Zaparta's POV Tatlong araw simula nung natapos ang event. Hindi ako naglaro nung nakaraan at ngayon sa mga bawat laban namin dahil sa paa ko ganon din si Drew na mas malala pa sakin at pati na din yung tatlo ay hindi naglaro. Nagagawa namang manalo nila Marceline pero may pagkakataon din na natatalo sila. Ngayon ay dinner na namin, magkasabay kami ni Drew na kukuha ng pagkain. Madaming kumukuha ngayon kaya nakapila kaming lahat. "Ayos na ba paa mo?" tanong ko sa kanya. "Nah." simpleng sagot nya. Tipid talaga nitong magsalita. "Baka hindi na ako maglaro." "Huh?" gulat na tanong ko. "Sayang naman." mukhang kailangan ng isang buwan bago gumaling ng tuluyan ang paa nya. Mabuti na lang pala talaga pinigilan ko ang sarili ko kundi baka matuluyan din ako katulad sa kanya, hindi ko pa makakal

