Zaparta's POV "Boring!" sigaw ko habang nasa loob ako ng kwarto ko dito mismo sa bahay namin. Kahapon nakauwi na kami galing Empire Island pero imbis na sa camp kami ihatid, sa mismong mga bahay nila kami hinatid. Sinabi nila na kailangan nilang mag-concentrate sa practice dahil dalawang linggo na lang ay Winter Cup na. Hanggang pagtapos pa naman ng Winter Cup bago kami bumalik ulit sa camp kaya pinapa-enjoy na nila kami sa bakasyon namin dito. Busy din sila Ate Zoe sa pag-practice kaya naman wala akong ibang pwedeng gawin. May mga lakad sila Marceline ngayon kaya hindi ko din sila mayaya. Si Kriza may family bonding sila ng buong linggo kaya hindi ko sya makikita ng isang linggo kaya ito loner ako ngayon. Tinignan ko ang cellphone ko para tignan kung may na nakaligtaan akong message o

