Lira: PARANG KINUKUROT ang puso ko habang pinagmamasdan ang asawa kong nahihimbing at nanginginig pa rin dala ng taas ng lagnat nito. Nagngingitngit ang mga ngipin ko na maalala kung bakit ako nagalit dito kanina at tiniis itong iniwanan kahit gustong-gusto ko na siyang pagbuksan noong nasa parking pa lamang kami ng restaurant at parang basang sisiw sa labas na kinakatok akong nagmamakaawa ang itsura. Gusto ko siyang balikan ng pinaharurot ko ang kotse at nakitang nawalan ito ng balanseng sumubsob sa kalsadang binabaha! Nagkapasa tuloy siya sa braso, dumugo rin ang noo at likod ng ulo nito. Kahit sa tuhod ay may malaki at malalim siyang sugat na nakuha sa pagkakasubsob niya sa kalsada dahil sa akin. Tumulo ang luha ko at magaang pinaghahalikan ito sa buong mukha. Napakataas ng lagnat ni

