Third Person's POV Hindi maipinta ang mukha ni Avey habang inililibot ang paningin sa mga taong nasa gym. Sa pagkakaalam nya, practice lang itong magaganap ngayon pero bakit ang daming tao? "Okay, sabihin ninyo sakin kung bakit nandito kayong lahat." tanong ni Avey sa kanila. "Ano pa ba? para suportahan sila!" sagot ni Samantha. "Sa pagkakaalam ko ay practice pa lang ito." sabi ni Avey. Lahat ng miyembro ng apat na team ay nasa gym para suportahan at panoorin ang miyembro ng Dream Team, ang team na lalaban sa Leon Sparks. Literal na dream team ang team na ito dahil sa pitong miyembro. "Yan ang gusto ko sa inyo!" masayang sabi ni Sylvia. "Wala lang sila magawa kaya sila nandito." sabi ni Blysse. "Kahit nandito ang girlfriend mo?" patanong na sabi ni Asta. Tatlong miyembro mula sa M

