Zoe's POV "Patingin ng list ng players nila." sabi ko kay Rigel. Binigay nya naman sakin ang isang folder na naglalaman ng information ng Meteorite. Una ko agad napansin ang logo ng team nila. Halos parehas lang ng design ng logo ng Meteor ang logo ng Meteorite. Sa Meteor ay star na nahuhulo pero sa Meteorite ay stone. Bumaba ang tingin ko sa pangalan ng coach nila. "Silva." bangit ko sa pangalan nya. "Sinasabi ko na nga ba, Meteorite dahil si Silva ang coach nila." sabi ko sabay tingin kay Ate Kill. "As I thought." sabi ni Ate Kill. "Kilala ninyo po sya?" tanong ni Titania. Ngumiti ako sa kanila. "Yes, kaibigan namin sya." sabi ko sabay tingin sa pangalan ng team nila. "Hindi man lang sya nag-isip ng ibang pangalan ng team, dinagdagan lang ng 'rite'." naiiling na sabi ko. "May team

