Zaparta's POV "Sinabi ko na nga ba hindi magandang sumali sa ganitong training." sabi ko. Nakalinya kami ayon sa team. Alas singko pa lang ng umaga pero naka-gather na kaming lahat dito kasama ang ilan na kaibigan nila Ate na sasali din sa training. Ine-explain ngayon ni coach Avey ang mga gagawin namin ngayong araw at habang sinasabi nya ang mga yon ay laging may kasunod na thrill at hindi maganda ang mga thrill nya. Nandyan yung kapag hindi natapos ang exercise within fifteen minutes, iinom kami ng ampalaya juice at kung ano ano pang mapapait na juice. Meron din na naka-squat kami tapos may kutsara sa bibig na may kalamansi. Kapag nahulog ang kalamansi ay madadagdagan ang oras ng squat at ang pinakahuli, walang dinner kapag hindi natapos lahat ng exercise pagsapit ng alas siyete ng gab

