Napapikit ako ng madiin dahil sa bad thoughts pumasok sa utak ko. Kung saan-saan bumabaling-baling ang ulo ko. Sa kaliwa, sa kanan at minsan naman ay dumadapa ako at sinusubsob ang mukha sa unan. Pumapasok sa isip ko ang itsura ang mga nangyari sa amin ng boss ko, kahit anong pilit kong itaboy ito sa isipan ko ay bumabalik pa rin. Hindi ako makatulog dahil sa pagtrespassing niya sa isip ko.
Bumangon ako at napahilamos ng mukha gamit ang kamay. Sinabunutan ko ang sarili ko dahik sa inis. Pinikit ko muli ang mga mata ko at sinarado ang isip sa lahat.
"Sera, stop thinking of him. Stop it." I talked to myself, completely losing my mind.
Pero hindi ko talaga akalain na may ganoon siyang side. Nagbibiro siya at nakita ko siyang ngumiti at tumawa. Siguro nga ay hindi ko pa siya kilala, mali yata na pinagsabihan ko siya ng masasama sa utak ko. Mali na hinuhusgahan mo ang isang tao kung hindi mo pa sila lubusang kilala.
Sumandal ako sa headboard ng kama, bumuntong hininga ako at tumitig sa kisame habang ang isip ko ay kung saan-saan pa rin naglalakbay.
I remembered the kiss that we shared. It was just a gentle kiss, hindi ko na dapat inaalala pa. Hindi naman importante iyon at hindi na rin mauulit. Ayoko na ri namang maulit dahil baka dahil sa mga punisment niya ay magkagusto pa ako rito. The last thing I want is to fell in love, especially to a heartbreaker like him. Iyon ang dapat na itatak ko sa kokote ko tuwing nagtatrabaho ako kasama niya.
Mukhang imposible rin naman na magkagusto ako sa kaniya. Hindi siya ang tipo kong lalaki, hindi ko gustong magka-jowa ng mayaman. At saka, may ganoon nga siyang side but him being a playboy will always stay the same. Ayoko rin sa mga gwapo. Ang tipo kong lalaki ay iyong mabait, mapagmahal, maalaga, masipag at matiyaga. Iyong tipo na kahit na hindi na kami masaya sa relasyon ay kakapit pa rin siya. Ang gusto ko ay ang magiging boyfriend ko ay ang magiging asawa ko rin sa kinabukasan.
Plus, it's very impossible for him to even like a woman like me. Hindi naman ako ganoon kagandahan, at hindi ako mayaman na katulad niya. Sigurado na ang tipo niyang babae ay iyong nababagay sa kaniya, iyong maganda at mayaman na tulad niya.
When I realized that I've been thinking of him him again, I slapped myself hard on the cheek.
"Aray!" Nasapo ko ang pisnge ko na sinampal ko, nagsisipa-sipa ako sa inis at padabog na nahiga. "Sera naman, matulog ka na!"
I was interrupted by the knock on my door room. Napakunot ang noo ko, inayos ko ang paghiga ko at hinintay na may bumukas sa pinto ko. Niluwa ng pinto si Papa na nakasuot na ng pantulog nito.
"Hey, pumpkin." He smiled as he approach me.
"Papa, bakit gising pa po kayo?" Takang tanong ko, hinihila ang sarili na bumalik sa pag-upo.
"I should be the one asking you that." Umupo siya sa harap ko habang nakataas ang dalawang kilay sa akin. "Bakit gising ka pa? Ang alam ko eh tulog ka na sa ganitong oras."
Muling pumasok sa isip ko ang mukha ni Mr. Dwyer, napabuntong hininga ako at napailing sa sarili.
"Madami lang po talaga akong iniisip, Papa." Pinakita ko sa kaniya na okay lang ako sa pamamagitan ng pagngiti.
"Tulad ng?"
Nagkibit balikat ako. "Just...stuffs."
"What stuffs?"
Natahimik ako sandali, hinawi ko ang buhok ko na nakasagabal sa mukha ko. Hindi ako ang klaseng anak na mahilig magtago sa mga magulang. Nasanay na ako na nagsasabi sa kanila ng lahat ng mga nangyayari sa buhay ko, ngayon lang yata ako nagdalawang isip kung ibabahagi ko ba sa kanila ang nasa isip ko.
"Papa..." huminga ako ng malalim, "it's really nothing. Huwag ka ng mag-alala sa akin, Pa. Kayo po ba? Baka hanapin na po kayo ni Mama."
"Tulog na ang Mama mo, anak." Aniya.
"Bumalik ka na po, baka magising siya at hanapin ka pa po."
"I'll just say good night to you, pumpkin. Pero mukhang ayaw mo na nandito ako." Ngumuso siya na parang bata, madrama siyang bumuntong hininga at nagkunwari na nagtatampo.
Tumawa ako at umusog palapit sa kaniya. "Nag-aalala lang ako kay Mama, alam mo naman po 'yon, mahilig magpanic saka mahina ang puso non, Pa. Ayokong may mangyaring masama sa kaniya."
"Huwag ka ng mag-alala sa mama mo, 'nak. Okay lang ang mama mo." He messed my hair, giving me an assuring smile. "Good night, pumpkin."
"Good night po, Papa." Niyakap ko siya ng sandali. "I love you po."
"I love you, too." He kissed my head then rose up. "Babalik na 'ko, matulog ka na. Maaga ka pa bukas sa trabaho mo." Pinahiga niya ako sa kama at kinumutan ako. Pinatay ang ilaw bago lisanin ang kwarto ko.
...
Naglakad ako papasok sa DS company building. Malaki ang building, hindi lang mataas kundi malawak din. Maganda ang exterior design ng building, isang tingin mo lang ay malalaman mo na agad na pagmamay-ari ito ng isang mayamang bilyonaryo.
Nagtungo ako sa office si Mr. Dwyer, I stopped midway when I realized that I haven't put anything on my face to look presentable. Mapanget ako ngayon dahil hindi ako makapag-ayos ng mukha, ayoko kasing malate dahil ayoko ulit na maparusahan niya. Simpleng puting blouse na nakatuck-in sa high waist jeans lang ang suot ko, nasa messy ponytail ang buhok ko at ang mukha ko ay walang kahit anong make up na nakalagay. Not even powder.
Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa office niya. Kita ko ang loob mula rito sa labas dahil glass wall lang ang nakapalibot dito. Wala siya sa upuan niya at mukhang wala rin siya sa paligid. When I entered his office and roamed my eyes around, nakumpirma ko na wala nga siya talaga. So, I proceeded to my office. Binaba ko ang bag ko at umupo sa aking swivel chair. I waited patiently for him.
Hanggang sa lumipas na ang ilang minuto at wala pa rin ito. I checked my watch and saw that it's already 10:20 AM.
Ang unfair dahil kapag nalelate siya sa trabaho ay wala man lang siyang parusa. Well, he's the boss.
Tumayo ako, saktong pagtayo ko ay bumukas ang pinto ng office si Mr. Dwyer. Pumasok siya nang hindi maayos ang necktie at gulo-gulo ang buhok. Mukha siyang puyat pero nakakagulat na gwapo pa rin ito kahit ganoon ang ayos niya. His messy look looks kinda hot on him to be honest.
Goodness, Sera! Bakit nagiging gan'yan ka na mag-isip?
I watched him walk towards his table, he threw his attache case to his table and dropped himself on his chair. Hindi siya kumibo, nakaupo lang siya duon at parang malalim ang iniisip.
Kinuha ng sticky note na nakapatong sa table ko ang attention ko. Dinampot ko ito at saka binalik ang tingin sa boss kong mukhang stress na stress sa trabaho. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa hanggang sa makaisip ng paraan nang sa gayon ay gumaan ang loob nito kahit papaano.
Lumabas ako ng office ko, binati ko siya pero hindi man lang niya ako pinansin, hindi niya man lang ako binati pabalik. Nagkibit balikat akong lumabas ng office niya at nagtungo sa kitchen. Pinagtimpla ko siya ng kape, sinulatan ko naman ang notes na dala ko.
'Smile, boss :) Sige ka, papanget ka n'yan.'
N
akangiti ako habang nagsususulat. Nang matapos ay binalik ko sa bulsa ang pallpen at dinikit ang note sa mug. Bumalik ako sa office habang dala ang kape na tinimpla ko para kay Mr. Dwyer.
I entered his office and approached him with a smile.
"Sir, coffee po." Pinatong ko sa table niya ang kape.
"What's this?" To my surpise, instead of sounding grateful, he sounded irritated.
Hindi niya ba nagustuhan?
"Ahm..." Hindi ako makatingin sa mga mata niyang may pagkadigusto habang nakatingin sa akin. "Coffee, sir...f-for you po."
"Did I tell you to make me one?" He snapped. "Ang ayoko sa lahat ay ang pinapangunahan ako, I thought you said you can follow some simple rules?" He sounded really displeased of my action.
"Did I order you to make me a coffee?"
"N-no, I-i just thought you'll like it." I looked down, trying to hold my tears because of the tone that he was using to me.
Nakakadismaya siya. Kusa ko talagang ginawan siya ng kape para naman gumaan man lang ang loob niya. Ang buong akala ko ay magugustuhan niya iyon pero nagkamali ako.
"You're fired. "
"W-what!?" Hindi makapaniwala kong tanong. "A-anong... Just because of that?" My eyes were wide in shock.
"Excuse me? "
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Ayokong umiyak sa harapan niya.
"Sir, with all due respect, ginawa ko lang ang trabaho ko. Wala akong nilabag sa mga batas mo. I made you a coffee, it's part of my job. I didn't do anything wrong!"
"I didn't order you to make me one." Diin niya. "You are fired and don't even question me! Get out of my office, Miss Leir."
"No." Tuluyang tumulo ang luha ko sa pisnge pero agad ko itong pinahiran. "No, I'm not fired and I'm not leaving."
"Do you f*****g want me to drag you out, huh, woman!?" Bigla siyang tumayo at sumugod sa akin, napaatras ako sa takot pero nahawakan niya ako sa braso at pinigilan akong makalayo sa kaniya. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit, humihigpit din ang hawak niya sa braso ko. "Are you deaf, huh? Anong hindi mo maintindihan sa sinabi ko? Why don't you want to leave? Just say you want me and I'll f**k you so we can get this over with."
My lips parted, my tears rolled on my cheeks and I panted in anger. "Anong pinagsasasabi mo?"
"Stop acting. I know what you want and I will give it you. Just tell me if you want to f**k with me and I'll gladly do you good." A devilish smirk formed his lips, he grabbed my jaw and smashed his lips on mine fiercely.
I pushed him with all my strength and slapped him really hard that the palm of my hand stinged in pain. I pulled my hand away from him and stepped away while wiping my lips aggresively with my fist. Naiiyak ako habang pinapahiran ang labi ko, lumuluha ang mga mata kong sinalubong ang kaniya. He didn't even look guilty of what he did and it made me cry even more.
"Are you implying that I want to have s*x with you, Mr. Dwyer? Sinasabi mo ba na nag-apply ako ng trabaho para lang makipaglandian sayo? Sinasabi mo ba na malandi ako?" Tumawa ako. Hindi ko alam kung bakit ako natatawa. "Hindi ako ganoong klaseng babae, Mr. Dwyer. Hindi ako kagaya sa mga babae mo. Hindi ako malandi at kaylanman ay hindi ako papayag na makipag-s*x sayo lalo na't ngayon na alam ko na ang kulay mo."
I saw how you looked tired and stressed, the reason why I made you a coffee. I only wanted to make you feel better. I exhaled slowly, closing my eyes and holding on to my chest. "Nag-apply ako dahil kaylangan na kaylangan ko ng pera! Everything I do is for my parents kaya paanong nag-apply ako para lang makipag-s*x sayo, ha!?" Galit kong binato sa dibdib niya ang sticky note na hawak ko. "Gago ka! Hindi nga ako nagkamali na isa kang gago! I'm not fired, Mr. Dwyer, because I quit! I don't want to work for a monster like you."
Tinalikuran ko siya, nagmadali akong lumabas ng office niya habang bumubuhos pa rin ang luha ko. Naghintay ako ng elevator na magbubukas, napaupo ako sa sahig at sinubsob ang mukha ko sa tuhod ko. Humikbi ako habang paulit-ulit na pumapasok sa utak ko ang mga sinabi sa akin ng lalaking 'yon.
Sino siya para husgahan ako ng ganoon? Sino siya para sabihin lahat ng iyon sa akin? Na ipamuka sa akin na gusto kong makipagtalik sa kaniya? Hindi ako ganoong klaseng babae, nakakadismayang isipin na ganoon pala ang tingin niya sa akin noong una pa lang. Ganoon ba lahat ng mga naging personal niyang alalay para akalain niyang ganoong klaseng babae ako?
Nang may bumukas nang elevator ay dali-dali akong pumasok. Pinahiran ko ang mga luha ko at pinatahan ang sarili. When I lifted my head up, I saw Mr. Dwyer walking towards this elevator. Napigilan niyang magsara ang elevator at pumasok. He grabbed my arms and pushed me against the wall.
"Ano ba!?" Nagpumiglas ako sa hawak niya.
"Stay still, Miss Leir." He held me still but I still continued fighting. "Miss Leir!" His voice boomed, he pushed me further to the wall and stared at me with his warning eyes. "If you don't stay still right now, Miss Leir, I swear, I'll kiss you."
Natigilan ako sa sinabi niya, malaki ang mga mata kong nakatitig sa mga mata niya. Base rito ay hindi siya nagbibiro at seryoso sa sinabi niya.
"Sisigaw ako!" Pagbabanta ko.
Kumunot ang noo niya. "And what will you scream at?"
Matapang ko siyang nginitian, nang bumukas ang elevator ay binuka ko ang bibig ko para sumigaw.
"Tulong! r****t! Manyakes! Tulong—"
Tinakpan niya ang bibig ko, mukhang nagulat siya sa ginawa ko dahil halata sa mukha niya. Tumingin-tingin siya sa labas, natatakot siguro na may nakarinig sa akin.
He returned his eyes on me. "What the hell, Miss Leir!?" He whisper-yelled.
Marahas kong tinanggal ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko.
"Ano bang kaylangan mo, ha? You told me to leave, then why are you following me?"
He opened his mouth but he closed it again like he doesn't know what to say. He looked away, his jaws clenching and moving.
"Mr. Dwyer?" I called his attention, irritated because of his stupid behavior. Paalisin niya ako tapos susundan? Pinaglalaruan niya ba ako?
He looked at me, he looked at me for so long before speaking. "Stay."