Chapter 1

2607 Words
"Zap!" tumigil ako sa paglalakad para lingunin ang tumawag sakin. Ang kaibigan ko na si Marceline. Hinintay ko syang makalapit sakin. "Goodmorning." bati ko sa kanya nang makalapit na sya sakin. "Zap! tignan mo!" inilahad nya sa harap ko ang pamilyar na envelope. "Galing ito sa Dragon Basketball Girl International Training Camp at nakapasa ako! isa ako sa itra-train nila!" tuwang tuwang sabi nya. "Wow congrats." nakangiting sabi ko sa kanya. Idol na idol ni Marceline ang Dragon Empire. Laging nangunguna sa larangan ng basketball ang Dragon Empire. Sumusunod sa kanila ang Miracle at Shakers. Sa panahon lang ni Tita Kill natatalo ang Miracle ang Dragon Empire at ganon din ang Shakers. Malayong malayo ang mga players ng Dragon Empire sa ibang team dahil ayon kanila Ate Zoe, maraming natututunan sa training kaya mahirap talunin ang Dragon Empire. "Thank you. Gosh, I can't believe it!" tuwang tuwa pa din sya. Napailing ako. "Sayang kasi hindi ka sumali sa try out nila edi sana dalawa tayong magtra-training sa kanila." "How can you be sure na papasa ako dyan?" "Duh, mas magaling ka kaya sakin Zap." sabay irap nya. "Hindi ako magaling, Marceline." sabi ko. Inirapan na naman nya ako. "Wag ako, Zap. Kahit sinong tao dito sa lugar natin kilala ka na magaling na player sa basketball. Trinain nila Tita Kill, Ate Alexa, Ate Zoe at mga kaibigan nya. Mga bigatin kaya sila." napailing ako sa sinabi nya. "Saan pala punta mo?" "Pupuntahan ko si Josh sa kanila. Sabay kami sasali sa soccer team." sabi ko. "What?!" alam kong magugulat sya lalo na alam nyang mahal ko ang basketball noon. "Bakit? Why?" hinawakan nya ang dalawang balikat ko. "Bakit?!" niyugyog nya ako. Gusto ko sana matawa dahil parang luluwa na ang mga mata nya sa itsura nya pero nasasaktan ako sa pagyugyog nya. "Sawa na ako sa basketball." sabi ko at tinanggal ang mga kamay nya sa balikat ko. "Ano?" napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Seryoso ka ba sa sinasabi mong yan Zaparta?" Bumuntong hininga ako. Binuo nya na ang pangalan ko, ibigsabihin, kundi sya inis o galit, seryoso sya. "Mas mahal mo pa ang basketball kaysa sakin Zaparta. Tag ulan o tag araw, nagpra-practice ka. Naglalaro ka. Anong pinagsasabi mong sawa ka na? kung mahal mo ang basketball, hindi ka magsasawa." Hindi ako nagsalita. "Naulit na naman ito, Zaparta. Tungkol na naman ba ito kay Kriza? akala ko okay ka-" "Hindi ito tungkol kay Kriza." putol ko. "Then what?!" nabigla ako sa pagsigaw nya. "Okay lang na hindi ka magtraining sa Dragon Empire pero ang tumigil sa basketball at sabihin nagsasawa ka na ay napakaimpossible! Kilala kita Zaparta. Hindi mo basta basta bibitawan ang basketball kung hindi si Kriza ang rason mo! Ilang beses ka na nainjury at ilang beses ka na din pinapayuhan ng doctor na tumigil sa paglalaro ng basketball pero hindi ka tumigil. Si Kriza lang ang tanging rason mo kung bakit ka titigil sa basketball." Napayuko ako at napakagat ng labi. "Now tell me, Zaparta. Si Kriza ba ang dahilan? limang taon na nakakalipas." mahinahon na ang boses nya at nagsusumayo. Lalo kong kinagat ang labi ko dahil alam kong nahihirapan si Marceline sakin. Narinig kong bumuntong hininga si Marceline nang hindi ako sumagot. "Wag mong itigil ang pagba-basketball, Zap." "Sila Mama nga okay lang sa kanila na tumigil ako tapos ikaw.." sabi ko at nagpout sa kanya. "Ah basta, wag kang tumigil sinasabi ko sayo." napakamot ako ng ulo. Ano na gagawin ko? papunta pa naman ako ngayon kanila Josh dahil sinabi ko nga sa kanya na sasali kami sa soccer team.  "Tita Zap!" tumingin ako sa seventeen years old na anak ni Kuya na babae kasama ang isa ko pang pamangkin na anak ni Tita Zoe na sixteen years old. "Tawag po ni Tita Zoe." "Eh bakit daw?" tanong ko. "Baka tungkol sa training mo. Nandon sila Ninang Ella." sagot ni Dite in short of Aphrodite. Ang panganay na anak nila Ate Zoe. May lollipop pa itong kain kain. Naaalala ko ang dahilan kung bakit Aphrodite ang pinangalan sa kanya ng mga magulang nya. Natatawa talaga ako kapag naaalala ko yon. Ang corny masyado ni Ate Zoe noon. Masyado daw maganda si Ate Alexa at nakuha daw ni Dite ang kagandahaan taglay ni Ate Alexa at nabuo daw sya dahil sa pagmamahalan nilang dalawa kaya Aphrodite ang pinangalan sa kanya. Corny diba? lalo na mas madaming namana si Dite kay Ate Alexa, tanging kulay lang ng mga mata ni Dite ang namana nya kay Ate Zoe. At itong si Dite, purkit apat na taon lang ang agwat namin ay hindi ako ginagalang nito. Hindi katulad ng pinsan nyang si Zandy na mas matanda sa kanya ay ginagalang pa din ako. Ewan ko nga kung kanino namana yon ni Dite. "Training? saan?" takang tanong ni Marceline. "Nakapasa si Tita sa training sa Dragon Basketball Gir-" hindi na pinatapos pa ni Marceline si Zandy. "Nakapasa?! paano? how?! eh hindi ka naman nagtry mag try out diba?" naguguluhan na sabi nya. Napakamot ako ng ulo. "Iniimbitahan nila akong sumali. Hindi ko alam sa kanila." nilingon ko ang dalawang pamangkin ko. "Si Tita Ella lang ba ang nandon?" "Hindi, ang buong Dragon Empire." sabi ni Dite. Hindi ko na pinansin ang hindi paggalang nito. Sanay na din ako. "Ang buong Dragon Empire?!" ulit ni Marceline. "Zap! tinanggihan mo ang invitation sayo noh?" tumango ako sa kanya. "Nagjoin force sila para magtraining ka sa kanila! ohmygosh makakasama kita sa camp!" tili nya. "Pero ayokong magtraining sa kanila." sabi ko nang maalala ko na magtra-training din si Kriza sa kanila. "Bakit aber?" nakataas ang kilay nyang tanong. "Dahil magso-soccer ako." "Sinabi ko sayong wag kang titigil sa pagba-basketball!" napangiwi ako nang sigawan nya ako. Nasa harapan nya lang ako, hindi nya kailangang sumigaw. "Zap." napatingin kaming apat sa tumawag sakin. Nagulat ako nang makita ko ang buong Dragon Empire kasama sila Ate Zoe, Ate Alexa at Tita Kill. May mga tao naman na nakatingin sa kanila. Sanay na ang mga tao dito ang makita sila dahil palagi din silang nandito pero dahil ang gaganda nilang lahat ay napapatingin pa din ang mga tao dito. Sa totoo lang, walang panget sa kanila. Ang gaganda nilang lahat tapos ang gagaling nila magbasketball. "Hala ka." bulong sakin ni Marceline sakin. Alam ko kung ano ang naiisip nya. Nasabi nya na din kanina. Nag-join force sila para mapapayag nila ako. "Sorry, Zap. Pinilit ko na din si Ate Ella kaso gusto ka talaga nilang itrain eh." sabi ni Ate Zoe. "Sigurado ka bang titigil ka na sa paglalaro ng basketball, Zap?" tanong ni Tita Kill. Dahan dahan akong tumango. "Opo." "Zap!" maktol ni Marceline. "Sinabi ko sayong wag kang tumigil eh!" "Pero sa-sawa na ako." tinignan nya ako ng masama. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. "Talaga ba?" sabi ni Stace. Kaage ko lang sya pero maaga syang napasok sa camp. Fifteen years old sya nang magtraining sa camp. Sabi nya kinuha daw sya ni lolo Kean para magtraining sa kanila. Sya ngayon ang captain ng Dragon Empire kahit na may mas matanda pa sa kanya sa team, sya pa din ang piniling captain dahil sa kakayahan nito at sa galing nitong maglead. "Oo." diretso kong sagot. "Kakausapin ko muna sya." sabi ni Tita Kill. Bigla naman ako kinabahan. "Kahit anong gawin ninyo, hindi ako magtraining. Titigil na ako sa paglalaro." sabi ko. Pero kahit sabihin ko yon ay hindi ako pinansin ni Tita Kill at hinila nya ako palayo sa mga kasamahan namin. Hindi ako makatingin sa kanya pagkalayo namin. "Sa ginagawa mo lalo kang kamumuhian ni Kriza." napakagat ako labi pagkabanggit nya sa pangalan ng anak nya. "Alam ko dahil kay Kriza kaya ka titigil." "Hindi po ito tungkol kay Kriza." mahina at mabagal kong sabi. "Wag kang magsinungaling sakin, Zaparta. Sa tagal ninyong magkaibigan ni Kriza, kilalang kilala kita." Hindi ako sumagot sa kanya. Nakatingin lang ako sa mga batang naglalaro ng batohang bola. "Zaparta." hindi ako lumingon sa kanya kahit na tinawag nya ako. "May sinabi sakin si Kriza nang malaman nyang pasok sya sa training ng camp. Gusto mo bang malaman kung ano ang sinabi nya?" Tumingin ako sa kanya sa gilid ng mga mata ko pero saglit lang. "Gusto ka nyang pabagsakin." napayuko ako. Alam ko na yon. Sinabi nya yon sakin bago sya umalis five years ago pero.. "Hindi pa rin magbabago ang isip kong tumigil na sa paglalaro." "Kahit sinabi nyang wag kang tumigil sa paglalaro?" napatigil ako at dahan dahan na nilingon si Tita Kill kung seryoso ba sya sa sinasabi nya. Pero sinong pinagloloko ko? hindi marunong magbiro si Tita Kill pwera kay Tita Avey. Pero impossibleng sabihin iyon ni Kriza. Mas makakabuti pa ngang hindi ako maglaro ng basketball para hindi sya natatalo. Na walang mas aangat pa sa kanya. "Hindi ka naniniwala sakin?" nakataas ang isang kilay nyang sabi. Napakagat ako ng labi. "Mukha ba akong nagbibiro, Zaparta?" napangiwi ako dahil nakakatakot sya kapag ang seryoso masyado ni Tita Kill. "Hi-hindi naman sa ganon, Tita Kill." pero ang hirap lang kasing paniwalaan. "Kapag nalaman nyang hindi ka nagtraining at tumigil sa paglalaro ng basketball. Hindi din sya magtra-training at titigil na din sa paglalaro." sabi nya. "Hindi dahil samin kung bakit sya naglaro ng basketball. Dahil yon sayo, Zaparta. Ikaw ang nag-ayang maglaro sa kanya ng basketball." "Ba-bakit naman sya ganon?" "Ikaw ang dahilan ng lahat. Ikaw ang dahilan kung bakit naglalaro pa din sya ng basketball. Ikaw ang dahilan kung bakit sya umalis. Ikaw ang dahilan kung bakit nya pinaghuhusayan ang paglalaro ng basketball. Ikaw ang dahilan, Zaparta. Kung titigil ka sa paglalaro, paano na ang mga efforts nya para matalo ka nya?" Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ako makapaniwala. Akala ko mas makakabuti na hindi ako maglaro dahil kinamumuhian nya na ako simula nang matalo ko sya. "Zaparta. Ako ang naghihinayang sa friendship ninyo ni Kriza. Dating hindi kayo mapaghiwalay hiwalay, ngayon kaaway na ang turingan ninyo." "Sya lang naman po yon." nakayukong sabi ko. Ayokong maging masama si Kriza sa magulang nya pero sya naman talaga ang nagsira ng relasyong ito. "Ayusin ninyo ito. Ayokong makita kayong parang hindi kayo magkakilala." sabi nya. Tinapik nya ang balikat ko bago bumalik sa mga kasamahan namin. Bumuntong hininga ako. Hindi madali ang gusto ni Tita Kill kung ang mismong anak nya ay sobra ako kinamumuhian ngayon. "Zaparta." umangat ang mukha ko at tumingin kay Tita Ella. Hinawakan nya ang pisngi ko. "Alam mo ba kung bakit ka inimbitahan ng camp?" hindi ako sumagot. Ayokong magmayabang dahil sa galing ko pero yun kasi ang nakaligay sa invitation nila. "Dahil noon palang gusto na kitang itrain." "Po?" Natawa sya sa reaction ko. Eh paano, hindi ko alam na gusto nya akong itrain noon palang. Si Tita Ella ngayon ang coach ng Dragon Empire. Sabi ni Tita Avey, simula nung magtraining sila sa camp hanggang ngayon ay hindi umalis si Tita Ella sa camp. Sobrang mahal daw ni Tita Ella ang camp kaya ayaw nitong umalis. May sariling bahay nga sila malapit sa camp. Hindi na kasi sila pwedeng gumamit ng dorm dahil may pamilya na sila ni Tita Joey.  "Alam mo, naghahanap kasi ako ng successor ko. May usapan kami ni Avey na hahanap kami ng papalit sa position namin." "Position ninyo ni Tita Avey? you mean The Empire Duo?" yun kasi ang title nilang dalawa nung mga panahon nila. Napanood ko ang mga laro nila at masasabi ko na sobrang galing nila. Napaka-unstoppable nilang dalawa ni Tita Avey. Parang nakakonektado silang dalawa sa isa't isa dahil kahit nakatalikod si Tita Avey kay Tita Ella parang alam nyang nasa likuran nya lang si Tita Ella at walang lingon nyang pinasa ang bola kay Tita Ella. "Yup. Ikaw ang napili ko dahil sa malalim na dahilan. Sa ngayon hindi ko muna sasabihin sayo." sabi nya habang nakangiti. "Nalungkot ako dahil hindi ka nagtry nung nagpatry out kami dahil akala ko maitra-train na kita kaya naman para maitrain kita ay inimbitahan kitang sumali sa training namin." "Pero.." "Pero tinangggihan mo." malungkot na sabi nya.  Napakamot ako ng ulo lalo na hindi ko alam kung nagpapaawa si Tita Ella sakin dahil ang lungkot nyang tumingin sakin. "Ano bang pwede kong gawin para mapapayag kita?" "Ah.." umiwas ako ng tingin sa kanya. Sabi na, nagpapaawa si Tita Ella sakin. Ang hirap pa naman tanggihan ni Tita Ella. Sobrang nakakaawa ang mukha nya sa ginagawa nya eh. Bumuntong hininga ako. Naalala ko ang mga sinabi ni Tita Kill kanina. Nagdadalawang isip pa din ako hanggang ngayon. Parang mas lalo lang kami hindi magkakaayos ni Kriza kung hindi ako magtra-training pero.. "Zaparta." tumingin ako kay Tita Ella. Napangiwi ako nang makitang nagmamakaawa pa din ang itsura nya. "Si-sige po." nakangiwing sagot ko. Biglang nagliwanag ang itsura nya na tila nanalo sa lotto. "Yes!" sigaw nya at niyakap ako. "Tita Ella! ano ibigsabihin ng 'yes' ninyo? magtra-training na si Zap sa camp?" tanong ni Marceline na lumapit samin at parehas pa kaming tinignan. "Yes, magtra-training si Zaparta sa camp. Saya diba?" sabi ni Tita Ella. Niyakap naman ako bigla ni Marceline. "Waaah! makakasama kita!" tuwang tuwang sabi nya. "Good choice Zaparta." nakangiting sabi ni Stace. Lumapit na din ang iba samin. "Hay buti naman nasagip ang basketball career ni Zap." parang nakahinga ng maluwag si Ate Zoe sa sinabi nya. "Galingan mo don, Zap. Wag kang susuko kahit sobrang hirap ng training ninyo doon." dagdag nya. Ngumiti naman ako sa kanya. "Goodluck talaga sa inyo." sabi ni Tita Kill. "Grabe tinatakot ninyo naman yung rookies. Hindi naman ganon kahirap ang training sa camp." sabi ni Kimberly. Ang three point shooter ng Dragon Empire. Walang kupas ang mga tira nya, laging pasok. "Noon yon, nung wala pa si Avey." sabi ni Tita Kill. Naguluhan naman kaming lahat lalo na nang tumawa si Tita Ella. "Hay naalala ko tuloy ang batch ninyo. Ang daredevil ng Dragon Empire na kung magtraining, pamatay." sabi ni Tita Ella. "Grabe tumaas balahibo ko doon ah." sabi ni Ate Zoe. "Bakit Mom? nakakatakot po ba talaga si Tita Avey?" tanong ni Dite. Napansin ko naman ang pagiging tahimik ng lahat bukod kanila Ate Zoe. "Sakto lang para mamatay ka." sabi ni Ate Alexa. Parang may dumaan na multo na biglang lumamig ang paligid at nagsitayuan ang mga balahibo ko sa sinabi ni Ate Alexa. Hindi lang ako ang natigilan sa sinabi nya halos lahat kami dito pwera sa apat na matatanda. "Ma-mabuti na lang pala wa-wala si Tita Avey sa--" "Nandito lang pala kayo." napatingin kaming lahat sa bagong dating. Hindi ko alam kung matatawa ako sa mga kasamahan ko na biglang namutla pagkakita kay Tita Avey kahit kasi ako pagpakita ko sa kanya ay nakaramdam ako ng takot. "Nasaan si Kriza?" bigla akong napatingin kay Tita Kill. Ngayon ang uwi ni Kriza? "Nadelay ang flight nya, baka diretso na sya bukas sa camp. Teka, bakit namumutla kayo dyan? himalang hindi din kayo maingay." pansin ni Tita Avey sa Dragon Empire. Natawa naman si Tita Ella at Ate Zoe. "Natakot sayo." sabi ni Tita Ella. "Dahil sa mga pamatay mong training." "Tinatakot ninyo ang mga bata." iling na sabi ni Tita Avey. "Totoo naman." sabay sabay na sabi nila Tita Kill, Ate Alexa at Ate Zoe. "Hon naman." nakasimangot na sabi ni Tita Avey. Natawa naman si Tita Kill at inakbayan sya. "Anyway, Stace sa sinabi mong mabuti na lang wala si Avey sa camp? dyaan ka nagkakamali." nakangising sabi ni Tita Kill. Bigla akong kinabahan. Tila alam ko na ang pinapahiwatig ni Tita Kill. "Nakalimutan kong iannounce kanina. Si Avey, ang isa pang coach ng Dragon Empire." "Ano?!" -----------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD