Chapter 39 LOREBEL 'LORRIE' Hindi ko akalain na ganito kagarbo ang inihanda ng kompanya ni Hector para sa post-birthday celebration n'ya. Ang haba ng hilera ng mga luxurious na kotse sa labas palang ng mansion at lalo akong namangha nang makita ang maraming bisita sa courtyard ng mga Griego. Napapahanga ako sa bawat bisitang nakikita ko. Lahat sila ay tila ayaw matalbugan pagdating sa suot nilang evening dress at mga alahas. Nakihalubilo kami sa mga bisita habang abala ang aming mga mata ni Helena na hanapin si Hector hanggang sa sandali pa ay nagsalita sa mikropono si Ms. Perlah. Mukhang siya iyong emcee sa party na ito. Sakto lang ang pagdating namin ni Helena. Hindi kami na-late pero kami yata ang huling dumating. Nabanggit pala ni Helena sa biyahe kanina na ang matataas palang

