now,“ tumingin ito sa pambisig na relo at mukhang nagmamadali nga. “Yeah, sure.” I answered then she just smiled a bit before calling someone on her phone.   “Manong, saan na po kayo? Pakisundo na po ako dito sa bangko. What?! Nako naman manong anong oras magagawa ‘yan? Kailangan ko na hong makaalis ngayon at tanghali po ay dapat makarating ako sa Sierra Hotel. Hays. Sige tawagan niyo ho ako kaagad,” she seemed bothered that I couldn’t help but ask. “Is there a problem?” “Uhm, nasiraan daw ‘yung kotse at pinapaayos pa niya. Unfortunately, coding ang sasakyan ko ngayon,” she answered not taking a glance on me dahil mukhang may tinatawagan pa itong iba.   “Where are you headed to?”’ I once again asked.   “I’m going to Sierra Hotel in Tagaytay. One of the hotels that Alfred owns. May kailangan akong iinspect dun,“ sagot muli nito.   “I- ’ll drive for you then,” walang abog na nasabi ko. Shocked registered on her face. I was surprised with myself as well. Hindi ko pinag-isipan. Bigla na lang lumabas sa bibig ko.   “No, thanks. Ayokong makaabala,” mariing tanggi niya. “No, you’re not,” I said. You will never be. I wanted to add but kept it to myself instead.   “Come on, you need to be there at lunch, right? So, we better leave now,” I tried to convince her pero halatang nag-aalangan siya. Siyempre, hindi maganda ang nakaraan niyo, Jake. I scold myself. “Isa ‘to sa mga service na ipinagmamalaki kay Mr. Garcia. I can do the extra mile for my clients, kahit labas sa trabaho ko,” I justified. “O-okay. Thanks, “ Mukhang naisip niyang wala na ring siyang ibang choice. I suddenly felt excited. Author's Note: Hi! First scenes were excerpts from the chapters in You Got Me. You might want to read it first before This Time since it is the first book. I will unpublish it sooner or later kaya basahin niyo na habang available pa. Also, this is raw and unedited chapter so forgive me for errors, if any.  Enjoy reading :)            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD