KABANATA 1

432 Words
Ateeee!" rinig kong sigaw ng kapatid kong bruha. "Oh ano?! Inaamag na ko kahihintay ng pagkain ko ah! Bakit ngayon ka lang?" pagbubunganga ko sa kanya. "Chill ka lang Ate! Sorry na..." At nagpout pa ng labi. Dry lips naman. Tsk. Inabot ko agad yung bitbit niyang pagkain at gutom na gutom na talaga ako. Gusto na ngang kumawala ng mga dinosaurs sa tiyan ko. Tom Jones na rin sila. "Bakit ba kasi natagalan ka?" tanong ko habang inilalapag yung mga pagkain sa lamesa. "Eh kasi nakita ko yung crush kong si Gabriel na nakatambay dyan sa basketball court kasama mga tropa niya," kinikilig niyang pagkukwento. Napabuntong-hininga na lang ako sa kalandian ng kapatid ko. At nagsimula nang kumain. "Tapos naisipan kong tumambay din para matitigan siya," patuloy ni talantuday. Halos muntikan na akong mabilaukan sa sinabi nitong gagang to! "Ikaw na bata ka! Malandi ka!" sigaw ko sa kanya sabay kurot sa tagiliran niya. "A-aray naman Ate!" angal niya. "Aray-aray ka dyan! Mas inuna mo pang titigan yun kaysa ihatid ang pagkain ko! Napaka-kiri mo!" Hihilahin ko pa sana yung buhok niya kaso nakaiwas agad. "Ate tama na ang pananakit. Minsan ko lang kasi makita yun. Kaya gri-nab ko na ang opportunity," pagdadahilan niya. "Sorry na.. Love naman kita eh." "Love pero ginutom mo?!" angil ko sa kanya. "Ate naman paulit-ulit. Sorry na nga eh." "Nga pala, napansin ko na nandyan si Mayor Jimanyak ah." "Gaga ka! Dahan-dahan ka nga sa pananalita mo't may makarinig sayo," gigil kong bulong sa kanya. "Eh, totoo naman ah. Grabe kaya kung makatitig sayo yun." "Tumititig lang naman pero wala namang ginagawang masama. Tsaka baka ganon lang talaga siyang tumingin?" alanganin kong sabi. "Ate ano ka ba! Sabi samin ng teacher namin kapag tinititigan ka ng isang lalaki or babae ng malagkit at hindi ka kumportable doon, considered yon as a s****l harassment," pangangatwiran niya. "Eh basta, hayaan na natin siya. Tumitig siya hanggang gusto niya. Pero hindi ko ipapapasok ang tren sa tunnel," biro ko sa kanya. Natawa na lang kaming pareho sa sinabi ko. Pero agad natigilan si Alliyah at bigla na lang umupo sa tabi ko. "Bakit?" tanong ko. "Nakatingin si Jimanyak," mahina niyang sabi. Titingnan ko sana kung nakatitig nga si Mayor Jim pero naramdaman kong hinawakan ni Alliyah ang braso ko kaya naman napatingin ako sa kanya. Umiling siya. "Wag mo nang tingnan," sabi niya. "Ang creepy talaga niya..." komento niya pa. Sinunod ko na lang ang sinabi niya at hindi na nga tumingin. "Hayaan na lang natin. Hanggang titig lang naman siya..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD